Hindi maiwasang maging tampok ng espekulasyon ang pagiging malapit sa isa’t isa nina Barbie Forteza at Jameson Blake.
Isa si Jameson sa mga kaibigan ni Barbie na dumalo sa premiere night ng horror film ng aktres, ang P77. Ginanap ang event sa SM North EDSA noong July 28, 2025.
Agaw-pansin ang pagtatagpo nila sa parking lot, kunsaan tila tumakbo si Barbie para maabutan si Jameson.
Makikita sa kumalat na video na nagyakapan sila bilang greeting sa isa’t isa.
Hinawakan pa ni Barbie ang kamay ni Jameson habang masaya silang nag-usap.
Nagpakuha rin sila ng litrato, at todo ngiti si Barbie habang nakayakap sa baywang ni Jameson.
Kaya ang katanungan ng lahat, sila na ba?
Dumalo ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa premiere night at nagkaroon ng pagkakataon ang awtor na ito na makapanayam si Barbie.
Diretsahang tinanong ng PEP si Barbie kung ano nga ba ang totoong ugnayan na namamagitan sa kanila ng aktor.
Ayon kay Barbie, “Basta ano, masaya siyang kasama kasi, he’s into running also.
“Actually, aside from him, marami naman akong sinasamahang tumakbo, like si Kyline [Alcantara].
“Ayoko naman siyang i-single out sa mga nakakasama kong tumakbo.”
Si Barbie ang nanghikayat kay Jameson na sumali ng mga fun run.
Pagpapatuloy ni Barbie, “Recently lang, mas interested siyang talagang mag-participate sa mga fun run.
“Siguro, na-realize niya how meaningful it is.
“Physically active naman siya, so, why not put it into something meaningful?”
Siya ang nakapag-motivate kay Jameson na tumakbo?
“Ah, bakit? Coach?” natawang hirit ni Barbie.
Sabay sabi niya, “Basta he’s interested to run.”
Dahil hindi diretso ang sagot ni Barbie, hindi malinaw kung magkaibigan lang talaga ang dalawa o kung nagkakahulugan na nga ba sila ng loob.
Read: Fans wonder: Is Atasha Muhlach dating SMC scion Jacob Ang?
BARBIE FORTEZA ON 28TH BIRTHDAY
Nagdiwang ng kanyang ika-28 taong kaarawan si Barbie noong July 31.
Sa isa pang panayam ng PEP kay Barbie sa iba pang okasyon, ibinahagi ng aktres ang kaibahan ng kaarawan niya ngayon.
“Ang kaibahan nito sa birthday ko, thankfully sa birthday ko, marami akong a-attend-an na block screening. Kasi, before my birthday ang showing niya.
“So maraming, maraming salamat sa mga nag-organize ng block screening sa P77. Magiging abala po ako on the day of my birthday dahil lahat ng block screening, pupuntahan ko.”
Kung may birthday gift man daw siyang gustong matanggap, iyon ay ang pelikula niyang P77.
“Oo, nauna na ang ating birthday gift, nauna na talaga,” saad niya.
“Napakagandang regalo nito para sa akin. This is a milestone for me, actually. Maraming achievement ang pelikulang ito hindi pa man siya ipinapalabas.
“And as an actor, napakalaking milestone na nito para sa akin. So napakagandang regalo na siya para sa akin.”
Read: Google to pay PHP715K to man captured naked by Street View camera
BARBIE FORTEZA ON P77
Marami ang pumupuri sa performance niya sa pelikula.
Kahit na hindi niya forte ang horror genre, nagamit pa rin ni Barbie ang kanyang galing sa pag-arte para sa storya.
Mas psychological ang atake ng kuwento na isinulat ni Enrico Santos at sa direksyon ni Derick Cabrido.
“Ang gusto kong lesson na hopefully mag-resonate sa ating audience is that aside from realizing hopefully that in every struggle, whether in life or personal problem, always know that you’re not alone.
“And that, marami ang nagmamahal sa iyo.”
Read: REVIEW: P77, a chilling blend of horror and social commentary
