PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elias J. TV manager Beverly Labadlabad responds to issues

"Handa naman tayo."
by Melba R. Llanera
Published Aug 10, 2025
evelyn labadlabad, manager of elias j tv
Beverly Labadlabad bukas daw sa pakikipag-ayos sa Elias j. tv.: "Negosyante naman tayo, lahat ng bagay, puwedeng ma-negotiate natin."
PHOTO/S: Evelyn Labadlabad and Elias J. Tv. on Facebook

Binabalak pa lang ng manager na si Beverly Labadlabad na sampahan ng breach of contract at estafa si Elias Lintuca at ang buong Elias J. TV band.

Pero nauna na niyang sinampahan ng cyberlibel ang maraming vloggers at content creators na diumano ay nagpalabas ng mga below the belt na pambabatikos sa kanya.

Kasama ni Beverly, na kilala rin bilang Evelyn, ang mga lawyers na sina Atty. Ferdinand Topacio at Atty. Ivan Patrick Ang, nang humarap sa media noong August 6, 2025, sa Century Seafood Restaurant sa Malate, Manila.

Sinabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga rason sa likod ng kanyang desisyon: "Marami-rami yun. Number one, si Madame Iloy Bugris, number one yun sa listahan namin.

"Naka-prepare na, under investigation na, nandito na kay Atty. Ang lahat-lahat yun.

"Di lang si Iloy, awareness na rin ito sa ano na di lang porke't Facebook, gagamitin nyo nang mali.

"Kailangan talaga nandiyan ang Facebook para gamitin natin nang tama, hindi gagamitin nang mali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa ngayon, warning ito sa mga gumagamit sa Facebook o sa mga vloggers...

"First batch yung 15, more than 50 iyan, e. Batch by batch iyan."

evelyn labadlabad, atty. ferdinand topacio, atty. patrick ang
Evelyn Labadlabad (center) with Atty. Ferdinand Topacio (L) and Atty. Ivan Patrick Ang
Photo/s: courtesy of Evelyn Labadlabad

Beverly Labadlabad on booked shows for Elias J. TV Band

Saka inisa-isa ni Beverly ang mga isyung kinakaharap, pero matipid ang sagot niya tungkol sa petition ni Elias at ng mga kabanda para mapawalang-bisa ang kontrata nila sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sabi ng businesswoman: "Handa naman, nandito ang legal counsel, kaya nandito sila Atty. Topacio, pati si Atty. Ang. Handa naman tayo."

Read: Elias J. TV files petition to cancel contract with talent manager

Wala rin daw dapat ipag-alala ang mga bookings ng banda.

"Tuloy-tuloy naman. Sa ngayon, si Elias naman, lahat naman ng sked, sinunod naman niya, pinuntahan naman niya, lahat ng banda."

Beverly Labadlabad on four cars that she supposedly gave to Elias J. TV Band

May lumabas na balitang binawi na raw niya ang apat na sasakyan ni Elias.

"Nag-viral din ito na binawian ko siya ng sasakyan, mayroon pa dun dalawang sasakyan ang binawi ko raw.

"Actually, mali yun, apat na sasakyan ang binawi ko kasi walang bayad yung van doon, kasi investment ko yun.

"Since maliit naman yung YT [YouTube] ng Elias J Band sa Mindanao before, di ko sila tsina-charge doon.

"Ngayon, iba na ang ano natin, business is business, nandito na tayo sa sitwasyon kaya sabi ko, mag-rent na lang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"At least, malalaman nila na we are running business, so sabi ko, mag-rent na lang.

"At least, malalaman nila, we are running business, lahat talaga, may expenses, hindi free yun.

"Ngayon, nagre-rent talaga ng van, pero yung personal na nabili ni Elias, yung pinabili niya sa akin, nasa kanya pa rin...yung dalawang sasakyan na yun, nandun pa rin sa kanila.

"Di naman ako nakikialam kasi personal nila yun.

"Yung apat lang na sasakyan sa akin, yung dalawang van saka dalawang SUV, yun ang binawi ko at pinapalitan ko. Mag-rent na lang sila."

Read: Who is Pinoy reggae sensation Elias J. Tv.?

Beverly Labadlabad denies rumors linking her to Elias

May mga lumitaw ding claims na diumano'y pinagselosan si Beverly ng live-in partner ni Elias na si Abegail Cariquitan.

Agad namang klinaro ni Beverly na purely work lang ang relasyon nila at walang relasyong namagitan sa kanya at sa vocalist.

"Okay naman ang relationship nila. Sa akin, trabaho ay trabaho lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Selos? Dun nagsisimula, sa akin naman, trabaho lang, walang personalan.

"Bilang manager, si Elias naman, bilang magkatrabaho, tinanggap ko siya bilang kapatid ang turing ko sa kanya.

"Kasi once kasi kayo bilang magkatrabaho, kailangan talaga mayroong communication lalung-lalo na magkasundo kayo.

"Magkapatid. yes, pero bilang yung kontrobersiya, di yun totoo. Hindi mang-aagaw si Ms. Beverly, may asawa ako.

"Masaya, tahimik ang buhay namin, 2022 nakasal ako."

Tinanong din ang businesswoman kung bukas pa ba siya sa pakikipag-ayos kung saka-sakaling sa huli ay makipag-usap at makipagbati sa kanya si Elias at ang mga kasama nito?

"Bukas naman tayo diyan. Sa akin naman, bukas naman ako diyan, nakadepende kung ano ang gusto nila.

"Sa akin naman, negosyante naman tayo, lahat ng bagay, puwedeng ma-negotiate natin.

"Walang negosyante na gusto ng war, gusto ng mga negosyante, i-negotiate natin yun."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beverly Labadlabad bukas daw sa pakikipag-ayos sa Elias j. tv.: "Negosyante naman tayo, lahat ng bagay, puwedeng ma-negotiate natin."
PHOTO/S: Evelyn Labadlabad and Elias J. Tv. on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results