PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karylle gets injured while dancing on It's Showtime

Get well soon, Karylle!
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 28, 2025
Karylle gets injured while dancing on It's Showtime
Karylle sprains her ankle during a live sample dance on It’s Showtime: "Sumobra, madlang people. Tumunog yung buto ko."
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube

Na-injure ang paa ng It’s Showtime co-host na si Karylle matapos ma-sprain habang sumasayaw.

Nangyari ang aksidente sa segment na "Laro Laro Pick" ng noontime show nitong Huwebes, August 28, 2025.

Hosts sa nasabing segment sina Karylle, Vhong Navarro, at Jhong Hilario.

Bago magsimula ay nagpasiklab sa sayawan ang tatlo.

Read: Dingdong Dantes, Karylle cross paths on It's Showtime

Ngunit biglang humirit si Vhong na mag-solo si Karylle nang mapansin nitong bigay na bigay sa pagsayaw ang TV host/singer/actress.

Game na game namang humataw nang mag-isa si Karylle subalit halos nagsisimula pa lamang siya nang bigla siyang mapayuko hanggang sa mapaupo sa entablado.

Dito ay sinabi ng actress-singer na tila napasobra yata ang kanyang pagsayaw, sabay hawak sa kanyang kaliwang binti.

Bakas sa mukha ni Karylle noong mga oras na iyon ang sakit na nararamdaman.

"Sumobra, madlang people. Tumunog yung buto ko. Ang hirap pala humataw," nakangiti pa ring sabi ni Karylle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Karylle gets injured while dancing on It's Showtime
Photo/s: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube

KARYLLE'S co-hosts show concern

Agad naman siyang inalalayan nina Jhong at Vhong.

Karylle gets injured while dancing on It's Showtime
Karylle’s co-hosts Jhong Hilario (left) and Vhong Navarro (right) first laughed it off, but later realized she was really hurt.
Photo/s: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

To the rescue rin sina Ryan Bang at Jackie Gonzaga habang hinihintay ang medic na magdadala sa backstage kay Karylle.

Ilang saglit lamang ay dumating na ang medic na umalalay kay Karylle paalis ng entablado.

Read: Anne, Nadine, Bianca slam blatant corruption in government

Pinalitan siya ni Jackie bilang co-host nina Vhong at Jhong sa segment.

Hanggang sa matapos ang It's Showtime ngayong araw ay hindi na nasilayan si Karylle sa paghu-host.

Dahil dito, agad na bumuhos ang pag-aalala ng kanyang mga tagahanga.

Tweet ng isa niyang fan, "Get well soon, K. Ingat always and be careful next time."

Hirit pa ng isa, "Nako, nalimutan ata ni K na may edad na haha. Pagaling ka Karylle."

May ilan ding humanga sa ipinakitang professionalism ni Karylle.

"She is classy. Kitang-kita ang pagiging professional kahit na injured," saad ng isa.

Dagdag pa ng isa, "Grabe yung pagiging kalmado ni Karylle even after she got injured."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang update sa kalagayan ni Karylle.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karylle sprains her ankle during a live sample dance on It’s Showtime: "Sumobra, madlang people. Tumunog yung buto ko."
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results