PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anne, Nadine, Bianca slam blatant corruption in government

Anne Curtis: "Sakit."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 28, 2025
Anne Curtis, Nadine Lustre, Bianca Gonzalez join netizens in slamming “corrupt officials”
(From left) Anne Curtis, Nadine Lustre, and Bianca Gonzalez use their voices and platforms in calling out corrupt officials and contractors linked to flood control controversy.
PHOTO/S: Anne Curtis/Nadine Lustre/Bianca Gonzalez on Instagram

Hindi napigilan ng mga aktres na sina Anne Curtis at Nadine Lustre, at TV host na si Bianca Gonzalez magbigay ng saloobin kaugnay ng mainit na isyu ng maanomalyang flood control projects.

Ito ay sa gitna ng pagkabunyag na ang ilang malalaking construction companies ay konektado sa ilang politiko na nakakuha ng bilyong pisong kontrata mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga proyektong flood control, kalsada, tulay, at mga gusali.

Ngunit lumalabas na kinukurakot umano ng ilang construction at development companies ang bilyun-bilyong pondo para sa nasabing proyekto.

Dahilan kaya magpahanggang ngayon ay marami pa ring lugar sa bansa ang nalulubog sa baha tuwing may bagyo at umuulan.

Read: Vico Sotto: Contractors’ kin’s display of wealth not inspiring

Anne Curtis reacts to viral spiel of Jessica Soho

Isa sa kilalang personalidad na nagpaabot ng kanyang pagkadismaya sa laganap na korapsyon ay ang It's Showtime host na si Anne Curtis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa X (dating Twitter) nitong August 28, 2025, binalikan ni Anne ang naging spiel ng veteran Kapuso broadcaster na si Jessica Soho sa kanyang programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) noong August 24.

Sa episode na ito ng KMJS ay itinampok ni Jessica ang kontrobersiyal at pinag-uusapang maanomalyang flood control projects ng DPWH.

Bahagi ng feature ng KMJS ang eksklusibong panayam ni Jessica kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, na isa sa mga tumututok sa kontrobersiyang ito.

Read: Jessica Soho, pinupuri dahil sa pagtalakay isyu ng flood control projects

Dito isiniwalat ni Magalong ang mga anomalya sa mga proyekto ng gobyerno.

Aniya, malaking porsyento ng bilyones na nakalaan para sana masolusyunan ang problema sa baha ay napupunta lamang sa "kickback" ng mga politiko, contractors, at opisyal ng DPWH.

Read: Richard Gomez at Benjamin Magalong, tinapos na ang kanilang isyu

Sa last spiel ni Jessica, sinabi niyang hindi bagyo at baha ang magpapalubog sa Pilipino, kundi "kasakiman" ng mga nasa katungkulan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tinweet ito ni Anne.

Aniya, "When [ma'am] Jessica Soho said, 'Hindi na pala baha ang magpapalubog sa ating bayan kundi [kasakiman].' Sakit."

Si Anne ay isa sa kinikilalang top taxpayers sa Pilipinas.

Read: Anne Curtis expresses concern over SCTEX and NAIA crashes

NADINE LUSTRE ON FLOOD CONTROL PROJECT ISSUE: "NAKAKAGALIT."

Patungkol sa pangungurakot sa buwis ng sambayang Pilipino ang hinaing ni Nadine Lustre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam niya sa News5 nitong Huwebes, August 28, hindi napigilang ihayag ng aktres ang kanyang galit nang malamang napunta lang sa bulsa ng contractors at ilang politiko ang budget para sa flood control projects.

Ayon kay Nadine, hindi na siya nagtataka kung maraming Pilipino na ngayon ang nagrereklamo at gustong tugisin ang mga nasa likod ng korapsyon.

Read: Nadine Lustre asks the public to vote wisely

Saad niya: "I think, you know, obviously people are going to react kasi with everything that's been going on with, like, the typhoons, with the flood and everything, people are not seeing any improvement.

"So, obviously mali talaga, mali talaga.

"And I, I'm really sad seeing that people are really struggling and, you know, are going through all of these, all of these things, like losing their homes, like even losing their pets, livelihood, just because we can't find a solution for it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos siyempre nakakagalit and nakakalungkot na makita na yung binabayad nating mga buwis sa ganoon lang napupunta.

"So I am not really very much updated on whatever it is that's going on.

"I am, however, aware of, you know, the budget for flood.

"Pero yun nga, nakakainis talaga."

Read: Nadine Lustre takes legal action vs malicious attacks against her

Bianca Gonzalez calls out "lavish lifestyle" of kids of corrupt officials

Ang mga luho ng anak ng corrupt na politiko naman ang binigyang diin ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez.

Sa kanyang X account, ibinahagi ni Bianca ang nababasa niyang post online patungkol sa marangyang buhay ng mga anak ng opisyal na bilyun-bilyong halaga umano ang kinukurakot sa kaban ng bayan.

Mababasa sa tweet ni Bianca (published as is), "my feed filled with posts on the lavish lifestyle of kids of corrupt officials.... and here we are, mga walang generational wealth o nakaw na yaman, na kumakayod araw araw, na minsa'y nahihiya pa magpost ng travel o ng nabili kasi baka 'mayabang' ang dating. paano ba to."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Anne Curtis, Nadine Lustre, Bianca Gonzalez join netizens in slamming “corrupt officials”
Photo/s: Screengrab Bianca Gonzalez on X

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na kabilang sa ngayo'y binabatikos ay ang singer at lifestyle vlogger na si Claudine Co.

Si Claudine ay anak ni Christopher Co, ang co-founder ng Hi-Tone Construction and Development Corporation.

Tiyuhin naman niya si Zaldy Co, ang chief executive officer ng Sunwest Group of Companies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Claudine Co, binabatikos dahil sa pagbalandra ng lavish lifestyle

Kapwa kabilang ang dalawang kumpanya sa nangungunang 15 construction companies sa listahang inilabas ni President Ferdinand Marcos Jr. na nakakuha umano ng kontrata mula sa DPWH para sa mga iba't ibang proyekto mula 2023 hanggang 2025.

Kinukuwestiyon ngayon ang marangyang pamumuhay na ipinakita ni Claudine sa kanyang Claud’s YouTube channel at Instagram page.

Kabilang na rito ang pagbibiyahe nila ng kanyang pamilya sakay ng private plane, madalas na pagbabakasyon sa iba’t ibang bansa, at pagsusuot ng designer clothes at paggamit ng branded bags na umaabot sa milyun-milyon ang halaga.

Read: Camille Co clarifies she has no ties to controversial Co family

Samantala, mabilis na umani ng suporta mula sa netizens ang naging pahayag nina Anne, Nadine, at Bianca.

Marami sa mga ito ang nagpahayag ng paghanga sa tapang ng tatlong celebrity sa paggamit ng kanilang plataporma, kasabay ng pagdami ng mga nananawagan ng masusing imbestigasyon laban sa umano’y katiwalian sa flood control projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vico Sotto explains need to call out journalists on Discaya issue

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Anne Curtis, Nadine Lustre, and Bianca Gonzalez use their voices and platforms in calling out corrupt officials and contractors linked to flood control controversy.
PHOTO/S: Anne Curtis/Nadine Lustre/Bianca Gonzalez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results