Patuloy ang pagdagsa ng batikos kay Gela Alonte, sa gitna ng mainit na usapin tungkol sa pagbabalandra ng ilang social media influencers at anak ng politiko ng kanilang lavish lifestyle online.
Hindi nakaligtas dito si Gela dahil sa pagbabahagi niya sa kanyang posts at vlogs ng pagbabakasyon niya sa ibang bansa, pagsusuot ng designer clothes, at paggamit ng branded bags.
Read: Anne, Nadine, Bianca slam blatant corruption in government
Dagdag pa rito na hanggang ngayon ay tandang-tanda pa rin ng netizens ang kontrobersiyal niyang pahayag tungkol sa political dynasty ng kinabibilangan niyang pamilya.
Read: Vice Ganda hits corrupt officials living off his taxes
Gela’s controversial comment on political dynasties
Noong huling linggo ng July 2025, nag-viral online ang lumang video ni Gela patungkol sa pagbabahagi niya ng saloobin sa usaping political dynasty sa Pilipinas.
Lumalabas na kuha ang viral video noon pang nakaraang taon.
Naka-live noon sa TikTok ang baguhang aktres nang sagutin ang tanong online ng kanyang viewers.
Tanong ng isang nagkomentong netizen: "What are your thoughts about political dynasties here in the Philippines?"
Sagot dito ni Gela, "Paano ba yan, nasa political dynasty yung pamilya ko?"
Natawa na lang si Gela matapos niyang sabihin ito, sabay dugtong niyang, "I mean, controversial."
Si Gela ay anak ni Biñan, Laguna Mayor Angelo "Gel" Alonte, kapatid ni dating deputy speaker at Biñan Mayor Marlyn "Len" Alonte Naguiat.
Sina Mayor Gel at Len ay mga anak ng unang Alonte na namuno sa Biñan noong 1987—si former Biñan Mayor Bayani Alonte.
Read: Emman Atienza denies corruption funds her lavish lifestyle
Dahil sa muling pagsulpot ng nasabing video ni Gela online, kaliwa't kanang batikos ang kanyang natamo mula sa netizens na hindi pabor sa umiiral na political dynasty sa bansa.
Naglabas ng pahayag si Gela sa X (dating Twitter) tungkol sa muling paglitaw ng kanyang lumang video.
Sa kanyang statement, inamin nitong nagkamali siya kung paano niya sinagot ang tanong sa kanya noon.
Pinagsisihan na raw noon pa man ni Gela ang nagawang pagkakamali, kaya hindi naman daw tamang muli itong ungkatin at gamitin para siya'y husgahan.
Naiintindihan din daw ni Gela ang galit ng marami sa nakapanood ng kanyang video dahil posibleng ang iba raw ay nayabangan at tingin sa kanya ay mapagmataas dahil sa pagtawa niya nang sagutin ang tanong tungkol sa political dynasty.
Read: Gela Alonte addresses previous comment about political dynasties
Ngunit imbes na tanggapin ng ibang netizens ang paghingi ng tawad ni Gela ay muli itong gumawa ng panibagong ingay at kumalap ng negatibong reaksiyon.
Sumakto kasing katatapos lamang noon ng bagyong Crising at Dante nang i-post ito ni Gela.
Sumabay ring nagdiwang siya noon ng kanyang ika-23 kaarawan.
May mga netizen na kinuwestiyon ang hindi mareso-resolba umanong pagbaha sa Biñan, Laguna, sa kabila ng deka-dekadang pamumuno ng pamilya Alonte.
Read: Jessica Soho, pinupuri dahil sa pagtalakay sa isyu ng flood control projects
May ilan ding netizens na binatikos ang naganap na selebrasyon ng kaarawan ni Gela sa gitna ng dagok na nararanasan ng kanilang lugar dahil sa pagbaha.
Read: River Joseph stands by girlfriend Gela Alonte amid online hate
Gela reposts “hating me is okay” quote on TikTok
Fast forward nitong Huwebes, August 28, napansin ng ilang netizens ang ini-repost na TikTok video ni Gela.
Mababasa sa post: "Hating me is okay, but trying to make everyone else hate me off a false story is wild."

Bagamat hindi direktang tinukoy ni Gela kung kanino o kung anong isyu ito tumutukoy, may ilang netizens ang nagsabing sagot ito ng dalaga sa patuloy na batikos na kanyang natatanggap.
Bagay na kinuwestiyon pa rin ng iba.
Komento ng netizen sa video na ini-repost ni Gela (published as is): "The audacity of Gela to share this? Na para bang siya yung kawawa. HAHAHA Gela, c'mon, u r living and enjoying a luxurious life mula sa bulsa naming mga Pilipino, mula sa dugo, puyat, at pawis namin. Mahiya ka!."
Saad ng isa (published as is), "oa sa repost, aping api?"
Sabi pa ng isa (published as is), "ni-repost pa talaga ng scholar natin."
Nanggagalaiting dagdag pa ng isa (published as is), "The nerve of Gela Alonte. Everything you own came from Filipinos hard earn money. E.V.E.R.Y.T.H.I.N.G."
Samantala, sa kabila ng mga negatibong komento, nananatiling tikom ang bibig ni Gela hinggil sa isyung kinahaharap niya.
