Hindi na masikmura ng comedienne-TV host na si Pokwang ang talamak na pagpi-flex sa social media ng ilang kaaanak ng contractors ng maanomalyang flood control projects.
May hugot din si Miss Intercontinental 2021 Cindy Obeñita tungkol sa mga nagyayabang ng kanilang mamahaling gamit sa social media.
Sa X (dating Twitter) ngayong Biyernes, August 29, 2025, naglabas ng kanyang saloobin si Pokwang.
Nagkatrangkaso na raw siya sa kakatrabaho para lamang makaambag sa pambili ng mga luho ng kaanak ng contractors.
Sarkastiko pa niyang sabi, huwag mag-deactivate ng kanilang social media accounts ang mga tinutukoy niya para malaman daw ng taong-bayan kung nagustuhan ba ng mga ito ang bago nilang biling gamit mula sa buwis ng mga mamamayan.
Buong post ni Pokwang: "May trangkaso ako ngayon kakatrabaho para meron silang pang flex ng mga bongga nilang lifestyle!! Huy mga nak wag kayo mag-deactivate ng mga socmed nyo! para alam ng taong bayan na napapasaya namin kayo"
Sang-ayon naman kay Pokwang ang marami niyang followers.



Read: Who is Claudine Co?
CINDY OBEÑITA APPEALS FOR MORE HOSTING GIGS
Umapela naman si Miss Intercontinental 2021 Cindy Obeñita na mabigyan pa siya ng maraming hosting gigs para malaki ang maiambag niyang tax pandagdag sa pondo sa lavish lifestyle ng mga "disney princess."
"Disney Princess" ang tawag ng netizens sa mga kaanak na babae ng contractors na nagpi-flex ng designer bags, clothes, pati na ang mga biyahe nila sa ibang bansa.
Buong post ni Cindy sa Facebook, "More hostings please para mas malaki ang tax so we can fund the lavish lifestyle of our disney princesses. Need also OT para they can go to Europe for sembreak. Kayaaaa!"
Read: Gela Alonte reposts "hating me is okay" quote amid backlash
DJ JHAI HO LAUGHS AT SHAMERS AGAINST CONTRACTORS' KIN
Natawa naman daw si DJ Jhai Ho sa kanyang nababasang shaming at hate comments laban sa mga nagpi-flex na mga kaanak ng contractors at politiko ng kanilang marangyang pamumuhay.
Sabi niya: "Tawang tawa ako sa mga comments na nababasa ko sa nagcacancel and super bash sa mga anak ng nyulitekeyks online.
"Infair totoo naman nga kasi pero HAVEY TALAGA.. like, 'Iha.Iho mag overtime pa ako sa work para masustain ang luho mo ha.'
"'Sige hindi ako aabsent para makapag travel ka pa out of the country' hahaha.
"Funny lang pero grabe totoo nga"

Read: Vice Ganda deletes Facebook post about corrupt politicians
