Hindi pinalampas ni Andi Eigenmann ang panlalait ng ilang netizens sa mga anak nila ni Philmar Alipayo na sina Lilo at Koa.
Tinawag ng ilang netizens na "madungis" ang dalawang bata.
Sa Instagram Reel kahapon, September 4, 2025, nag-upload si Andi ng video nina Lilo at Koa habang papunta ng eskuwelahan.
May dala-dalang backpack at tumbler ang dalawang bata.
Makikita ring habang naglalakad ang dalawa sa daan ay namimitas ito ng mga bulaklak.
Bahagi ng caption ni Andi sa kanyang post, "Ang path becomes an adventure when you choose to enjoy it! "
View this post on Instagram
Sa kanyang Instagram Story kinagabihan, nagbahagi si Andi ng mensahe laban sa bashers na nagkomento ng hindi maganda tungkol sa kanyang mga menor de edad na anak.
Hindi na mababasa ang tinutukoy niyang komento ng bashers, ngunit mahihinuhang tinawag ng mga ito na "madungis" ang dalawang anak ni Andi.
Ayon sa dating aktres, marahil ang mga nagkomento ay may mga anak na nakatutok lamang sa iPads buong araw, kumakain ng fastfood at junk food tatlong beses o higit pa, at nagta-tantrums kapag hindi nasunod ang kanilang gusto.
Wala umanong magulang na perpekto, pero mas gugustuhin daw niya ang magulo ngunit nae-nejoy nang husto ang buhay kesa malinis na hindi makabasag-pinggan at walang koneksiyon sa tunay na buhay.
Nakabase ang buong pamilya ni Andi sa isla ng Siargao.
Buong post ni Andi (published as is): "The amount of people who comment about my kids looking madungis...
"are most likely the same type of people who have children stuck on their iPads all day, eating fast/junk food for all three mealtimes (and probably more), and then throw huge fits whenever things don't go their way.
"No parent is perfect, but I'd rather mine be messy from living fully, than clean from sitting still and being disconnected from it."

Read: Judy Ann Santos at Marian Rivera, inisnab ng Gawad Urian
NETIZENS RECALL THEIR LIFE GROWING UP IN THE PROVINCE
Maraming netizens naman ang naka-relate sa malayang pamumuhay ng pamilya ni Andi sa Siargao.
Pagbabahagi ng isa, "Wow remembering our old days sa Province enjoying the simple things na madadaana going to school. galing at na experience ng mga kids mo yan kakatuwa sila."

Babaunin naman daw ng mga bata ang experience na ito paglaki nila.
Aniya, "The experience they’ll treasure at magiging parte na ng childhood memories nila. Iba pa rin kapag sa probinsya ka lumaki dahil siguradong hitik sa saya ang kabataan mo."

Ang isang netizen ay nabasa pa raw ang "madungis" na komento bago ito mabura.
Ayon dito, "comment yan ng mga chismosang nanay na walang ginawa kundi mag tambay sa school buong araw. let them be madungis, pawisan but super happy"

Read: Andi Eigenmann posts bonding moments with family after issue
