Tila bumalik na sa dati ang pagsasama nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo matapos maplantsa ang gusot sa pagitan nila at ng matalik na kaibigan ng surfer na si Swedish marine photographer Pernilla Sjoö.
Sa Instagram ay panay ang post ni Andi ng bonding moments nila ng kanyang pamilya.
Noong February 13, 2025, ibinahagi ni Andi ang ilang larawang kuha sa swimming pool kasama ang paternal grandparents niyang sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa.
Gayundin ang larawang kasama ang kapatid niya sa ama na si Stevie Eigenmann at ang panganay na anak ni Andi na si Ellie Ejercito.
Caption ni Andi sa kanyang post: "Not to overshare, but I was ecstatic that my grandparents finally got to come visit Siargao all the way from the States, after 7 years of me living here. With my sissy @stevieeigengirl and my city girl @ellie_ejercito, no less!"
View this post on Instagram
Read: Andi Eigenmann gets a visit from grandparents in Siargao
ANDI EIGENMANN: "Hinay hinay, mo hilom ra."
Ngayong Martes, February 18, 2025, ang bonding naman nina Andi at Philmar ang ibinahagi ng aktres sa Instagram.
Kasama nila ang kanilang mga anak na sina Lilo at Koa.

Mensahe ni Andi sa wikang Bisaya: "Dire ra sa kun hae an malinawon. [Dito lang muna tayo kung saan matahimik.]
"Hinay hinay, mo hilom ra. [Dahan-dahan, tatahimik din.]
"Tanan para sa pamilya. [Lahat para sa pamilya.]"
View this post on Instagram
Tila hudyat itong winakasan na nina Andi at Philmar ang isyung muntikan nang sumira sa magandang pamilyang nabuo nila.
Nag-ugat ito sa pag-unfollow-han nina Andi at Philmar sa Instagram noong February 7, 2025.
Read: Andi Eigenmann cryptic message after unfollowing Philmar Alipayo
Kasunod nito ang pag-post ng aktres ng couple photo nina Philmar at Pernilla na "224" — na ang ibig sabihin ay "today, tomorrow, forever."
Ito ang itinuturong dahilan ng short-lived breakup nina Andi at Philmar.
Read: Andi posts "love couple tattoo" of Philmar & female friend
Matapos ang ilang araw, dahil sa pribadong pag-uusap, nagkaayos na ang dalawa noong Pebrero 10, 2025.
Read: Philmar Alipayo reconciles with Andi Eigenmann: “Ok na kami”
