PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Korina Sanchez reacts to viral old interview with Sylvia Sanchez

Korina Sanchez has a reminder to netizens reacting to her old interview.
by Bernie V. Franco
Published Sep 9, 2025
Sylvia Sanchez, Korina Sanchez
Netizens dig up the 2022 interview of Korina Sanchez (right) with actress Sylvia Sanchez that featured the actress's properties. This was after controversial government contractor Curlee Discaya dragged Sylvia's son, QC First District Representative Arjo Atayde (not in photo), among government officials involved in the anomalous flood-control scheme.
PHOTO/S: @korina on Instagram

Umiingay ngayon ang lumang interbyu ni Korina Sanchez sa aktres na si Sylvia Sanchez nang isangkot ng netizens ang anak nitong si Arjo Atayde sa flood control controversy.

Si Arjo, incumbent representative ng Quezon City first district, ay isa sa government officials na pinangalanan ni Curlee Discaya na involved umano sa anomalous flood control projects na kundi man bilyon ay milyun-milyon ang halaga.

Read: Arjo Atayde, PM Vargas, Roman Romulo deny Discaya allegations

Si Curlee at asawang si Sarah Discaya ay may-ari ng dalawa sa Top 15 construction firms na idinadawit sa napapabalitang korapsyon ng flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

NETIZENS on korina's 2022 interview with sylvia SANCHEZ

Dahil sa isyung ito, nagkomento ang ilang netizens sa Instagram account ni Korina.

Nagkomento sila ukol sa old interview niya kay Sylvia.

Ang interview na ito ni Korina kay Sylvia ay para sa Korina Interviews, na umere sa Net 25 noong September 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang video clip na ikinalat ay binigyan pa ng titulong “Korina strikes again,” kasunod ng umingay na interview ng broadcaster sa Discaya couple.

Hindi na mapapanood ang interview ni Korina kay Sylvia sa YouTube. Hindi tiyak kung sa YouTube channel ni Korina o sa Net 25 ito in-upload.

Subalit kumalat na sa social media ang video clip mula sa interview na iyon. Ipinakita rito ang properties ni Sylvia, tulad ng kanilang beachfront family resort, yacht, at jet ski.

Sa edited video clip, makikita si Korina na sakay ng yacht at dumating si Sylvia nang naka-jet ski.

Kumalat din ang video clip ng interview ni Karen Davila kay Sylvia noong March 6, 2025.

Dito ay ipinakita ni Sylvia ang ginagawang six-bedroom Mediterranean house nito sa isang subdivision.

Ang pahaging ng netizens, mistulang "exposés" ang ilang past interviews ni Korina, tulad ng nangyari sa mag-asawang Discaya, at ngayon naman daw ay sa pamilya ni Arjo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ma’am Korina St. of Exposé,” hirit ng isang netizen.

“Exposé, yey love it,” sundot ng isa pa.

“You’re the real hero madam dahil sayo daming nabunyag,” sabi ng isa pa.

korina expose
korina expose 2
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
korina expose 3

Sabi naman ng isa pa, “Korina salamat na-feature mo pala sa Rated K (just like the Discayas) ang mga Ataydes. May proof ulet sa nakaw na yaman nila DIUMANO.”

Pakiusap ng isa, huwag daw sisihin ulit si Korina sa ginawa niyang feature kay Sylvia.

“Magpasalamat sila may resibo na naman tayo!” sabi nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi maituturing na exposé ang panayam ni Korina kay Sylvia, maging sa mag-asawang Discaya, dahil lifestyle ang anggulo ni Korina sa mga ito.

KORINA SANCHEZ REPLIES TO NETIZENS

Nag-reply naman si Korina ukol sa sinasabi ng netizens na ang old interview niya kay Sylvia ay “proof na nakaw na yaman” umano ng aktres.

Nagpahiwatig si Korina na kailangan ng ebidensiya bago maniwala sa mga naglalabasang balita.

Kontra ni Korina: “Kailangan naman ng katibayan muna bago tayo maniwala.”

korina reaction
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaang may strong reaction si Korina matapos idawit ang pangalan niya sa umano’y pagtanggap ng PHP10 million kapalit ng pag-feature niya kay Sarah Discaya.

Pinabulaanan ni Korina na tumanggap siya ng PHP10M para sa interbyung iyon.

Read: Korina Sanchez: "I'm not guilty of anything wrong."

KORINA was dragged into discaya issue

Paano ba nadawit ang pangalan ni Korina sa kontrobersiyang ito?

Matatandaang lumutang ang pangalan ng Discaya couple nang pangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 15 construction firms na konektado sa anomalous projects ng DPWH.

Kasunod nito, nag-post si Pasig City Mayor Vico Sotto tungkol sa video content ng broadcasters na itinampok ang Discaya couple. Si Sarah Discaya ang nakatunggali ni Mayor Vico sa mayoralty race sa Pasig City.

Sa post ni Mayor Vico, naka-upload ang screenshots ng separate interviews nina Korina at Julius Babao sa mga Discaya.

Halos pareho sina Julius at Korina na inilarawan ang "rags-to-riches" story ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya na "inspirational" dahil daw sa pinamalas ng mga ito na "asenso at tagumpay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasaring si Mayor Vico sa sikat na media practitioners na tumanggap umano ng milyun-milyong halaga ng pera kapalit ng pagtampok sa “rags to riches” story ng mga Discaya.

Sabi pa ng alkalde, kailangang maging mapanuri at maingat sa impormasyong ibinabalita, lalo na kung nabibigyan ng magandang reputasyon at kredibilidad ang aniya'y mga kuwestiyonableng personalidad.

Na-bash nang husto si Korina, gayundin si Julius.

Itinanggi nina Korina at Julius ang ibinatong akusasyon laban sa kanila.

Bukod dito, ang mga mainit na pahayag ni Vico tungkol sa mag-asawang Discaya ay naging hudyat para tuluyang maimbitahan sa Senado ang mga ito.

ARJO ATAYDE AND MAINE MENDOZa's STATEMENTS

Humarap sina Curlee at Sarah Discaya sa Senate Blue Ribbon Committee hearing nitong Lunes, September 8, 2025.

Isa si Arjo sa mga pinangalanan ni Curlee sa mga pulitikong sangkot umano sa flood control scheme.

Mariing itinanggi ng actor-politician ang paratang.

Bahagi ng pahayag ni Arjo: “I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I have never dealt with them. Hindi totoo ang mga akusasyon na ito,” pagtatanggol ni Arjo sa sarili.

“I have never used my position for personal gain. And I never will.

"I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods."

Sinagot din ni Arjo ang pagpuna sa kanya ng ibang netizens dahil sa kumakalat na litrato niya kasama nina Sarah at Curlee.

Bagamat totoong dumalaw ang mga ito sa kanyang opisina, nagpakuha lamang daw ang mga ito ng litrato kasama siya.

Wala raw siyang anumang transaksiyon sa mga ito.

Read: Arjo Atayde on Discayas: "I’ve never dealt with them."

Maging ang misis ni Arjo na si Maine Mendoza ay nag-post para pasinungalingan ang paratang kay Arjo.

Pahayag ni Maine via X (dating Twitter): "Teka lang muna, those are baseless allegations. Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I am with my husband in this. Wala siyang ginagawang masama sa loob,” saad pa ng Eat Bulaga host.

Read: Maine Mendoza stands by Arjo Atayde amid Discaya allegation

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens dig up the 2022 interview of Korina Sanchez (right) with actress Sylvia Sanchez that featured the actress's properties. This was after controversial government contractor Curlee Discaya dragged Sylvia's son, QC First District Representative Arjo Atayde (not in photo), among government officials involved in the anomalous flood-control scheme.
PHOTO/S: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results