Mabilis na kumalat sa social media ang larawan ng aktor at Quezon City First District representative na si Arjo Atayde kasama ang mag-asawang contractors na sina Curlee Discaya at Sarah Discaya.
Ito ay matapos pangalanan ng mga Discaya ang actor-politician na kabilang sa listahan ng mga kongresista at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Senate Blue Ribbon Committee inquiry noong Lunes, Setyembre 8, 2025.
Alegasyon ng mga Discaya, ang mga binanggit nilang pangalan ay tumanggap diumano ng porsyento, mula 25 percent hanggang 30 percent, sa mga nakuha nilang flood control projects mula sa DPWH.
Read: Discayas name congressmen who allegedly took cuts from DPWH deals
ARJO ATAYDE DENIES HE "DEALT" WITH THE DISCAYAS
Hindi itinanggi ni Arjo ang litrato nila ng Discaya couple.
Nagpunta raw sa kanyang opisina ang mag-asawa noong 2022 — kung saan bagong halal pa lamang siyang kongresista — para bumisita, na ginagawa rin ng ibang tao.
Ayon pa kay Arjo, iyon ang una at huling pagkakataong nagkita sila.
Pahayag niya: "Totoo na pumunta sa opisina namin ang mga Discaya. This was around 2022, and we met with them just like any visitor to our district office.
"It was a quick 'hi, hello' and picture-taking since it wasn't a planned meeting. It was the first and last time I met with them.
"We never talked anything about any project. And I’ve never dealt with them."
Read: Curlee Discaya, gustong bawiin ang PHP60M mula kay Cong. Arjo Atayde

Agad ding pinabulaanan ni Arjo ang alegasyon nina Sarah at Curlee sa Senate Blue Ribbon inquiry na nagkaroon sila ng mga “deal.”
Ang alegasyong ito ay nagresulta nang pagtanggap niya ng mga batikos, pati na ang asawa niyang si Maine Mendoza.
Siniguro ni Arjo na maghahain siya ng reklamo laban sa mga Discaya dahil sa pagdamay sa kanya sa isyung isa umanong kasinungalingan.
Read: Maine Mendoza stands by husband Arjo Atayde amid Discaya allegations
CURLEE DISCAYA CLAIMS HE TEXTED ARJO ATAYDE
Bago natapos ang Senate Blue Ribbon Committee inquiry kahapon, sinabi ni Curlee na nagpadala siya ng text messages sa lahat ng mga kongresista at DPWH officials na nakatanggap umano ng milyun-milyong piso mula sa kanya.
Ginawa niyang halimbawa ang halaga ng perang sinisingil umano niya kay Congressman Arjo Atayde.
Lahad ng contractor: "Actually po, yung tulong na tinext ko sila at chinat, yun po ang halaga ng dapat isauli nila sa amin, yung balanse pa po.
“For sample po, yung katulad kay Cong. Arjo Atayde po, bale PHP60 million po ang sinabi ko sa chat ko.
"Kasi PHP60 million po yung pinababalik ko sa kanyang pera po na ibinigay ko sa tatay niya.”
Ang tinutukoy ni Curlee ay ang ama ng aktor — ang negosyante at asawa ni Sylvia Sanchez na si Art Atayde.
Pero ayon sa contractor, hindi umano ibinalik sa kanya ng actor-politician ang pera.
Saad ni Curlee: “Nakiusap po [ako]. Utang po ang tema ng dating ko, pero ipinapasauli ko po yung mga kinuha sa akin.
“Lahat po, tinext ko sila lahat. Napakarami po nila… napakarami po nila."
Ginawa raw niya ito bilang "testing" sa mga kongresista at DPWH officials upang malaman kung may tutulong sa kanilang mag-asawa ngayong nahaharap sila sa imbestigasyon.
“Bale ang ginawa ko po, lahat po itong mga gumamit sa amin, tinext ko.
"Tapos gusto ko lang malaman sa kanila na kahit isa po sa kanila ay walang tumutulong sa amin ngayon, at kami po ay kinukutya ng buong publiko.
"Kaya tinesting ko lang po sila kung maaasahan ko ba sila dahil nung panahon po na ginagamit nila kami ay patuloy po kaming bigay nang bigay sa kanila.
“So, kung mapapansin ninyo po, kahit isang reply, nagtataguan lahat. Ni hindi nila kami binalikan.”
Read: Curlee Discaya, gustong bawiin ang PHP60M mula kay Arjo Atayde
THE NEW SENATE PRESIDENT
Kasabay ng pagdawit ng mga Discaya kay Arjo ang araw na pinalitan si Senator Chiz Escudero bilang Senate President.
Si Senator Tito Sotto ang bagong Senate President.
Si Sotto ay kasamahan ni Maine sa noontime show na Eat Bulaga!.
Isa siya sa mga ninong sa kasal nina Arjo at Maine na ginanap sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel, Baguio City, noong Hulyo 28, 2023.
Ninong din sa naganap na pag-iisang dibdib nina Maine at Arjo si House Speaker Martin Romualdez, na idinawit din ng mga Discaya sa kanilang testimonya.