Inulan ng batikos si Alma Concepcion matapos ipagtanggol ang kaibigang si Sylvia Sanchez at ang Atayde family laban sa netizens.
Sa Facebook kahapon, September 11, 2025, ibinahagi ni Alma ang dalawang screenshots mula sa magkaibang tao kung saan ipinunto ritong "laos" na siya at gusto umanong makisawsaw sa isyu.
Ayon naman sa isa, baka gusto raw masustentuhan ni Alma galing sa yaman ng mga Atayde.

Read: Curlee Discaya, gustong bawiin ang PHP60M mula kay Arjo Atayde
ALMA CONCEPCION: Laos? At least sumikat at nakapagpundar
Sa caption ni Alma sa kanyang post, sinabi nitong kahit itinuturing siyang "laos" ng bashers, at least may naipon naman daw siya at naipundar.
May mga natutunan din daw siya.
Buwelta ng actress-beauty queen (published as is): "Laos? At least sumikat at nakapagpundar. Ikaw? Sumikat ka ba? Nakaipon ka ba?
"Baka mas marami pa akong natulungan kesa sa inyo so make sure maayos ang buhay mo bago ka mambato sa iba.
"Madami ako natulungan, napag-aral ko mga kapatid ko. Ikaw? Ano ambag mo sa mundo?"
Payo pa niya, manalamin muna bago manglait ng kapwa.
Lahat naman daw ng mga katulad niya ay darating ang panahong hindi na masyadong tinatangkilik sa showbiz, pero ang mahalaga ay nagamit niya nang maayos ang panahon ng kanyang kasikatan sa pamamagitan ng pagsasaayos ng kanyang kabuhayan.
Pagtatapos ni Alma: "Manalamin muna bago mag bash ha?
"Lahat naman ng artista malalaos. Ang importante ay na-maximize ko, nakapag-invest ng maayos at until now umaarte pa din on the side at may mga hanapbuhay.
"Umpisa pa lang bg showbiz career ko sinabi na sa akin ng mommy ko na hindi sya forever so what did i do? I studied and finished Business & Interior Design courses, maximized showbiz & invested wisely!
"Hintayin ko sagot mo dito sa page ko ha? Game"
YNEZ VENERACION ALSO DEFENDS SYLVIA, ATAYDE FAMILY
Isa rin sa naghayag ng suporta kay Sylvia ay ang kaibigan nitong si Ynez Veneracion.
Ito ay sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Sylvia at ng kanyang pamilya, partikular na ang panganay na anak nito — ang aktor at Quezon City First District congressman na si Arjo Atayde.
Idinawit ng mag-asawang contractors na sina Curlee at Sarah Discaya si Arjo bilang isa sa mga kongresistang tumanggap umano ng porsyento mula sa flood control projects na nakuha ng mga pag-aari nilang kompanya mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kaugnay nito, inungkat ng ilang netizens ang videos at mga larawan ng pamilya Atayde na nagpapakita umano ng kanilang marangyang pamumuhay.
Kabilang na rito ang kanilang magagarang bagay, ang paggamit ng helicopter, ang madalas na pagbiyahe ni Arjo at ng asawa nitong si Maine Mendoza sa iba’t ibang bansa, at ang diumano’y pagkakaroon nila ng bahay sa France.
Naungkat din muli ang video ng interview ni Korina Sanchez kay Sylvia kung saan ipinapakita ng aktres ang ipinapagawang mansyon.
Ayon kay Ynez, nakakaluwag-luwag na ang pamilya ni Sylvia bago pa man pasukin ni Arjo ang pulitika noong 2022.
Kaya nalungkot daw siya sa masasamang salitang ibinabato rito gayong ang intensiyon lamang daw ni Arjo ay magsilbi sa constituents nito sa Quezon City First District.
Saad pa ni Ynez: "All of these experiences happened before they even entered POLITICS.
"When I learned that Cong. Arjo planned to run for Congress, I saw his intentions as pure to help others and give back the blessings they earned through hard work.
"It saddens me that many people judge without understanding the truth, hurling harsh words and accusations without consideration.
"However, I believe that the truth will eventually come to light. Those trying to tarnish the Atayde family’s reputation with lies and inconsistencies should be held accountable.
"They are the real thieves stealing not only from the people but also from the truth."
Read: Ynez Veneracion defends Sylvia Sanchez's family from critics
