Dinepensahan ni Mariel Rodriguez-Padilla ang mister na si Senator Robin Padilla laban sa mga bumabatikos dito makaraang mag-viral ang litrato kung saan naka-dirty finger umano ang actor-politician habang inaawit ang "Lupang Hinirang" sa plenaryo ng Senado.
Sa Facebook ngayong Biyernes, September 12, 2025, sinabi ni Mariel na proud si Robin sa pagiging Pilipino kaya hindi raw nito magagawang bastusin ang Pambansang Awit ng Pilipinas.
Read: Vice Ganda slams corrupt government officials anew
Paglilinaw ng TV host, hindi naka-dirty finger sign si Robin nang makunan ito ng litrato.
Index finger o hintuturo raw ito ni Robin, at may malaking kinalaman sa relihiyon niyang Muslim sa tuwing inaawit ang Philippine National Anthem o kung tawagin ay "Kalima."
Hindi katulad ng nakasanayang buong palad ang inilalagay sa kaliwang dibdib, para sa mga kagaya raw ni Robin na Muslim ay nakasara ang kanilang kamao at nakataas ang hintuturo bilang paggalang sa Diyos nilang si Allah.
Mababasa sa post ni Mariel (published as is): "My husband is a devout Muslim and a proud Filipino.
"During the national anthem, he recites the Kalima—the Muslim declaration of faith, affirming his devotion to Allah.
"This is not an act of disrespect but a personal expression of faith, while at the same time standing in honor of our country."
Read: Curlee Discaya claims politicians, 120 million Filipinos want them dead
Ipinaliwanag din ng TV host ang nakasaad sa Republic Act No. 8491, na nagsasabing wala umanong nalabag si Robin na kahit anong batas nang gawin niya ang Kalima.
"For clarity: under Republic Act No. 8491, the law simply states: At the first note, all persons shall execute a salute by placing their right palms over their left chests.
"Those in military, scouting, citizens military training and security guard uniforms shall give the salute prescribed by their regulations.
"Nowhere in the law does it require the palm to be 'flat.' That is only a practice taught in schools and ceremonies, not part of the legal text. No law was broken."
Read: Mariel Rodriguez describes Robin Padilla as "respectful" partner
Isa raw si Robin sa pinaka-makabayan na taong kilala niya kaya't hindi raw siya makapapayag na ito'y mapasawalang-bahala dahil sa maling paratang.
Ani Mariel: "To claim he disrespects the flag is unfair.
"He is one of the most patriotic people I know—he even travels with the Philippine flag in his luggage and hangs it in every hotel room we stay in.
"His faith and patriotism are not in conflict.
"Serving Allah strengthens his love and service to the Philippines."
ROBIN EXPLAINS PLACEMENT OF INDEX FINGER
Bago mag-post si Mariel ay nauna na ring dinepensahan ni Robin ang sarili laban sa paratang na gumamit siya ng dirty-finger sign sa pagkanta ng "Lupang Hinirang."
Read: Robin Padilla denies flashing middle finger during "Lupang Hinirang"
Sa kanyang biglaang Facebook live broadcast nitong Huwebes ng gabi, September 11, bakas sa mukha ni Padilla ang matinding lungkot na nararamdaman dahil sa inilabas na ulat ng isang news organization, na pinaniniwalaang nagpakalat ng litrato.

Lahad ng actor-politician: “Ito pong nangyayari ngayon, nagulat po ako.
"Isa pong napakalaking para po sa akin, e, pagsubok po ito sa aking pananampalataya, at isang bagay po ito na kapag ito ay napaglabanan ko nang tama, ako po ay bibigyan ng gantimpala ng Allah.
“Kasi po ngayon, pagdating ko sa bahay, ang akin pong maybahay [Mariel Rodriguez] ay siya po ay may kalungkutan.
"Siya po ay nababahala sapagkat naglabas po ng isang news ang Rappler.
"Ito pong Rappler ay sa matagal na panahon ay naging kaibigan ko po ang mga ito, e. Hindi ko pa malaman kung bakit sila gumawa ng ganitong article.
“Sabi po dito, e, 'Senator Padilla’s dirty finger.'"
Kasunod nito ay naglabas ng hinaing ang senador.
“Alam ninyo po, kung ako ay may pagkakamali, dapat lang, kahit magkakaibigan kayo, e, banatan ka. Gawan ka ng isyu.
“Pero ito pong ganap na ito, hindi po nangyari ito. Meron pong larawan na tunay kung ano po yung ating ginagawang talima.
“Gusto ko pong iparating sa inyong lahat, ito po ay banal sa aming mga Muslim,” sabi ni Robin, na ipinakita ang kanyang hintuturong daliri.
Pagpapatuloy pa niya: “Banal po ito sapagkat ito po ang ibig pong sabihin nito, la ilaha illa Allah. Ibig sabihin, 'Walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah.'
“Ito po ang pundasyon ng aming pananampalataya. Dito po nakasalalay ang aming pag-ibig, paggalang, pagsunod sa Panginoong Allah.
"Hindi po namin puwedeng gawing kabastusan ito."
Deklarasyon pa ni Robin: "Magpapakamatay na lang po ako kung gagawin ko yon.
“Hinihingi ko po na huwag muna sana itong gawing kalokohan dahil ito po ang pundasyon ng lahat ng paniniwala ng Muslim.
“Ibig pong sabihin nito, kapag inilagay namin dito [sa dibdib], Diyos ang una. Panginoong Allah ang una sa lahat.
“Kaya po kapag kumakanta ng 'Lupang Hinirang,' kaya po yan nakalagay dito, tunay na mahal namin ang bansang Pilipinas.
"Tunay po yan, pero una ang Panginoong Allah.
“Yan po ay mababasa natin sa konstitusyon natin. Una, ang Panginoong Diyos."
RAPPLER APOLOGIZES TO ROBIN
Samantala, dahil sa pagsasalita ni Robin ay naglabas na rin ng pahayag ang pamunuan ng Rappler nitong umaga ng Biyernes, September 12, upang humingi ng paumanhin sa senador at sa Muslim community.
Bahagi ng kanilang pahayag: "We take responsibility for unclear communication in the newsroom that led to the posting of content that was still being verified.
"We would like to assure our Muslim brothers and sisters that there was no intention to put any sector or faith group in a bad light, and that we are strengthening our internal processes to avoid mistakes like this in the future."
Wala pang pahayag o reaksiyon ang kampo ni Robin patungkol dito.
Additional report by Jojo Gabinete
