PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda slams corrupt government officials anew

Vice: "Maraming tao na ang namatay dahil sa pagnanakaw niyo ng pondo ng bayan."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Sep 11, 2025
Vice Ganda hits corrupt officials
Vice Ganda hits corrupt public officials: "Ang korapsyon ay hindi lamang pagnanakaw ng salapi ng bayan. Ito ay pagnanakaw ng pag-asa. Ito ay pagnanakaw ng pangarap. Ito ay pagnanakaw ng magandang posibilidad."
PHOTO/S: Screengrab GMA Network on YouTube

Patuloy ang patutsada ng Kapamilya TV host-comedian na si Vice Ganda sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Sa gitna pa rin ito ng isyu ng maanomalyang flood control projects.

Read: Jinggoy Estrada, Joel Villanueva tagged in flood project anomaly

Sa episode na "Laro Laro Pick" ng It's Showtime ngayong Huwebes, September 11, 2025, isang player na nagngangalang Ronron ang na-interview ni Vice.

Si Ronron, 21, ay kargador sa palengke.

Simula 14 anyos pa lamang ay ito na raw ang hanapbuhay niya na tumutustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

Pagbabahagi ni Ronron: "Bata pa lang po ako wala na akong tatay. Wala na pong ibang susuporta sa amin kundi ako na lamang po.

"Lahat po kasi ng mga kapatid ko, e, may asawa na kaya tinigil ko po yung pag-aaral ko para makatulong po sa magulang ko.

"Nag-try po akong magbuhat ng mga paninda, mga buko, para lang po may pangsuporta sa aking magulang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Maine Mendoza: Arjo Atayde not capable of stealing people's money

Dahil sa sipag at dedikasyon ni Ronron, napahanga niya si Vice at ang co-hosts nitong sina Vhong Navarro at Jhong Hilario.

Ayon kay Vice, ang mga kagaya ni Ronron ay lumalaban nang patas ngunit ninanakawan ng karapatang umunlad sa buhay ng mga nasa katungkulan na halang ang sikmura sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Read: Carla, Edu, Kaladkaren react to pile of cash shown at House hearing

Matapang na pahayag ng komedyante: "Ito yung mga taong ninanakawan natin.

"Ang korapsyon ay hindi lamang pagnanakaw ng salapi ng bayan.

"Ito ay pagnanakaw ng pag-asa.

"Ito ay pagnanakaw ng pangarap.

"Ito ay pagnanakaw ng magandang posibilidad."

Idiniin pa ni Vice na maraming naging epekto ang pagnanakaw ng mga nasa kapangyarihan, hindi lang kay Ronron kundi sa iba pang pamilyang Pilipino.

Aniya: "Maraming tao na ang namatay dahil sa pagnanakaw niyo ng pondo ng bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maraming magulang ang hindi nakapagdala sa hospital ng kanilang may mga sakit na anak dahil sa korapsyon.

"Maraming matatanda ang hindi naagapan ang sakit dahil sa korapsyon.

"Maraming bahay ang nasira at nabagsakan dahil sa korapsyon.

"Maraming mag-asawa ang naghiwalay dahil sa problema ng kahirapan.

"Kaya hindi lang pera ang ninanakaw ninyo... buhay."

Read: Alden Richards' "kuracaught" post sparks online buzz

Vice urges public to act against corrupt practices

Bagamat talamak ang korapsyon sa ating bansa, may mga nakikita raw si Vice na paraan para mapanagot ang mga may kasalanan at hindi na ito muling lumala at maulit pa.

Ito'y sa pamamagitan ng pagboto nang tama at paglaban para sa mga karapatan sa pamamagitan ng pagsasalita.

Sabi ni Vice: "Kaya ikaw [Ronron], balikan mo ang mga nagnakaw sa iyo.

"Mababalikan natin sila, sa anong pamamaraan? Sa pagsasalita, sa pagboto nang tama, sa huwag pagpayag na ito ay patuloy nilang gawin sa atin. At sa huwag pagpayag na ito ay nagawa nila nang ganun-ganun lang."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Vico Sotto raises doubts on Discaya couple's Senate testimony

Naiintindihan daw ni Vice kung may takot na nararamdaman ang mga ordinaryong Pilipino sa pagsasalita, kaya naman narito raw ang mga kagaya ng It's Showtime para bumoses sa kanila.

Deklarasyon ni Vice: "Hindi lahat may tapang, ha, hindi lahat may kakayahan.

"Kasi yung iba iniisip, 'E, kung makikipaglaban pa ako, hindi ako makakapagtrabaho. Kung makikipaglaban pa ako, hindi ako kikita. Paano yung pamilya ko?'

"Kami ang makikipaglaban para sa inyo."

Read: Anne, Nadine, Bianca slam blatant corruption in government

VIce slams lavish lifestyle of corrupt officials

Pinasaringan din ni Vice ang lavish lifestyle ng mga tiwaling politiko nang makita ang suot na kuwintas ni Ronron na halos tatlong linggo raw nitong pinag-ipunan bago mabili.

Vice Ganda hits corrupt officials
Photo/s: Screengrab GMA Network on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong ni Vice kay Ronron, "So, bakit mo gustong magkaroon ng kuwintas?"

Sagot nito, "Gusto ko lang po ma-experience na magkaroon man lang po ng ganito, kahit papaano."

Read: Gela Alonte reposts "hating me is okay" quote amid backlash

Sandaling napahinto si Vice, sabay sabing: "Ayan kasi yung parang medalya mo, e, na nagtrabaho. Ipinundar ko. Meron akong hinangad, tapos pinagtrabahuhan ko.

"Dapat ipagmalaki mo ang sarili mo dahil yang munting aksesoryang iyan ay pinagpaguran mo.

"Hindi katulad nung iba, ang daming suot pero hindi sa kanila."

VICE GANDA IS A TOP TAXPAYER

Hindi ito ang unang beses na nagbigay ng reaksiyon si Vice sa nangyayaring korapsyon sa bansa.

Noong August 28, nauna nang ihayag ng It's Showtime host ang pagkadismaya sa aniya'y paggamit sa kanyang milyun-milyong tax na pinagsasaluhan lamang daw "ng mga garapal na magnanakaw."

May basehan ang hugot ni Vice Ganda dahil pinarangalan siya noong March 4, 2025, bilang isa sa top taxpayers sa Quezon City noong taong 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumalo ang comedian-TV host sa seremonya na inihanda ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ginanap sa isang mall sa Quezon City.

Sa kanyang talumpati noon, sinabi ni Vice na obligasyon ng bawat Pilipino na magbayad ng buwis.

Kaalinsabay ng obligasyon ng mga mamamayang magbayad ng buwis, obligasyon din daw ng mga nasa pamahalaan na sagutin ang tanong kung saan napupunta ang ibinabayad na buwis ng taxpayers na kagaya niya.

Aniya: "Magbayad po tayo ng buwis, obligado tayong magbayad ng buwis at dapat natin gawin yun.

"At pagkatapos natin magbayad ng buwis, karapatan din nating obligahin ang mga hahawak ng mga buwis na ibinabayad natin, tama?

"Kung inoobliga nila tayo, dapat talaga tayong tumupad kasi obligasyon iyan.

"Pag obligasyon, pag sinabing obligasyon, wala kang magagawa, kailangan kong gawin kasi obligasyon ito.

"Hindi ito pribilehiyo, ito ay obligasyon.

"Kaya kung obligasyon nating magbayad, karapatan din natin obligahin ang mga tatanggap at gagamit ng perang ibinabayad natin dahil hindi madali kung paano natin kinita ang ipambabayad natin ng buwis..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paalala pa niya: "At dahil nagbabayad tayo ng buwis, meron tayong karapatan na tanungin din, 'Nasaan yung ibinayad nating buwis?'

"Kasi misyon ng BIR, di ba po, gamitin ang mga pera for nation building and to uplift the lives of the Filipino people."

Patuloy pa niya: "Yun ang misyon. Kaya tayo kinukunan ng buwis kasi yun ang kanilang misyon.

"Kaya pagkatapos nating magbayad ng buwis, tatanungin natin, 'Nasaan na po yung quality of life? Nasaan na po yung projects?

"'Nasaan na po yung yung tulay? Bakit po bumagsak ang tulay sa Isabela?'

"Karapatan po natin iyon."

Saad naman ni Vice sa mga taong nasa audience: "Karapatan nating kumuwestiyon at magsalita at bumoses dahil pera po natin ang ginamit dun.

"Lahat po tayo obligasyon nating magbayad ng buwis dahil tayo rin naman ang makikinabang diyan.

"At obligasyon din ng BIR na maningil kaya, sa ayaw at gusto natin, kailangan nating magbayad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi gagamitin nila iyon to uplift the lives of the Filipino people.

"At pagkatapos nating magbayad ng buwis, tayo naman ang magtatanong, 'Nasaan na po ang ibinayad nating buwis?'"

Read: Top taxpayer Vice Ganda says it's right to ask where our taxes go

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda hits corrupt public officials: "Ang korapsyon ay hindi lamang pagnanakaw ng salapi ng bayan. Ito ay pagnanakaw ng pag-asa. Ito ay pagnanakaw ng pangarap. Ito ay pagnanakaw ng magandang posibilidad."
PHOTO/S: Screengrab GMA Network on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results