Hindi nakapagpigil si Kim Chiu na almahan ang mga batikos na kanyang natatanggap kaugnay sa maling pagbigkas niya sa pangalan ng Pinoy rock band na IV of Spades.
Noong September 10, 2025, nag-guest sa It's Showtime ang IV of Spades para kantahin ang "Aura" sa pagbabalik nila sa music scene.

Matapos mag-promote ay pinasalamatan ni Kim ang banda, ngunit sa halip na IV of Spades ay "Ivy of Spades" ang nasabi niya.
Mabilis na pinag-usapan online ang maling pagkakabigkas ng aktres sa pangalan ng banda.
Read: Vice Ganda praised for handling It's Showtime gaffes with poise
Noong September 11, isang account sa X (dating Twitter) ang nag-upload sa video clip kung saan mapapanood ang pagkakamali ni Kim.
Tumabo ito ng libu-libong views at comments.
Kim admits "honest mistake" after mispronouncing IV of Spades
Pagdating ng September 13, ni-repost ni Kim ang video clip at pinalagan ang uploader nito.
Sa caption, inamin ni Kim na hindi niya kilala ang IV of Spades kung kaya't hindi niya alam kung paano bigkasin ang kanilang pangalan.
Read: Bea Alonzo clarifies engagement rumor with boyfriend Vincent Co
Kinuwestiyon din ni Kim ang natatanggap niya ngayong atensiyon at batikos, kumpara sa mas mahahalagang isyung kinakaharap ng bansa.
Imbes daw kasi na siya ang targetin ay bakit hindi na lang ang mga kurakot na opisyal ng gobyerno na kumamkam sa bilyun-bilyong buwis ng taong-bayan para sa kanilang pansariling interes.
Read: Malawakang kilos-protesta laban sa korapsyon, nagsisimula na
Ani Kim (published as is): "Let me just clear this out. Bilang mahilig ata tong acct na to sa 'clout'.
"Honest mistake, diko talaga sila kilala.
"Kung naitama ko yung pangalan nila. May magbabago ba? Mababalik ba satin yung ninakaw na TAX natin? I think there is much more problem in PH now than this."
Noong March 2025, kinilala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si Kim bilang isa sa top tax-paying media personalities ng Quezon City para sa taong 2024.

Read: Dingdong, Kim, Dennis, Jennylyn among top taxpayers in QC
Pagpapatuloy pa ni Kim (published as is), "This will be the last time I answer this. Right now, there are far bigger problems in our country and even in our own lives than nitpicking on small things like this.
"Ako nga, my surname is often misspelled as CHUI instead of CHIU pero never ko naman pinapalaki or ginagawang issue."
Mapapansin ang pagkadismaya ni Kim, habang iginigiit ang kahalagahan ng pagiging mabuti at paggamit ng boses para sa kabutihan kumpara sa pamba-bash sa mga taong nagkamali lamang.
Pahayag niya (published as is): "Ang hirap sa iba, instead of lifting each other up, we pull one another down. Crab mentality.
"Kya wlng pinagbago ang Pilipinas. Sana, mas piliin na lang natin magtulungan para sa ikauunlad ng lahat.
"Mas kailangan ng bansa natn ang boses mo doon,sa tunay na laban,sa tunay na problema, sa tunay na kalaban.
"Pare pareho tayong lumaban sa buhay ng patas. Be considerate. Be kind."
