Hinimok ni Tuesday Vargas ang mga kapwa niya celebrity na manindigan at sumali sa mga kilos-protesta laban sa korapsyon kaugnay ng maanomalyang flood control projects na kinasasangkutan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), contractors, at ilang konggresista't mga opisyal ng gobyerno.
Ipinahayag ni Tuesday ang kanyang panawagan sa pamamagitan ng isang post sa Facebook noong September 18, 2025, nang magpost siya ng sariling larawan na may hawak siyang placard na may nakasulat: "Lahat ng sangkot, dapat managot."

Makikita rin sa placard ang larawan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Vice President Sara Duterte, former House Speaker Martin Romualdez, Davao Congressman Paolo"Pulong" Duterte, at mga senador na sina Jinggoy Estrada, Bong Go, at Joel Villanueva.
Read: Estrada, Villanueva willing to open bank accounts for scrutiny
Naroon din ang kontrobersiyal na mag-asawang contractor na sina Pacifico “Curlee” Discaya at Sarah Discaya, at si dating DPWH Bulacan District Engineer Henry Alcantara.
Read: Curlee Discaya claims politicians, 120 million Filipinos want them dead
TUESDAY VARGAS: "Artista ng bayan, manindigan, labanan ang korapsyon!"
Sa isa pang hiwalay na post, ibinahagi ni Tuesday ang isang art card na may nakasulat na: "Artista ng Bayan, Manindigan Laban sa Korapsyon," bilang dagdag na panawagan na labanan ang talamak na korapsyon sa gobyerno.
Sa caption ng post ni Tuesday, hinikayat niya ang kanyang mga kasamahan sa industriya na gamitin ang kanilang impluwensya at boses para labanan ang korapsyon sa bansa.
Read: Alden Richards' "kuracaught" post sparks online buzz
Mababasa rito: "Panahon na para kumilos. Iparamdam natin ang ating hinaing at galit sa mga korap at magnanakaw.
"Artista ng bayan, manindigan, labanan ang korapsyon! We demand accountability!!
"Panagutin ang mga mandarambong. #AbolishPorkBarrel. Alisin ang confidential funds. Kami ay nanawagan sa kapwa artista ng bayan.
"Magkita kita tayo [upang] pag-usapan kung paano natin ipaglalaban at harapin ang mga hamon bilang mamamayan at kabahagi ng ating lipunan."
Bukod kay Tuesday, nagsalita na rin ang iba pang celebrities para usigin ang mga nasa likod na talamak na korapsyon sa bansa.
Read: Vice Ganda slams corrupt government officials anew
Kabilang dito sina Anne Curtis, Nadine Lustre, Vice Ganda, Alden Richards, Dingdong Dantes, Iza Calzado, Bianca Gonzalez, Carla Abellana, Edu Manzano, Kaladkaren, Elijah Canlas, Small Laude, at Alex Calleja.
Sa mga nakalipas na araw, libu-libong Pilipino na ang lumahok sa mga kilos-protesta sa iba't ibang lugar sa bansa para sa panawagang wakasan na ang korapsyon at panagutin ang mga sangkot dito.
Samantala, dalawa pang kilos-protesta ang nakatakdang ganapin sa Linggo, September 21, sa EDSA at sa Rizal Park (Luneta) sa Maynila.
