PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda urges public to join protest against corruption

Anne, Isabelle, and Agot are among the celebrities expected to join the protest.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Sep 20, 2025
Vice Ganda urges public to join Luneta protest against corruption
Vice Ganda urges followers to join the protest actions against corruption happening on Sunday, September 21, 2025, at Luneta Park, Manila and EDSA Shrine, Quezon City.
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube

Inaasahang dadalo ang TV host-comedian na si Vice Ganda sa malawakang protesta na mangyayari sa Linggo, September 21, 2025, sa Rizal Park (Luneta) sa Maynila at EDSA Shrine sa Quezon City.

Nitong Biyernes, September 19, 2025, hanggang ngayong araw ng Sabado, September 20, nag-post si Vice sa kanyang Instagram Stories ng mga larawan na nagpapahayag ng pakikiisa niya sa mangyayaring protesta.

Mababasa sa una niyang post, "Magkita kita tayo sa Luneta sa Linggo. Oras na para wakasan ang kagarapalan ng mga hayop na magnanakaw sa gobyerno."

Vice Ganda urges public to join Luneta protest against corruption
Photo/s: Screengrab Vice Ganda on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad naman niya sa pangalawa, "Magsama sama tayong tumindig at maglabas ng galit sa korapsyon at sa mga politikong magnanakaw bukas sa EDSA Shrine."

Vice Ganda urges public to join protest against corruption
Photo/s: Screengrab Vice Ganda on Instagram

Tatlo pang artcard na may kinalaman sa mangyayaring protesta sa Luneta at EDSA Shrine ang ini-repost ni Vice sa kanyang Instagram Stories.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang kilos-protesta ay kaugnay sa talamak na korapsyon na umiiral sa pamahalaan na na-highlight pa lalo dahil sa pagkakabunyag ng mga maanomalyang flood control projects na kinasasangkutan ng mga contractor at tiwaling na govenment officials at congressmen.

Vice Ganda urges public to join Luneta protest against corruption
Photo/s: Screengrab Vice Ganda on Instagram
Vice Ganda urges public to join Luneta protest against corruption
Photo/s: Screengrab Vice Ganda on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Vice Ganda urges public to join Luneta protest against corruption
Photo/s: Screengrab Vice Ganda on Instagram


Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na kilala si Vice na mainit na tumutuligsa sa mga corrupt na pulitiko at opisyal ng gobyerno.

Read: Vice Ganda slams corrupt government officials anew

Simula nang pumutok ang isyu tungkol sa flood control projects na nababalot ng korapsyon, hindi na nagpapapigil si Vice sa pagpuna sa mga taong umaabuso sa pera ng bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kadalasan ay sa "Laro Laro Pick" segment ng It's Showtime naglalabas ng kanyang banat si Vice laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno at mga pulitikong kumakamkam sa buwis ng taong bayan.

Read: Vice Ganda floods social media with quotes about corruption

May karapatang maghimagsik si Vice lalo na't pinarangalan siya noong March 4, 2025, bilang isa sa top taxpayers sa Quezon City, noong taong 2024.

Celebrities Take Stand Against Corruption

Bukod kay Vice, nauna na ring nagpahayag ng kanyang pakikiisa sa magaganap na kilos-protesta ang mga kapwa niya It's Showtime host na si Anne Curtis at Ogie Alcasid.

Read: Ogie Alcasid, makikiisa sa mass protest sa September 21

Ngayong Sabado, September 20, ibinahagi ni Anne sa Instagram ang plake ng pagkilala na ipinagkaloob sa kanya ng BIR (Bureau of Internal Revenue), kasunod ang kumpirmasyon ng kanyang pagdalo sa idaraos na kilos-protesta.

Read: Anne Curtis, dadalo sa kilos-protesta laban sa korapsyon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section ng post ni Anne ay nagkomento ang aktres na sina Agot Isidro at Isabelle Daza ng "Let's go."

Pahiwatig na maging sila ay handa ring makiisa sa magaganap na protesta.

Maging ang Kapuso actor na si David Licauco ay nagpahayag din ng pakikiisa sa malawakang pagkondena sa laganap na korapsyon sa gobyerno.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, ini-repost ni David ang anunsyo ng isa sa mga pagmamay-ari niyang restaurant sa Quezon City.

Nakasaad dito na bilang paggalang ni David sa mga staff nito na makikiisa sa protesta ay panandalian muna nilang isasara ang kanilang restaurant.

Celebrities Take Stand Against Corruption
Photo/s: Screengrab David Licauco on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang komedyanteng si Tuesday Vargas ay kumpirmado ring dadalo rin sa malawakang protesta.

Sa Facebook post niya noong September 18, hinikayat ni Tuesday ang kanyang mga kasamahan sa industriya na gamitin ang kanilang impluwensya at boses para labanan ang korapsyon sa bansa.

Mababasa rito: "Panahon na para kumilos. Iparamdam natin ang ating hinaing at galit sa mga korap at magnanakaw.

"Artista ng bayan, manindigan, labanan ang korapsyon! We demand accountability!!

"Panagutin ang mga mandarambong. #AbolishPorkBarrel. Alisin ang confidential funds. Kami ay nanawagan sa kapwa artista ng bayan.

"Magkita kita tayo [upang] pag-usapan kung paano natin ipaglalaban at harapin ang mga hamon bilang mamamayan at kabahagi ng ating lipunan."

Read: Tuesday Vargas calls on artists to join anti-corruption protests

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda urges followers to join the protest actions against corruption happening on Sunday, September 21, 2025, at Luneta Park, Manila and EDSA Shrine, Quezon City.
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results