PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Regine Velasquez frustrated no corrupt officials jailed yet

Regine Velasquez: "Baka paggising natin isang araw pati hangin may tax na!!!!!!"
by Arniel C. Serato
Published Oct 3, 2025
Regine Velasquez airs grievances against corrupt officials anew
Regine Velasquez wishes that corrupt officials will be prosecuted and jailed sooner: "I’m 55 konting panahon na lang ang ilalagi namin sa mundo sana man lang maabutan namin ang isang maluwalhating pamumuhay para sa mga Pilipino."
PHOTO/S: Courtesy: ASAP on Instagram / @watdahealtv on TikTok

Muling kinuwestiyon ng Asia's Songbird at top taxpayer na si Regine Velasquez ang talamak na pagnanakaw ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno sa pondo ng bayan.

Kahapon, October 2, 2025, ni-reshare ni Regine ang TikTok video mula sa @watdahealtv kung saan ipinakita rito ang AI-generated video ng maunlad na Pilipinas kung tama sana ang mga namumuno.

Sabi sa caption ng TikTok post: "Imagine a Philippines without corruption… Bullet trains, world-class cities, thriving communities, and limitless opportunities. What do you think the future could look like? "

@watdahealtv ? Imagine a Philippines without corruption… ???????? Bullet trains, world-class cities, thriving communities, and limitless opportunities. What do you think the future could look like? ???????????? #whatif #futurevision #philippines #nocorruption #progressph #filipinodream #pinoypride #changeispossible #fyp #fyppppppppppppppppppppppp ? original sound - WatDaHeal TV ????

Nagbigay ng kanyang saloobin si Regine tungkol dito.

Ayon sa Asia's Songbird, kaya naman itong gawin kung hindi napupunta sa korapsyon ang ating mga buwis.

A progressive Philippines without corruption.
A progressive Philippines without corruption.
Photo/s: Courtesy: @watdahealtv on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kakapal daw ng mukha ng mga tiwaling opisyal dahil sa walang katapusang pagnanakaw nila sa kaban ng bayan.

Hinaing ni Regine: "Kung hindi ninanakaw pera natin KAYA to eh!!!!!

"The thing is hindi sila marunong mahiya kahit sabihan silang magnanakaw makapal ang mukha at isinusuka na natin sila waley pa rin, mag tuturo lang sila ng iba pang magnanakaw hangang maubos na lang nila yung ninakaw nila tapos nakaw uli."

Kinuwestiyon din ng singer-actress kung bakit ang daming dagdag na buwis ngayon.

Aniya: "In the meantime we continue to pay taxes na pinagpaguran natin.

"Ano pa pwede nila lagyan ng tax ano pa!!!!!

"Baka paggising natin isang araw pati hangin may tax na!!!!!!"

Naaalarma rin daw si Regine na tila wala siyang magawa sa kahihintay kung may mapaparusahan ba sa mga magnanakaw na opisyal ng gobyerno.

Tumatanda na raw siya, kaya umaasa siyang sana ay maabutan niyang may maluwalhating pamumuhay ang mga Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagtatapos ni Regine: "Ano ba gagawin natin bakit parang I feel helpless naghihintay tayo na may maparusahan na most likely wala.

"Anong ba gagawin natin para maituwind ang baluktot na pamamalakad na ito??

"At kahit iba ang ilagay natin dyan I don’t think it will change!!!

"I’m 55 konting panahon na lang ang ilalagi namin sa mundo sana manlang maabutan namin ang isang maluwalhating pamumuhay para sa mga Pilipino."

Read: Korina Sanchez reacts after BIR officials nabbed for extortion

REGINE WISHES CORRUPTION MONEY WILL BE EXTENDED TO QUAKE VICTIMS

Sa X (dating Twitter), patuloy pa ring naglalabas ng kanyang hinaing si Regine.

Sabi niya sa isang post, "May nakasuhan na ba?"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inulit din niya na baka dumating ang araw na pati hangin ay bubuwisan na rin.

Saad niya: "In the meantime we continue to pay taxes. Taxes na pinagpaguran natin lahat may tax baka isang araw magising tayo na ultimo hangin may tax na"

Sigaw na lamang niya, sana itulong na lamang sa mga nasalanta ng 6.9 magnitude earthquake sa Cebu ang perang napunta sa pagnanakaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Lahat ng ninakaw itulong nyo sa Cebu!!!!!"

Naglabas na rin ng kanyang hinaing si Regine, kasama ang asawang si Ogie Alcasid, tungkol sa bilyong pisong corruption na nangyayari sa gobyerno ngayon.

Read: Regine Velasquez, Ogie Alcasid lament billions lost to corruption

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez wishes that corrupt officials will be prosecuted and jailed sooner: "I’m 55 konting panahon na lang ang ilalagi namin sa mundo sana man lang maabutan namin ang isang maluwalhating pamumuhay para sa mga Pilipino."
PHOTO/S: Courtesy: ASAP on Instagram / @watdahealtv on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results