Hindi kinaya ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang impormasyong bilyun-bilyong piso ang napupunta sa bulsa ng mga korap na government officials imbes sa mga proyektong pakikinabangan ng mga mamamayan.
Kabilang dito ang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ginawang substandard kaya sa kaunting ulan lamang ay lumulubog na ang Metro Manila at mga karatig-lalawigan sa Luzon.
Lalo pang nagpaigting sa damdamin nina Regine at Ogie ang isiniwalat ni dismissed DPWH Bulacan First District Engineer Henry Alcantara tungkol sa mga anomalya sa flood control projects sa lalawigan ng Bulacan.
Read: Revilla, Estrada, Villanueva, Co tagged by ex-DPWH official

Nakakalula ang kickback na kinuha umano ni Ako Bicol Party-list Congressman Zaldy Co na umabot daw sa PHP35.24 billion, mula 2022 hanggang 2025.
Dawit din ang mga pangalan nina Senator Jinggoy Estrada, Senator Joel Villanueva, at dating Senator Bong Revilla.
Pero mariing itinanggi ng mga nabanggit na personalidad ang alegasyon.
Read: Revilla, Estrada, Villanueva, Co deny kickback allegations

REGINE LAMENTS ABOUT TEDIOUS PROCESSES IN GOVERNMENT
Sa kanyang X account kahapon, September 23, 2025, naglabas ng hinaing si Regine tungkol sa hirap na pinagdadaanan ng karaniwang mamamayan kapag may ipagagawa o ilalabas na malaking pera.
O kaya naman kapag mangungutang sa bangko para may pampuhunan sa negosyo.
Mensahe ng Asia's Songbird: "Sa pangkaraniwang mamamayan tulad natin pag may gusto tayong bilhin o ipagawa at medyo malaki-laking halaga, daan-daang proseso ang kailangang pagdaanan.
"Naroong dapat may kolateral para mapagdesisyunan ng pagkakautangan na ikaw ay karapatdapat.
"Ang interes na pagbabayaran, ang amortization, at ang pangkalahatang pagsisikap na bunuin ang halagang kakailanganin buwan-buwan ay di madaling pagdesisyunan.
"May kaukulang tapang, pagpupursigi, at pananampalataya upang ito ay maisakatapuran.
"Ganito kahirap makakuha ng pondo para matupad ang pangarap mo. Pero sa kanila parang ang dali-dali lang ano??"
Komento ni Ogie sa post ni Regine, "Paano pa kaya mahal yung hindi pa makautang. Walang pangkolateral. Napakalayo ng pagkakaiba."
Sa isa pang post ni Regine, sinabi niyang kasalukuyan daw nilang pinapaayos ang kuwarto ng kanilang anak na si Nate.
Hindi naman daw kalakihan ang kanilang gastos pero may kontrata at resibo raw sila sa construction company na kanilang kinuha.
Kaya hindi raw niya lubos-maisip na ang bilyun-bilyong projects ng gobyerno ay walang resibo.
Ani Regine: "We are renovating Nate's room now maliit na halaga lang ito and yet we have contracts we have receipts.
"Hindi ko maintindihan bat yung nag lalakihang proyekto wala? Bilyon bilyon tapos cash lahat???? Nagtatanong lang po"
Read: Claudine opens up about rift with brother Mito before his passing
OGIE HOPES OUR CHILDREN WILL EXPERIENCE A BRIGHT FUTURE
Kahapon din, nag-post sa X (dating Twitter) si Ogie ng kanyang pagkadismaya sa nangyayari ngayon sa gobyerno.
Sabi niya, "Nakakapanlumo. Nakakalungkot. Nakakagalit."
Sa kasunod niyang mensahe, umaasa siyang may mararanasan pang magandang bukas ang mga kabataan ngayon.
Saad niya: "Hindi ba kayo nagigising na mapapaluha na lang kayo para sa bayan? Ako ganun eh. Tumatanda na ako.
"Nawa’y ang mga anak natin ay mabigyan pa natin ng mas maliwanag na kinabukasan. Umaasa pa rin ako. Nananalig."
Read: Alexa Miro reveals breakup with boyfriend over third party
