PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rufa Mae Quinto on joining YFSF: "Para malibang ako."

Rufa Mae says the invitation to join YFSF came at just the right time.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 3, 2025
Rufa Mae Quinto on joining Your Face Sounds Familiar: "Para malibang ako."
Rufa Mae Quinto reveals reason for joining Your Face Sounds Familiar: "Gusto ko na may gawin na maganda para malibang ako kasi kailangan ko yun... I'm depressed, but it's okay because there's freedom of the press. Kaya mga friends, huwag kayong ma-depress."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

Aminado ang comedienne na si Rufa Mae Quinto na malaking tulong sa kanyang pagluluksa ang pagsali sa bagong season ng reality show na Your Face Sounds Familiar.

Binawian ng buhay, sa edad na 40, ang asawa ni Rufa Mae na si Trevor Magallanes noong July 31, 2025.

Read: Rufa Mae Quinto denies foul play in husband Trevor's death

Makalipas ang halos dalawang buwan ay balik-trabaho na si Rufa Mae sa pamamagitan ng pagpapasaya sa Kapamilya talent competition na Your Face Sounds Familiar.

Si Rufa Mae, kasama sina Alexa Ilacad, Pepe Herrera, BGYO Akira, Jason Dy, Dia Mate, JM Dela Cerna, Marielle Montellano, at Jarlo Base ang walong celebrity performers na magpapasiklaban sa panggagaya sa iba't ibang local at international music icons.

Rufa Mae Quinto on joining Your Face Sounds Familiar:
(L-R) Jarlo Base, JM Dela Cerna, Marielle Montellano, Jason Dy, Dia Mate, Alexa Ilacad, Pepe Herrera, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Rufa Mae Quinto, and AC Soriano.
Photo/s: Khryzztine Joy Baylon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Why Rufa Mae auditioned for Your Face Sounds Familiar

Sa ginanap na media conference ng Your Face Sounds Familiar noong Miyerkules, October 1, inamin ni Rufa Mae ang dahilan ng kanyang pagsali sa nasabing talent competition.

Saad niya: "Ako po dumaan sa maraming pinagdaanang problema––madrama.

"Kaya sabi ko, gusto ko na may gawin na maganda para malibang ako, kasi kailangan ko yun.

"Nagluluksa rin kaming mag-ina, at para mabitbit ko rin yung kaligayahan sa kanya, sa anak ko."

Pagpapatuloy pa ni Rufa Mae, ang tanging magagawa niya para mapasaya ang sarili ay magpasaya rin ng ibang tao.

Saad niya: "Siyempre ang pinaka magagawa ko lang, di ba, nagso-Showtime din ako, ay magpatawa at magpasaya habang ako rin sumasaya dahil masaya lahat.

"Ayun lang naman ang gusto ko."

Bukod sa pagpapasaya, nakita rin daw ni Rufa Mae na magandang daan at oportunidad ang Your Face Sounds Familiar sa pagbabalik niya sa telebisyon, makaraang hindi na maging aktibo nang siya ay magkapamilya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Magandang simula raw ito para muling ipagpatuloy ang kanyang full-time career sa showbiz.

Pahayag ni Rufa Mae: "Noong in-offer sa akin ito, kung gusto ko raw mag-audition, sabi ko maganda ito dahil matagal din ako na hindi nag-full blast sa showbiz.

"Kumbaga, kung may commercial, pasulpot-sulpot lang. Halos sampung taon ganun yung career ko dahil nagpamilya ako.

“Ngayon eight na rin siya, si Athena, at medyo independent na rin siya. Sabi ko, puwede nang mag-full time din ako sa career ko."

Ang "Athena" na binabanggit ni Rufa Mae ay ang nag-iisang anak niya sa pumanaw niyang mister na si Trevor.

Read: Rufa Mae Quinto promises late husband to care for their daughter

Rufa Mae’s first time to join singing and talent competition

Pag-amin pa ni Rufa Mae, malaking challenge sa kanya ang pagsali sa Your Face Sounds Familiar dahil ito ang kauna-unahang singing at talent competition na sinalihan niya.

Hindi naman daw siya nagsisi sa pagsali dahil naging masaya siya sa bagong pamilya na kanyang nakilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: "First time ko lang ginawa yon, sakto naman kasi sabi ko, maganda itong training.

"Siyempre dahil hindi na ako sanay mag-high heels, mag-perform, kumanta, sa ilaw, alam mo yung ang dami kong kailangang balikan.

"So, sabi ko, sakto ito para makapagsimula ako ulit. Bliness naman ako, natanggap naman ako kaya ginawa ko ito.

"Ayun yung dahilan para maging masaya ako. Pero totoo naman na nagkaroon ako ng bagong pamilya dito sa ABS-CBN kaya maraming salamat sa inyo.

"First time ko rin mag-contest na ang hirap pala kasi akala ko iba yung kakanta ka lang e.

"Iba yung may judge, iba yung may sayaw, iba yung may kalaban, iba yung magagaling.

"Tsaka alam ko, kahit anong gawin ko yung boses ko, hindi naman magiging kapantay nung mga champion, di ba? Pero humanda sila.

"So, ayun po ang dahilan, gusto ko na magkaroon ng bagong pamilya at gusto ko rin pong magpasaya ulit ng tao para sumaya din po ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit pa niya sa dulo: "I'm depressed, but it's okay because there's freedom of the press. Kaya mga friends, huwag kayong ma-depress."

Read: Rufa Mae Quinto reveals depression after passing of husband

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rufa Mae Quinto reveals reason for joining Your Face Sounds Familiar: "Gusto ko na may gawin na maganda para malibang ako kasi kailangan ko yun... I'm depressed, but it's okay because there's freedom of the press. Kaya mga friends, huwag kayong ma-depress."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results