Walang katotohanan ang haka-hakang nagdadalantao ang aktres na si Bea Alonzo.
Nitong Huwebes, October 16, 2025, pinag-usapan online ang litrato ni Bea kasama ang nobyong si Vincent Co nang sorpresahin ang aktres ng kanyang mga household staff para sa salubong ng 38th birthday niya.
Sa mga litrato, makikita si Bea na nakasuot ng white sleeveless top at long skirt, may hawak na bouquet of flowers, katabi si Vincent na naka-white polo at black pants.

Mabilis na nag-trending ang picture nilang ito, kunsaan maraming netizens ang pinansin ang anila'y "baby bump" ni Bea.
Sa isip ng iba, buntis si Bea dahil sa anggulo ng picture pati na rin sa pagkakatakip ng bouquet sa tiyan ng aktres.
Read: Bea Alonzo’s birthday surprise with BF Vincent Co goes viral
BEA ALONZO: "Glowing, not expecting."
Tila nakarating agad kay Bea ang kumakalat na espekulasyong siya ay nagdadalantao dahil sa kanyang litrato.
Sa Instagram ngayong Biyernes, October 17, kasabay ng kanyang kaarawan, itinanggi ng aktres na buntis siya.
Nag-post si Bea ng larawan niyang may hawak na birthday cake, kalakip ang pasasalamat sa lahat ng mga nagpaabot ng pagbati sa kanyang kaarawan.
Mababasang caption ng aktres: "Thank you for all the birthday love.
"Feeling so grateful for another year of laughter, growth, and the people who keep me grounded."
Kasunod nito, nilinaw ni Bea ang kumalat niyang litrato na pinagsimulan ng espekulasyong magkakaanak na sila ni Vincent.
Ani Bea: "And for anyone curious about 'the picture' — just caught at a bad angle after an amazing dinner.
"Glowing, not expecting."
Noong August 2, inamin ni Bea sa publiko ang espesyal nilang relasyon ni Vincent, makaraan ang ilang beses nilang sightings.
Nangyari ito sa panayam niya sa GMA News, nang sabihin nitong officially dating na sila ng presidente ng Puregold Price Club.
Sa una, ipinaliwanag ni Bea kung bakit matipid siya sa pagbibigay ng detalye sa kanyang love life.
"The downside of my love life… I understand the curiosity.
"I don’t wanna say that people ruin beautiful things, but the most beautiful things are the ones kept private," pahayag ng Kapuso actress.
Sundot na tanong sa aktres, “For the record, are you guys officially dating? Is there a confirmation?”
“I think it’s very obvious that we’re together,” sagot dito ni Bea.
Read: Bea Alonzo confirms relationship with Vincent Co
Bago maganap ang kanyang pag-amin, naisyu na rin si Bea na engaged na siya kay Vincent.
Bagay na itinanggi niya sa hiwalay na panayam.
Aniya, "Alam mo, nauunahan pa ng lahat ng mga tao yung mga pangyayari sa buhay ko.
"I have nothing to clarify and I want to keep things private and, yeah, there's nothing to say actually."
Read: Bea Alonzo clarifies engagement rumor with boyfriend Vincent Co
