Hindi pinalampas ng dating Pinoy Big Brother 8 (PBB Otso) housemate na si Lie Reposposa ang isang post sa Facebook na nagkukumpara sa mga Bisaya at Tagalog.
Ipinakita rito kung paano umuunlad ang buhay ng mga Bisaya at Tagalog.
Base sa larawan, makikitang ang mga Tagalog daw ay nagtatrabaho samantalang ang mga Bisaya ay naghahanap ng foreigner.
Sa larawan ay kasama ni Lie ang kanyang British fiancé na si Paul Joshua Marsden.

Ayon kay Lie, bored siya kaya papatulan niya ang naturang post.
Giit niya, hindi foreigner ang kasagutan para umunlad ang buhay kundi dapat marunong dumiskarte.
Buong post niya: "Hindi ko na sana papatulan 'to, pero bored ako
"FYI: Hindi Kano ang sagot sa kahirapan. Kahit alien pa jowain mo, kung wala kang diskarte sa buhay, broke ka pa rin.
"Bisaya man o Tagalog, pareho lang tayong Pilipino—magkaiba lang, 'yung iba may manners, 'yung iba may WiFi pero walang respeto."
Read: Chie Filomeno’s “classy” look draws mixed reactions from netizens
LIE REPOSPOSA TELLS NETIZENS: "mind your own dishes"
Sa comments section, nakiusap si Lie sa netizens na pagpahingain na sila ng kanyang fiancé sa mga isyu.
Aniya, "nagulat ako trending na naman mukha namin please lang pag pahingahin niyo na kami sa mga issue mind your own dishes"

Na-engage si Lie at British boyfriend na si Paul noong February 2023.
Pareho silang 19 years old noong sila ay na-engage.
Sa post ni Lie sa Instagram noong February 24, 2023, ipinakita niya ang kanyang engagement ring na bigay ng boyfriend.
Caption ni Lie sa kanyang post, "It’s a YES. Parents approved."
Read: Ex-PBB housemate Lie Reposposa, 19, engaged to British boyfriend
Nahaharap din sila noon sa cheating issues pero nalampasan naman nila ito.
