PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lie Reposposa speaks up about sudden weight loss

Lie Reposposa denies pregnancy rumors.
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 25, 2024
Lie Reposposa speaks up about sudden weight loss
Former Pinoy Big Brother housemate Lie Reposposa addresses netizens’ comments about her weight loss: "Madaming nagtatanong at nagulat bakit sobrang payat ko na losyang tignan mas maganda kung mataba ako pero nagka PTB at anemia po ako."
PHOTO/S: Lie Reposposa Facebook

Inamin ng former Pinoy Big Brother housemate na si Lie Reposposa na may dinaramdam siyang sakit kaya biglang bumagsak ang kanyang timbang.

Kamakailan ay naging usap-usapan online ang biglaang pagpayat at pagbabago ng hitsura ni Lie sa kanyang mga post sa social media.

Nagdulot ito ng pag-aalala sa kanyang mga tagahanga.

Kahit kilala naman siya noong may slim figure, ayon sa netizens, kakaiba ang pagpayat nito ngayon, na animo'y may dinaramdam na sakit, kumpara sa noon.

Sa pamamagitan ng Facebook post noong May 20, 2024, tinuldukan na ni Lie ang mga espekulasyon tungkol sa kanyang kalusugan.

Dito ay sinabi niyang may PTB o pulmonary tuberculosis at anemia siya, na dahilan ng kanyang biglaang pagpayat.

Lie Reposposa addresses sudden weight loss and pregnancy rumors
Photo/s: Screengrab @Lie Reposposa TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang daw sa epekto nito kay Lie ay hirap siyang maglakad at walang ganang kumain.

Mababasa sa kanyang post (published as is): "Madaming nagtatanong at nagulat bakit sobrang payat ko na losyang tignan mas maganda kung mataba ako pero nagka PTB at anemia po ako.

"mahirap gumalaw at mahina yong katawan ko pati paglakad minsan kailangan ng alalay dahil parang matutumba ako at wala din akong ganang kumain parang malapit na mag byebye."

Biro pa niya, "kapagod mag we’ll miss you nalang kayo ng advance para malaman ko sino talaga may paki sakin joke lang hahahhaha laban."

LIE DENIES PREGNANCY RUMORS

Sa nasabing post, pinabulaanan din ni Lie ang kumakalat na haka-hakang buntis siya sa panganay nila ng British fiancé niyang si Paul Joshua Marsden.

Bilang patunay, isinama pa ni Lie ang dalawang pregnancy test kits na ginamit niya. Dito ay makikita ang negative results.

Aniya, "Gusto ko lang din po sabihin na hindi po talaga ako buntis.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sinasabayan ko lang po yong mga taong nag sasabing buntis ako sorry po sa mga nag expect at napaniwala ko hehe yun lang Godbless."

NETIZENS REACT

Samantala, sa comments section ng post ni Lie ay bumuhos ang get-well messages ng kanyang mga tagahanga.

Komento ng isang netizen (published as is), "Get well soon Angelie. Uminom ka ng gamot sa tamang oras at 6 months na gamutan ng PTB kung ano advise ng doktor mo sundin mo para madali ka gumaling. Kumain ng masustansyang pagkain, ingat lagi God bless."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng isa, "laban lng lie get well soon, take a break and get rest health is wealth,stay strong."

Payo pa ng isa, "get well soon po,kain ka po mga green na gulay.like saluyot,kangkong,at pwede rin dahon ng kamote. ganyan ang advise sakin ng doctor po."

Para hindi na mag-alala, nangako si Paul sa mga tagahanga ng aktres na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para gumaling at maka-recover ang fiancée niyang si Lie mula sa iniinda nitong sakit.

Saad ni Paul sa comment section, "Calm down guys. I'm helping her gain weight back, she got sick and it takes time to put weight back on of course."

Read: Ex-PBB housemate Lie Reposposa admits making the first move on British fiancé

LIE'S cheating issue

Marami sa mga tagahanga ni Lie ang natuwa sa iniwang pangako ni Paul na aalagaan at tutulungan nito ang aktres.

Maaaring indikasyon daw itong tuluyan nang naayos ng dalawa ang kanilang relasyon matapos mabalot ng kontrobersiya ang pagmamahal ni Lie kay Paul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lie Reposposa, posts foreigner boyfriend on social media

Matatandaang naakusahang "cheater" si Lie dahil sa nag-viral “kissing” video diumano niya na kuha sa isang bar sa Poblacion, Makati, noong August 8, 2023.

Tinukoy ang babae na diumano'y si Lie, habang ang lalaki ay foreigner pero hindi raw ang British fiancé ng ex-PBB housemate.

Lie Reposposa cheating issue
The cheating allegation against Lie Reposposa began when netizens believed that it was her who was captured kissing another foreigner in a club in Poblacion, Makati City.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit nasangkot sa isyu, walang sinagot si Lie sa mga tanong ng netizens.

Ang comments sections sa lahat ng kanyang social media accounts ay naka-disable din para hindi bahain ng bashing.

Read: Netizens accuse Lie Reposposa of cheating on British fiancé

Pero ilang oras matapos mag-viral ang nasabing “kissing” video, nag-post si Lie ng lumang sweet na larawan nila ni Paul sa Instagram.

Wala siyang inilagay na caption dito.

Gayundin si Paul na nag-post ng kaparehong larawan sa kanyang Instagram na hindi rin niya nilagyan ng caption.

Read: Lie Reposposa, British fiancé post sweet photo amid "cheating" issue

Noong August 15, nag-post si Paul ng workout video nila ni Lie na tila kuha sa isang hotel room.

Caption niya, “6 months ago [heart emoji]”

February 24, 2023 nang unang isinapubliko ni Lie ang tungkol sa engagement nila ni Paul.

Noong December 2022 nang maging Instagram official ang kanilang relasyon.

Read: Ex-PBB housemate Lie Reposposa, 19, engaged to British boyfriend

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Pinoy Big Brother housemate Lie Reposposa addresses netizens’ comments about her weight loss: "Madaming nagtatanong at nagulat bakit sobrang payat ko na losyang tignan mas maganda kung mataba ako pero nagka PTB at anemia po ako."
PHOTO/S: Lie Reposposa Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results