Sa nalalapit na pagtatapos ng GMA Afternoon Prime teleserye na Akusada, nais ng Kapuso actor na si Benjamin Alves na magpahinga muna sa paggawa ng anumang TV o film projects para mabigyan niya ng sapat na panahon ang kanyang misis na si Chelsea Robato.
Gusto na kasi nilang magkaroon ng baby.
Naging very productive ang 2025 para kay Benjamin dahil bukod sa paggawa ng teleserye, nakasama rin siya sa ikatlong pelikula sa Bayaniverse Trilogy ni Direk Jerrold Tarog na Quezon.
Nangako raw ang aktor sa kanyang misis na magbabakasyon sila pagkatapos ng pelikula at teleserye para makabuo sila ng baby bago sumapit ang kanilang second wedding anniversary, which is on January 28, 2024.
Read: Filipino celebrities who took a stand against cyberbullying

"Nagpaalam ako sa asawa ko na this year was gonna be super busy. I’ve been waiting for this moment for such a long time. I was shooting the historical film, Quezon, and sumabay din yung Akusada," panimula ng Kapuso actor.
Malaking bagay na very understanding si Chelsea.
“It’s really a testament to how supportive my wife is. It’s really her allowing me to have that adventure [even if it] would take so much time away from us trying to build a family and having our second year together.
"I really owe her a vacation,” sabi ni Benjamin sa isang pocket mediacon sa The Vault in Bonifacio Global City last October 9.
Simula noong ikinasal daw sila ni Chelsea, marami na raw ang nagtatanong sa kanya kung kailan sila magkaka-baby.
Ang parati raw niyang sagot ay, “In God’s perfect time.”
Saad pa niya: “Hindi naman kami nape-pressure because we’re both young and we have our careers."
Pero desidido siya this time na mag-start na ng family.
Aniya, "Now, we feel that we are ready. Gusto ko na rin because we’re celebrating our second year as husband and wife next year.
"It would be nice kung meron nang parating na baby, di ba?”
Read: Andrea Brillantes sparks speculation after signing movie contract

BENJAMIN ALVES AND WIFE CHELSEA'S 2MD HONEYMOON
Wala pa raw napipiling destination si Benjamin para sa magiging second honeymoon nila ni Chelsea.
Pero naiisip daw niyang mas relaxing for them ang beach vacation.
“Nasubukan naming magbakasyon sa Europe ni Chelsea. Nakakapagod lang kasi there’s a lot of walking at may schedule kang hinahabol parati.
“We just want to chill and laid-back lang. Pareho kaming mahilig sa dagat and we really love hanging out with the sun, sand, and sea.”
Palabas pa rin ang Quezon at nakailang block screenings at cinema visits si Benjamin kasama ang cast ng movie.
Gumaganap siya rito bilang young Manuel L. Quezon, na ginampanan din niya sa mga pelikulang Heneral Luna (2015) at Goyo: Batang Heneral (2018).
