PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Atienza calls for compassion, kindness after daughter's death

Emman was the youngest of Kim and Felicia Atienza’s three children.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 24, 2025
Kim Atienza calls for "compassion, kindness" after Emman’s death
After announcing the passing of his daughter Emman (in photo), Kim Atienza reminds the public to choose compassion and kindness in the face of pain and loss.
PHOTO/S: Kim Atienza on Instagram

Walang sakit na maihahambing sa nararamdaman ng isang magulang na nawalan ng anak.

Ito ang tiyak na nararamdaman ngayon ng Kapuso TV host na si Kim Atienza at asawa niyang si Felicia Hung-Atienza dahil sa pagpanaw ng kanilang bunsong anak na si Emman Atienza.

Si Emman ay 19 lamang.

Read: Social media influencer Emman Atienza dies at 19

Ngayong Biyernes ng umaga, October 24, 2025, nagulantang ang publiko nang isapubliko ng pamilya ni Emman ang kanyang pagpanaw.

Sa joint statament sa Instagram ng pamilya Atienza, inanunsiyo nila ang "unexpected passing" ng kilalang social media influencer.

Hindi tinukoy kung kailan at ano ang sanhi ng pagpanaw ni Emman, ngunit binanggit sa post na may pinagdaanan itong mental health issue.

Read: Emman Atienza’s past post on mental health resurfaces online

Ilang oras matapos ianunsiyo ang malungkot na balita ay nag-post si Kim sa Facebook, kalakip ang panawagang ugaliing magpakita ng malasakit at kabutihan sa kapwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasa sa post ng Kapuso TV host (published as is): "compassion, courage, and a little extra kindness in your everyday life."

Celebrities call for kindness amid mental health issues

EMMAN'S MENTAL HEALTH STRUGGLES

Noong nabubuhay pa si Emman, naging bukas siya sa pagbabahagi sa publiko ng masalimuot at masasakit na pinagdaanan niya sa buhay.

Kabilang na rito ang pagiging biktima umano ng bullying, sexual assault, at matinding bashing—mga pangyayaring nagdulot sa kanya ng matinding trauma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Friends pay tribute to late influencer Emman Atienza

Maraming netizens ang naalarma, naawa, at nakisimpatiya sa pinagdaanan ni Emman.

Kabilang na rito ang mga kilalang personalidad, kasama na sina Maris Racal, Kyline Alcantara, Gabbi Garcia, BINI Maloi, Zack Tabudlo, at Yen Santos.

Read: Celebrities urge kindness amid rising mental health struggles

Bumuhos din ang pakikiramay sa pamilyang naulila ni Emman galing sa malalapit niyang kaibigan.

Read: Friends pay tribute to late influencer Emman Atienza

Ang depresyon ay seryosong usapin. May mga organisasyong handang tumulong sa mga taong dumaraan sa ganitong kondisyon. Katulad na lamang ng National Center for Mental Health na inilunsad ng Department of Health.

Para sa nangangailangan ng tulong, maaring tumawag sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at mobile number 0966-351-4518.

Related Stories:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After announcing the passing of his daughter Emman (in photo), Kim Atienza reminds the public to choose compassion and kindness in the face of pain and loss.
PHOTO/S: Kim Atienza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results