PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is Enrique Gil dating a young content creator?

Netizens talk about the alleged new girlfriend of Enrique Gil.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 28, 2025
Is Enrique Gil dating a young content creator?
Enrique Gil once again finds himself at the center of dating rumors following viral photos and videos with a young content creator.
PHOTO/S: Screengrab on X

Usap-usapan ngayon sa social media ang Kapamilya actor na si Enrique Gil, makaraang madikit ang kanyang pangalan sa isang young content creator na diumano'y kanyang karelasyon ngayon.

Nagsimula ang espekulasyon tungkol sa posibleng relasyon ni Enrique sa nasabing content creator matapos ibahagi ng isang netizen sa X (dating Twitter) ang mga larawan kunsaan makikita si Enrique na may kasamang babae.

Kung pagbabasehan ang mga larawan, hindi maitatanggi ang pagiging malapit ng dalawa base sa kanilang poses.

May isang larawan kunsaan makikita ang babae na nakasandal sa tagiliran ni Enrique.

Is Enrique Gil dating a young content creator?
Photo/s: Screengrab on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mayroon ding nakakandong ang babae kay Enrique habang nakasandal ang ulo nito sa balikat ng aktor.

Is Enrique Gil dating a young content creator?
Photo/s: Screengrab on X

Dagdag pa rito ang kanilang mirror selfie na magkasama at video habang sumasayaw.

Is Enrique Gil dating a young content creator?
Photo/s: Screengrab on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Is Enrique Gil dating a young content creator?
Photo/s: Screengrab on X

Mabilis na pinag-usapan online ang pinaniniwalaang relasyon ng aktor sa babaeng kasa-kasama niya sa mga litrato at video.

May ibang agad natukoy ang pagkakakilanlan ng babae.

Anila, 17-anyos lang ang babaeng kasama ng 33-year-old actor.

Lumutang din ang screenshot ng nagpakilalang ina ng babae—na diumano'y nagsabing menor de edad pa ang anak niyang kasa-kasama ni Enrique.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Is Enrique Gil dating a young content creator?
Photo/s: Screengrab on X

Sa pag-iimbestiga rin ng ilang mapanuring netizens, napag-alamang kapwa pina-follow ni Enrique at ng content creator ang isa't isa sa Instagram at TikTok.

Dahilan para mas paghinalaang sila ay may malalim na ugnayan.

Sinubukang kunin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panig ni Enrique at ng babaeng iniuugnay sa kanya sa pamamagitan ng direct message sa email at Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa ngayon ay hindi pa sila nagbibigay ng tugon.

Agad naming ilalathala ang kanilang mga sagot sakaling sila ay magbigay ng pahayag.

ENRIQUE SPARKS DATING RUMORS WITH FRANKI RUSSELl

Hindi ito ang unang pagkakataong na-link si Enrique sa ibang babae, matapos niyang mahiwalay sa longtime girlfriend at dating ka-loveteam na si Liza Soberano.

Read: Liza Soberano confirms split with Enrique Gil

Noong September 2025, maugong ding usapan ang relasyon diumano ni Enrique sa dating Pinoy Big Brother housemate at beauty queen na si Franki Russell, matapos silang maispatang magkasamang nagbabakasyon sa Bohol.

Read: Enrique Gil, Franki Russell spotted in Bohol

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enrique Gil once again finds himself at the center of dating rumors following viral photos and videos with a young content creator.
PHOTO/S: Screengrab on X
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results