Isa sa mga concerns ng mga interesadong mag-invest o may existing Modified Pag-IBIG 2 (MP2) savings account ay kung ano ang magiging sitwasyon sakaling hindi tapusin ang five-year maturity period.
Kapag may emergency, puwede ba itong magamit?
May dalawang mapagpipilian ang Pag-IBIG member kung nais niyang i-pre-terminate ang kanyang MP2 savings: ang pre-termination without penalty at pre-termination with penalty.
Read: Financial expert explains why MP2 savings program is reliable
PRE-TERMINATION WITHOUT PENALTY
Isang paglilinaw: kahit anumang oras ay puwedeng i-terminate ng isang miyembro ang kanyang MP2 savings account.
At kung ang rason ay valid, makukuha nang buo ang dividend o interes na walang penalty.
Nakasaad sa Pag-IBIG website sa ilalim ng “Terms and Condition” ang gabay kung paano makukuha ng member ang kanyang pera sa MP2 savings nang hindi pa nagma-mature.
Kabilang sa valid reasons ay may kinalaman sa kalusugan, kawalan ng trabaho at pera, death, paglisan para manirahan abroad, at iba pa.
Narito ang mas detalyadong listahan ng mga sumusunod na dahilan:
- Total disability or insanity;
- Separation from service by reason of health;
- Death of the member or any of his/her immediate family member;
- Retirement;
- Permanent departure from the country;
- Distressed member due to unemployment limited to layoff and/or closure of company;
- Critical illness of the member or any of his/her immediate family member, as certified by a licensed physician under one of the following categories, subject to the approval of the Deputy Chief Executive Officer (DCEO) of the Member Services Cluster: (Cancer, Organ Failure, Heart-related illness, Stroke, Neuromuscular-related illness)
- Repatriation of Overseas Filipino Worker (OFW) member from host country;
- Other meritorious ground as may be approved for by the Board; and
- Circumstances under Items 2, 4, 6, and 8 are exclusively applicable to Pag-IBIG I members.
PRE-TERMINATION OF MP2 SAVINGS WITH PENALTY
Nakalista rin ang mga conditions kung sakaling ang isang member ay magdesisyong i-pre-terminate ang kanyang MP2 membership nang hindi pa nagma-mature.
Kung wala sa mga nabanggit sa listahan ang dahilan ng isang member, makukuha pa rin nang buo ang savings, pero 50 percent lamang ng dividend ang makukuha.
Nagbigay naman ng halimbawa ang financial guru at university professor na si Vince Rapisura sa isang YouTube content noong 2023.
“No reason required…” ani Rapisura kung nais daw ng miyembro na kunin na ang kanyang pera.
Taong 2021, anim na beses nag-deposit si Rapisura sa kanyang MP2 savings account.
Ang kabuuang savings niya ay umabot ng tinatayang PHP1.8 million. Nakuha niya nang buo ang perang ito.
Ang 2021 dividend ng pera ni Rapisura ay tinatayang PHP45,700.
Binawasan ito ng 50 percent bilang penalty, kung kaya’t ang kanyang nakuhang interes ay nasa PHP22,800.
Pero dahil 2023 nangyari ang pre-termination niya ng MP2 savings, ibig sabihin ay makakakuha pa rin siya ng 50 percent dividend ng kanyang pera para sa 2022.
Ginagawa raw ng Pag-IBIG ang announcement ng dividend rate kada taon tuwing March o Abril ng susunod na taon.
Idinagdag ni Rapisura kung paano ang pre-termination process at makukuha ang pera.
Una ay via online at maki-credit ang iyong pera sa pamamagitan ng Pag-IBIG loyalty cash card.
Pangalawa ay ang branch processing, kung saan makakapili kung gusto mo itong maipasok sa iyong Pag-IBIG loyalty cash card, sa iyong bank account, o kaya ay i-issue bilang tseke.
Read: SSS pension loan now available for surviving spouse pensioners
