Proud dad ang dating aktor na si Matthew Mendoza sa pagsabak ng kanyang anak na si Bea Angela Mendoza sa pag-arte sa pelikula.
Ipapakilala si Bea sa pelikulang I’mPerfect na idinirek ni Sigrid Andrea Bernardo.
Kabilang ito sa walong official entries sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) na magbubukas sa December 25, 2025.
“May sumunod na rin sa yapak natin,” masayang balita ni Matthew sa mensahe niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook Messenger last October 25.
Pagpapatuloy niya: “Masaya kaming lahat for Bea kasi enjoy siya sa paggawa ng movie.
"Hilig talaga niya iyan lalo na yung kumanta at sumayaw.
“Nag-PA [personal assistant] ako sa kanya noong last shooting day niya.
"Excited na kami para sa premiere night."
Si Matthew ay naging sikat na leading man noong late '90s. Isa sa mga notable projects niya ay Dyesebel, kung saan nakapareha niya ang bidang si Charlene Gonzalez.
Sa kasalukuyan, naninilbihan siya bilang konsehal sa Puerto Prinsesa.
Read: Anak ni Manny Pacquiao, panalo sa Thrilla in Manila 2
MEET BEA MENDOZA
Si Bea, 26, ang eldest daughter ni Matthew at ng non-showbiz wife niyang si Angie.
Siya ang Global Youth Ambassador ng Special Oympics.
Isa rin siyang assistant teacher sa Salve Regina School sa Puerto Princesa, Palawan.
She was born with Down Syndrome, isang genetic condition.

Ayon sa Facebook page ng online community publication na The Palawan Times, noong 2018 pa raw nabuo ang kuwento ng I’mPerfect, at bida dapat si Bea.
Nakagawa na nga ng teaser si Direk Sigrid, pero naabutan ng pandemic ang project at pumanaw yung dapat na leading man ni Bea.
Masaya si Matthew na isinama pa rin sa cast ang kanyang anak.
Aniya, “Finally this year, nakakita si Direk Sigrid ng producer for the project. Iba na yung kinuha nilang bida, pero sinama pa rin nila sa cast si Bea.
"Congrats, Direk Sigrid at sa buong cast ng I’mPerfect, for being an official entry for MMFF 2025.
“We’re excited dahil kasama rito ang anak ko. We’re always proud of you, Bea!
"Sabay-sabay po nating panoorin sa sinehan ngayong December 25!”
ABOUT I'MPERFECT
Ang kuwento ng I’mPerfect ay nakasentro sa dalawang adults with Down Syndrome at ang pagharap nila sa buhay araw-araw.
Bida rito ang first-time actors na sina Krystel Go at Earl Amaba, na parehong may Down Syndrome.
Kasama rin sa cast sina Lorna Tolentino, Janice de Belen, Joey Marquez, Tonton Gutierrez, at Zaijian Jaranilla.
Ang Nathan Studios, na pag-aari ng aktres na si Sylvia Sanchez, ang producer ng I’mPerfect.
Ito rin ang nag-produce ng isa sa official entries ng 50th MMFF, ang action film na Topakk, na pinagbidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes.
Read: Tweetie de Leon fondly looks back on Okay Ka, Fairy Ko!
