Isang taon na ang nakalipas matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan ni Ai-Ai delas Alas at estranged husband nitong si Gerald Sibayan.
Naka-move on na ba siya?
Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda noong October 30, 2025, nagkuwento si Ai-Ai sa kanyang "ama" na si Boy Abunda.
Lahad ng comedienne: "Sa totoo lang, Ama, I've moved on. Tina-try kong mag-move on.
"Pero hindi pa siguro yung totally healed na healed. Minsan, naaalala ko pa rin. Minsan, naiiyak pa rin ako.
"Pero nandoon na ako sa kumbaga 80 percent, medyo okay na ako."
Read: Kim Atienza reveals last conversation with daughter Emman

Sa dami raw ng hiwalayang nasaksihan si Boy sa dating alagang si Ai-Ai, bakit ito ang natatanging hiwalayang nasaktan siya nang todo?
Paliwanag ni Ai-Ai, "Yes, Ama. Kasi nga yung process nung pagkawala niya, yun yung nabigla ako. Hindi ako handa.
"Ready ako, subconsciously. Pero nung nangyari na, parang hindi kasi... kumbaga, kumbaga sa tugtog, wala sa tiyempo.
"Kasi hindi naman kami nag-aaway. Wala kaming pinag-aawayan. Basta na lang, 'Ayoko na. Ayoko na. Aalis na ako.' Parang ganun.
"So, doon ako medyo nagulat."
GREEN CARD REVOKED
Isa sa naging resulta ng kanilang hiwalayan ay ang pagbawi ng petisyon ni Ai-Ai na maging Green Card holder si Gerald sa Amerika.
Hindi ba dulot lang ito ng bugso ng kanyang damdamin kaya niya binawi ang petisyon?
Sagot ni Ai-Ai, "Hindi, Ama. Noong una, ayaw ko talagang gawin yun.
"Pero noong bandang huli, naisip ko, parang, parang ano, ayaw kong maging santa or something.
"Kasi, parang yun na lang, parang kahit pangit, pero parang yun na lang yung ganti ko para sa sarili na nasaktan ako.
"Kasi siya naman ang nagsabi kasi na gusto niyang pumunta ng Amerika, e.
"Hindi naman ako ang nagbigay sa kanya ng, 'O, halika na, punta na tayo Amerika.'
"Siya naman ang nagsabi na gusto niyang pumunta ng Amerika."
Ano na ang estado nila ngayon? Divorced na ba siya?
Pagbabahagi ni Ai-Ai: "Na-revoke na yun kasabay yun ng divorce ko. Pero yung divorce ko, hindi pa lumalabas."
Read: Ai-Ai, ipinaliwanag bakit binawi ang petition para kay Gerald
AI-AI DELAS ALAS: meron akong legacy of peace.
Mula ba nang naghiwalay sila ni Grald ay nagkasalubong na sila?
Diretsong sagot ni Ai-Ai, "Hindi."
Nasaan na ang puso niya ngayon?
"A, ngayon, Ama, ako ay at peace. Sabi ko nga, meron akong legacy of peace."
Ano ang ibig sabihin niya ng "legacy of peace?"
Paliwanag ni Ai-Ai, "Ano, parang ano, gusto ko lahat ng magiging pananaw sa buhay, puro positive.
"Sabi nga, 'Pain was my teacher and healing is my revolution.'"
Sa ngayon, hindi pa rin nagsasalita si Gerald tungkol sa hiwalayan nila ni Ai-Ai.
Read: Ai-Ai delas Alas confirms breakup with husband Gerald Sibayan
