Mukhang nagkabalikan na sina Mister International 2025 Kirk Bondad at Pinoy Big Brother: Otso housemate na si Lou Yanong.
Ito ang masayang obserbasyon ng netizens sa bagong Instagram post ni Kirk ng mga larawan nila ni Lou na kuha noong Halloween, October 31, 2025.
Sa mga naturang larawan, makikitang magkasama sina Kirk at Lou na nanood ng Shrek The Musical sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City.
Caption ng model-titleholder, "a Shrekful night [green heart emoji]"
View this post on Instagram
Makikita rin sa isang larawan ang kanilang mga kamay na magkahawak.

Read: Ai-Ai delas Alas says husband Gerald Sibayan’s green card revoked
NETIZENS REACT TO kirk bondad and lou yanong's reconciliation
Sa comments section, nagpahayag ng kanilang suporta ang netizens sa anila'y muling pagbabalikan nina Kirk at Lou.
May ilang sinagot si Kirk na tila kumpirmasyong nagkabalikan na nga sila ni Lou.
Saad ng isang netizen, "Nagkabalikan ulit"

Sabi naman ng isa, "I can'ttttt, so bagayyyy huhu I screamed when I saw your photos together again!"
Tugon ni Kirk, "don’t wake your neighbors"

Sabi ng isa, "Thought they broke up and heard kirk is… but good to see you two back. Isn’t she lucky"
Sagot ni Kirk, "People are [bird emoji]"

Komento ng isa pa, "omg!!! happy for you both parents"
Sabi ni Kirk, "thank you"
Read: Kim Atienza shares how he deals with death of daughter Emman
KIRK-LOU SIGHTING IN 2024
Unang naging usap-usapan ang pagkakaroon ng relasyon nina Kirk at Lou nang namataan silang magkasama habang nagbabakasyon sa Coron, Palawan, noong October 10, 2024.
Read: Is Kirk Bondad in a relationship with Lou Yanong?
Pero noong May 2025, umugong ang hiwalayan nila matapos i-unfollow ni Lou si Kirk sa Instagram.
Read: Kirk Bondad and Lou Yanong spark breakup rumor
Mula noon, wala nang iba pang balita sa kanilang dalawa.
