Sinagot ni Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma ang isang netizen na kinuwestiyon ang pagsasalita niya tungkol sa pagbahang nangyari sa Cebu at iba pang lalawigan sa Visayas.
Noong November 3, 2025, nang hagupitin ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 ang mga probinsiya ng Cebu at Leyte dahil sa bagyog Tino, na nagdulot ng malawakang pagbaha na kumitil ng maraming buhay at sumira ng mga kabahayan at kabuhayan.
Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umaga nitong Miyerkules, November 5, umakyat na sa 85 ang bilang ng naitalang namatay dahil paghagupit ng bagyong Tino.
Joy Barcoma calls for prayers for typhoon victims
Hindi pinalampas ni Joy ang pagkakataong manawagan ng tulong at dasal nang sumabak siya sa grand coronation ng Miss Earth 2025 kagabi, November 5.
Bago sumagot si Joy sa Q&A para sa Top 8 round ay hiniling niya sa lahat na mag-alay ng panalangin para sa mga biktima ng bagyo.
Saad ni Joy: "Can I please share something to the world, please? I am just waiting for this moment to encourage everybody to offer prayers to the victims of typhoon in Cebu.
"A lot of people have died. A lot of people have experienced a catastrophe that typhoon and the flashflood has brought to our countrymen.
"So I hope that you take this time as we celebrate taking care of Mother Earth, that we also think about, remember the lives of the people we've lost.
"Because Filipinos deserve better lives. Filipinos deserve to be safe in their country."
Matapos nito ang pagsagot niya sa ibinigay na topic na "law."
Read: Chiz Escudero names Martin Romualdez as flood scam mastermind
Netizen questions Joy’s speech about typhoon
Marami ang humanga sa ginawang pag-alala at pagmamalasakit ni Joy sa mga naapektuhan ng bagyo.
Anila, nagamit nang maayos ni Joy ang kanyang Miss Earth platform para idiin ang environmental issues na nangyayari sa bansa.
Read: Janice de Belen, nag-walkout sa event dahil kay John Estrada?
Kung marami ang natuwa at humanga ay mayroon ding kinuwestiyon ang pagsasalita ng Caviteña beauty queen sa Miss Earth stage tungkol sa bagyo.
Naniniwala ang netizen na ito ang dahilan kung bakit hindi nakapasok sa Top 4 si Joy.
Mababasang post ng netizen sa Facebook (published as is): "What went wrong? For me Ing ha, wag kayo magaling sa akin opinion ko Ing ito.
"Medyo nayabangan ako sa dating ni Joy na kinain ang buong airtime.
"I mean, for me Ing ha, its not appropriate na mag speech ka about something na hindi man part ng Q&A segment.
"There's a proper place and time for that. Na over sa confidence si Joy. Kahit ako judge, medyo mapapailing din ako. Sayang, andun na sana."
Joy slams netizen’s post
Nakarating kay Joy ang post na ito ng netizen.
Dinepensahan ng Pinay beauty queen ang pagsasalita niya tungkol sa kalamidad na nangyari sa Cebu at mga karatig-lalawigan.
Read: Nawat Itsaragrisil, humagulhol sa harap ng media
Diin niya, walang masama sa kanyang ginawa dahil ang Miss Earth platform ang pinakatamang lugar para pag-usapan ang mga environmental problem gaya ng bagyo.
Saad ni Joy (published as is): "What do you mean by proper place and time?
"It is Miss Earth...There is no more appropriate venue to talk about the typhoon that took more than a hundred of lives, displaced hundreds, and devastated thousands of Filipinos if not today because it just happened.
"IT IS AN ENVIRONMENTAL ISSUE and to celebrate environmentalism in a country where there are people dying because of a natural catastrophe and not acknowledging it is unnerving."
Diin pa niya: "NAMATAYAN KA NG KABABAYAN DAHIL SA KAPABAYAAN AND YOU STILL DONT WANT TO TALK ABOUT IT ON A PLATFORM THAT ADVOCATES FOR THE ENVIRONMENT?
"If not here, then where? If not now, then when?"
Nilinaw rin ni Joy ang akusasyon ng netizen kung bakit hindi siya nakapasok sa Top 4—dahil umano sa ginawa niyang pagbibigay pahayag tungkol sa nangyaring bagyo sa bansa.
Sabi ni Joy, "I wasn't part of the Top 4 simply because I wasn't the one they're looking for. Period."

Ang pambato ng Czech Republic na si Natalie Puskinova ang nanalo at kinoronahang Miss Earth 2025.
Read: Czech Republic crowned Miss Earth 2025; PH bet finishes in Top 8
Kabilang sa elemental court o top placers si Miss Earth Air 2025 Soldis Ivarsdottir ng Iceland.
Miss Earth Water 2025 naman si Mu Anh Trinh ng Vietnam, at Miss Earth Fire 2025 si Waree Ngamkham ng Thailand.
