Malaki ang pasasalamat ni Betong Sumaya na hindi siya nawawalan ng proyekto sa kanyang home network, ang GMA-7.
Bahagi pa rin siya ng gag show na Bubble Gang, na nag-celebrate ng 30th anniversary noong October 2025.
Saad ni Betong: "Siyempre, Bubble Gang pa rin. Kakatapos lang ng 30th anniversary.
"Naku, maraming-maraming salamat. Isipin niyo, guys, 30 years, na sigurado lahat tayong batang Bubble — ako, ikaw, batang Bubble ka sigurado.
"So, yung Bubble Gang, parang tapos sa mga guestings, All Out Sundays.
"And then itong November 15, yung Sparkle is celebrating its 30th year.
"So, magkita-kita na tayo sa SM MOA Sky."
Ang tinutukoy ni Betong ay ang Sparkle Trenta event kung saan magkakaroon ng anniversary concert ang bigating Sparkle artists sa MOA Sky Amphitheater.
Ilan sa Sparkle artists na magpapasaya sa fans ay sina Alden Richards, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Jillian Ward, Michelle Dee, at marami pang iba.

Read: Storm chaser, binasag ang paniniwala ng mga Pinoy sa Sierra Madre
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Betong sa grand launch ng Swiss Proli night gummies na pag-aari ng aktres na si Julia Montes at ng chemist na si Pinky Tobiano.
Ginanap ang product launch sa Marquis Events Place, Bonifacio Global City, noong November 4, 2025.
Read: Julia Montes talks about sleepless nights, sleep gummy business
Betong Sumaya hopes to act in teleseryes
Kahit papano ay hindi nawawalan ng proyeto si Betong sa tulong na rin ng Sparkle.
Aniya: "Thank you, Lord! Naku, talaga, kaya very thankful tayo sa GMA, sa Sparkle.
"This year nga, kakatapos lang ng movie, yung Samahan ng mga Makasalanan.
"And then hopefully, teleserye, iyon ang prayer ko na sana parang next year magkateleserye na."
Kung wala raw siyang ginagawang show, raket-raket naman si Betong.
"Ano lang, yung mga PAGCOR.
"Siyempre, first time ako nakapag-guest sa Showtime. Parang nawala na ang network wars ngayon, so Showtime, e, nag-guest tayo.
"So hopefully, sana, magkaroon ng movie, kung merong mag-alok, di ba, na malay natin, malalaman natin, abangan natin sa susunod na kabanata."
Read: Sierra Madre, muling nag-trending dahil sa super typhoon Uwan
