Sa kabila ng kanyang malakas na charisma, aminado ang GMA Integrated News anchor na si Atom Araullo na torpe siya noong kabataan niya.
Ito ang ibinuking ni Atom sa podcast channel ng kanyang kapwa Kapuso journalist na si Pia Arcangel noong April 24, 2024.
Pag-amin ni Atom, introvert siyang klase ng tao kung kaya’t noong nasa high school at college siya ay hindi niya nagawang makapanligaw.
Read: Atom Araullo files P2M-damage suit vs. red-taggers Lorraine Badoy, Jeffrey Celiz
"Noong high school at college ka, paano ka nakapanligaw kung introvert ka?" tanong sa kanya ni Pia.
Natatawang sagot ni Atom: "E, kaya nga hindi ako nanligaw, e.
"Torpe, e. [Ang ginawa ko] yung ano, yung half-ligaw, kunwari hindi talaga ligaw, pero yun na rin yun.
"Uso sa mga Pinoy yon, e. Actually marami nga nagrereklamo diyan e, yung hindi klaro sa intentions nila.
"Ako guilty diyan, e. Guilty as charged.
"Especially when I was a lot younger in college."
Sundot na tanong ni Pia, "So, wala kang naging girlfriend ng high school at college?"
Saad ni Atom, "Wala. [Aside kasi] na torpe ako, ang dami ko rin kasing ginagawa.
“Wala rin ako masyadong idle time. So, okay lang."
Read: Zen Hernandez, Atom Araullo spotted watching Miss Saigon
ATOM’S DREAM GIRL
Ganumpanan, mayroon pa rin naman daw ideal girl si Atom.
Sa katunayan, attracted daw siya sa mga babaeng very passionate sa pangarap at iba pang bagay-bagay.
Pagbabahagi niya: "I think, what I find attractive, especially, you know, at this stage of my life, is yung mga tao na very passionate about something and it’s infectious. Yung kilala na nila yung sarili nila.
"[And] people who are really kind. You get an understanding kung ano yung genuine kindness, e, lalo na kapag mas, you know, mas may edad ka na.
"Hindi na yung beyond the facade or parang yung mga pakitang tao.
"You get an understanding for sino yung mga may true empathy, yung kahit mukhang masungit sa labas. Parang yung nakatago yung, ano, yung pagiging pusong mamon, yung mga ganyan."
Dagdag pa niya, "And somebody curious about the world.
"Feeling ko kasi kapag ganun, ang dami niyo puwedeng pag-usapan, e. Tapos ang daming pwedeng gawin together."
ATOM ARAULLO BEING LINKED TO ZEN HERNANDEZ
Ang ABS-CBN News anchor na si Zen Hernandez ang babaeng nali-link ngayon kay Atom.
Read: Rumored couple Zen Hernandez and Atom Araullo spotted in Hong Kong
Ilang beses nang naispatan ng publiko sina Atom at Zen na magkasama.
Read: Rumored couple Atom Araullo and Zen Hernandez bond with other reporters last Holy Week
Unang napansin ng netizens ang closeness ng dalawa dahil sa post ng kapwa nila news anchor na si Pinky Webb nang maispatan niya ang dalawa na nagbabakasyon din sa Balesin, isang private beach resort sa Polillo, Quezon, noong June 21, 2021.
Read: Are news anchors Atom Araullo and Zen Hernandez in a relationship?
Naging Instagram official sina Atom at Zen noong October 2022.
Read: Jowa reveal! Kapuso Atom Araullo posts couple photo with Kapamilya Zen Hernandez
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang direktang pag-amin sina Atom at Zen tungkol sa tunay nilang relasyon.
Read: Netizens get kilig over new photos of rumored couple Atom Araullo and Zen Hernandez
