PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald admits shortcomings in past relationship with Julia

Gerald Anderson says he's not looking for new romance for now.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Dec 4, 2025
Gerald admits shortcomings in past relationship with Julia
Gerald Anderson on being single: "So being single right now is I'm taking time talaga to, you know... pag-aaralan kung ano ba ang mga puwede ko pang i-improve bilang isang tao." Gerald's breakup with Julia Barretto (right) was confirmed by their agencies on September 18, 2025.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/Julia Barretto on Instagram

Inaamin ni Gerald Anderson na may mga pagkukulang siya bilang kasintahan kay Julia Barretto kaya't nauwi sa hiwalayan ang anim na taon nilang relasyon.

Noong September 18, 2025, kinumpirma ng kinabibilangan nilang talent management agencies—Star Magic kay Gerald at Viva Artists Agency kay Julia—ang matagal nang bulung-bulungang breakup ng dalawa.

Bagamat hindi idinetalye kung kailan mismo at ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan, ayon sa dalawang talent management, maayos at sa magandang paraan nagwakas ang relasyon nina Gerald at Julia.

Hindi rin nagbigay ng anumang pahayag sina Gerald at Julia tungkol dito.

Gayunpaman, sa mga paglabas kamakailan ni Gerald sa publiko, hindi nito ikinaila ang pagiging single niya ngayon.

Read: Gerald Anderson-Julia Barretto breakup confirmed

gerald anderson julia barretto vlog
Photo/s: YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GERALD ON BEING SINGLE

Sa ginanap na Star Magic Spotlight presscon nitong Miyerkules, December 3, kung saan tampok ang aktor, kinumusta ng entertainment press si Gerald tungkol sa kanyang pagiging single.

Read: Gerald Anderson and Julia Barretto: A relationship timeline

Ayon sa Kapamilya actor, maayos ang kanyang kalagayan, at sa ngayon ay nakatuon siya sa sarili at career.

Pahayag niya: "How is it being single? It's been okay.

"Siyempre, I mean, marami namang ano yun e, ito po, focus ako sa growth as a person and building sa career ko, at building sa pagkatao ko dahil wala naman sigurong perpektong tao.

"So, being single right now is I'm taking time talaga to, you know... pag-aaralan kung ano ba ang mga puwede ko pang i-improve bilang isang tao."

Gerald admits shortcomings in past relationship with Julia
Photo/s: Khryzztine Joy Baylon
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag pa ni Gerald, hindi siya nagmamadaling makahanap ng bagong mamahalin.

Nais daw kasi muna niyang maayos ang sarili bago siya muling umibig.

Aniya, "Am I looking forward? I have to be the best possible person bago ako pumasok sa bagong relationship."

GERALD ADMITS HE HAD SHORTCOMINGS IN HIS PAST RELATIONSHIP

Sa nasabing panayam, inamin din ni Gerald na may mga pagkukulang at pagkakamali siya sa nakaraan niyang relasyon—mga bagay na gusto niyang ayusin at baguhin ngayon.

Tanong ng isang entertainment press kay Gerald, "Feeling mo ba may kulang pa sa iyo? May mga nagagawa ka bang pagkakamali na you want to improve pa sa next relationship mo? And ano yung mga yon?"

Mabilis na sagot ng aktor: "Opo, pero hindi ko na po iisa-isahin yun kasi siyempre alam ko na yun, e, personal ko na yon.

"It's very personal para sa akin yan and napakaimportante sa akin yon kaya hindi ko na mai-share sa inyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But of course, marami pa akong kailangan i-improve as a person, yung hindi niyo nakikita behind the camera."

julia barretto gerald anderson kiss
Photo/s: Instagram

Diin pa ni Gerald, tao lang din siya at natural na nakakagawa ng pagkakamali.

Saad niya: "Nobody's perfect but there's so much na kailangan ko pang matutunan and be a better person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero kapag sinabi kong personal yon, e hindi ibig sabihin na wala kayong karapatan na... it's just sinasabing personal kasi inaayos ko pa, inaayos ko pa."

Sundot na tanong sa kanya, "Pero ready ka naman na sabihin sa lahat yung mga kailangan mo pang i-improve?"

Sagot ni Gerald: "Wala akong plano at hindi ko naman talaga sasabihin, kasi ako yon e. Ako 'to, e, di ba?

"Kung meron kayong gustong tanong sa pagdidirek [ko], karapatan niyo yan and I owe them to that, but may matitira [pa rin] para sa akin."

Read: Kim Chiu shuts down Kimerald reunion fantasy after fans' relapse

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson on being single: "So being single right now is I'm taking time talaga to, you know... pag-aaralan kung ano ba ang mga puwede ko pang i-improve bilang isang tao." Gerald's breakup with Julia Barretto (right) was confirmed by their agencies on September 18, 2025.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/Julia Barretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results