PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald Anderson and Julia Barretto: A relationship timeline

Gerald and Julia confirmed their relationship in March 2021.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Sep 19, 2025
Gerald Anderson and Julia Barretto: A relationship timeline
From their 2019 onscreen team-up to years of public scrutiny, milestones, breakup rumors, marriage buzz, and confirmed breakup, Gerald Anderson and Julia Barretto’s romance remains one of Philippine showbiz’s most talked-about.
PHOTO/S: Gerald Anderson on Instagram

Matapos ang tinatayang halos anim na taong relasyon, kumpirmadong hiwalay na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Ang kumpirmasyon sa hiwalayan ng dalawa ay nanggaling sa kinabibilangan nilang talent management agencies — Star Magic kay Gerald at Viva Artists Agency kay Julia — nitong Huwebes ng gabi, September 18, 2025.

Julia Barretto addresses breakup rumors with Gerald Anderson
Ex-couple Julia Barretto and Gerald Anderson in one of their out-of-the-country trips.
Photo/s: Julia Barretto Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa dalawang talent management agencies, maayos at sa magandang paraan nagwakas ang relasyon nina Julia at Gerald dahil "mutual" nila itong napagdesisyunan.

Read: Gerald Anderson-Julia Barretto breakup confirmed

Bago ang malungkot na kinahantungan ng kanilang pag-iibigan, balikan natin kung paano nagsimula at ano ang itinakbo ng relasyon nina Gerald at Julia.

JULY 2019: THE CONTROVERSY AND FEUD BETWEEN JULIA BARRETTO AND BEA ALONZO

Noong July 2019 nagsimulang paghinalaang may espesyal na namamagitan kina Gerald at Julia makaraan nilang magtambal sa pelikulang Between Maybes noong May 2019.

Kumalat sa social media ang paparazzi shots ng dalawa na naglalakad sa parking lot galing sa birthday party ng kanilang kaibigang si Rayver Cruz, na ginanap sa isang bar sa Taguig City noong July 20, 2019.

julia barretto gerald anderson bgc
Julia Barretto and Gerald Anderson were spotted together in BGC in July 2019.
Photo/s: Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil sa litrato, inakusahan si Gerald ng pagtataksil kay Bea Alonzo, at si Julia ang itinuturong diumano'y third party.

Noong mga panahong iyon ay mainit nang usap-usapan ang hiwalayang Bea at Gerald.

Sumabay pang kakahiwalay lang din ni Julia sa boyfriend niya noong si Joshua Garcia.

July 23, naiulat ang kuwento ng isang source sa Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pag-uusap sa telepono ni Gerald at ama ni Julia na si Dennis Padilla.

Sabi rito, umamin si Gerald kay Dennis Padilla na "hiwalay na sila ni Bea" at "nanliligaw" ito sa anak ng beteranong komedyante na si Julia.

Nang lumabas ang ulat ng PEP, agad itong nakarating kay Bea dahil sa fans na nag-repost nito sa Instagram.

Makikitang nag-react si Bea sa pamamagitan ng pag-like nito sa Instagram post ng isang netizen, na nagbahagi ng mga litrato ni Gerald kasama si Julia.

Hanggang noong July 26, inamin ni Bea na bigla na lang siyang iniwan sa ere ni Gerald at wala silang pormal na pag-uusap na hiwalay na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Doon nauso sa showbiz ang salitang "ghosting."

Read: Bea Alonzo says no formal breakup with Gerald Anderson

AUGUST 2019: GERALD AND JULIA DENY CHEATING AND THIRD PARTY ALLEGATIONS

Pagsapit ng August 5, sa panayam ni Gerald sa ABS-CBN News ay sinabi niya ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Bea.

Giit ni Gerald, nagkaroon sila ni Bea ng sunud-sunod na hindi pagkakasunduan at isang "one big fight" na naging mitsa umano ng pagkawala ng komunikasyon sa pagitan nila ng aktres.

Hindi na raw siya nagkaroon ng pagkakataong makausap pa si Bea, dahil nang pumutok ang isyung hiwalay na sila ay hindi na siya kinausap ng ex-girlfriend.

bea alonzo gerald anderson breakup
Gerald Anderson and ex-girlfriend Bea Alonzo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa nasabing panayam, itinanggi rin ni Gerald na si Julia ang third party sa relasyon nila ni Bea.

Read: Gerald Anderson finally speaks up about breakup with Bea Alonzo; clears Julia Barretto

August 6, matapang namang naglabas ng saloobin si Julia hinggil sa diumano'y hindi makatarungang pagsangkot sa kanya ni Bea sa hiwalayan nito at ni Gerald.

Sa kanyang Instagram post noon, diretsahang sinabi ni Julia na pailalim diumano siyang siniraan ni Bea nang mag-react ito sa umano'y "harmless photos" nina Julia at Gerald na kumalat sa social media.

Ani Julia, naging mitsa iyon upang batikusin siya nang husto ng netizens sa social media.

Read: Julia Barretto on Bea Alonzo-Gerald Anderson breakup: "Wala akong inahas."

AUGUST 2020: GERALD KEEPS SILENT ON RELATIONSHIP RUMORS WITH JULIA

Panandalian mang humupa ang ingay sa kontrobersiyang kinasasangkutan noon nina Gerald, Bea, at Julia, muli itong bumalik noog August 2020 nang diretsahang tanungin ang aktor sa isang press conference kung magkarelasyon na ba sila ni Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong mga panahong ito ay hindi kinumpirma at hindi rin itinanggi ni Gerald ang balitang may espesyal na namamagitan sa kanila ni Julia.

Paiwas na sagot ni Gerald: "Siguro, unang-una, ayoko na rin pag-usapan ang isang taong wala naman din dito. Walang koneksiyon sa ginagawa natin ngayon.

"Respeto na rin po siguro sa kanila. Labas po tayo diyan..."

Read: Gerald Anderson directly asked if he's in a relationship with Julia Barretto

GERALD-JULIA SIGHTINGS IN SEPTEMBER, NOVEMBER, AND DECEMBER 2020

Bagamat walang pag-amin, nanindigan ang mga masugid na tagahanga na may relasyon ngang namamagitan sa dalawa nang maispatan si Julia sa private resort ni Gerald sa Zambales noong September 6, 2020.

Read: Did Gerald Anderson bring Julia Barretto to his Zambales resort?

September 21, sinagot ni Julia ang usap-usapang nagdadalantao na siya at si Gerald daw ang ama.

Read: Julia Barretto on gossip she's pregnant with Gerald Anderson’s baby: “FAKE NEWS”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ber-months din ng taong 2020 nagsimulang maglabasan ang sightings nina Julia at Gerald.

Bagamat wala silang mga litratong magkasama ay pareho naman ng location at timeline ang mga ito.

November 2020 nang mamataan silang magkasamang mag-hiking sa Mt. Kulis sa Tanay, Rizal.

julia gerald mt. kulis
Julia Barretto and Gerald Anderson on Mt. Kulis
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

December 2020, naispatan din silang magkasama sa Baguio City.

julia gerald baguio
Julia Barretto and Gerald Anderson in Baguio
Photo/s: Instagram

Lumalabas na dito magkasamang sinalubong ng dalawa ang Bagong Taon, kasama ang pamilya ni Julia— ang ina niyang si Marjorie Barretto at mga kapatid na sina Claudia, Leon, at Erich.

JANUARY 2021: JULIA ADMITS SHE'S TAKEN

Nagpatuloy ang palaisipan ng publiko sa tunay na relasyon ng dalawa, lalo na nang mag-post si Julia ng litrato na ikinawindang ng kanyang fans noong January 3, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa larawan, makikitang nakasakay siya sa passenger seat ng isang SUV kasama ng isang lalaki at isang St. Bernard na alagang aso.

Hindi man kita ang mukha niya at ng lalaking nagmamaneho ng sasakyan, hinihinala ng netizens na si Gerald ang katabi ng aktres.

Hindi raw kasi maikakaila na ang balbon na braso ng lalaki ay tulad ng kay Gerald.

julia barretto post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagsapit ng January 10, 2021, inamin na ni Julia sa pamamagitan ng video sa TikTok na siya ay "taken" o sa madaling salita ay mayroon nang karelasyon.

Nangyari ito nang gawin ni Julia, kasama ang mga kaibigang sina Chie Filomeno, Issa Pressman, Aeriel Garcia, Bianca Pauline, Keiko Nakajima, at Shamee Sugui ang viral TikTok challege na "SINGLE" o "TAKEN."

Sa dalawang choices ay humiwalay si Julia sa mga kasamang single at saka tumapat sa sagot na siya ay taken.

Read: Julia Barretto asked by netizens: is her BF Gerald Anderson?

julia barretto taken
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MARCH 2021: Gerald FINALLY admits relationship with Julia

March 5, 2021, sa kauna-unahang pagkakataon ay kinumpirma ni Gerald ang relasyon nila ni Julia.

Nangyari ang kanyang pag-amin nang makapanayam siya ni Boy Abunda sa YouTube video nito.

Maiksi ang mga sagot ni Gerald, pero sapat na ito para matuldukan na sa wakas ang espekulasyon sa tunay na namamagitan sa kanila ni Julia.

Sabi ni Boy: “You are happy.”

Gerald: “Yes, Tito, I am.”

Boy: “Are you happy because of Julia?”

Sagot ni Gerald: “Very happy."

Inulit ni Boy kung "oo" ang sagot ni Gerald sa kanyang tanong.

Pagkumpirma ni Gerald: “Very happy, Tito Boy. It’s a yes.”

Julia-Gerald appearances as a couple

Matapos ang pag-amin ni Gerald ay naging bukas na sila ni Julia na ipakita sa publiko ang kanilang pagmamahalan.

Noong March 6, proud na isinama ni Gerald si Julia nang mamahagi siya ng ayuda para sa Aeta families na naninirahan sa Lupang Pangako Resettlement sa Barangay San Agustin, Iba, Zambales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
julia barretto gerald anderson

Ang nasabing pamimigay ng ayuda ay parte ng selebrasyon ng 32nd birthday ni Gerald.

Ito ang unang public appearance nina Gerald at Julia matapos aminin ng aktor ang kanilang relasyon.

Kinabukasan, March 7, ay hindi na rin napigilan si Julia na ihayag ang pagmamahal kay Gerald nang batiin niya ang aktor sa kaarawan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-post si Julia ng maikli ngunit sweet na birthday greeting para sa kanyang “love” sa Instagram.

Makikita sa litrato ang kanilang sweet photo kung saan nakahalik sa cheeks ni Julia si Gerald.

julia barretto gerald anderson kiss
Photo/s: Instagram

Saad ni Julia sa caption, “Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful [white heart emoji]. Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Julia Barretto birthday greeting to “love” Gerald Anderson

Maging ang pamilya ni Julia ay hindi na rin naitago ang kanilang suporta sa relasyon ng aktres at ni Gerald.

March 23, nag-post ang nakatatandang kapatid ni Julia na si Dani Barretto ng beach photo ng kanilang pamilya kasama si Gerald.

Makikita sa larawan si Marjorie Barretto, ang mga anak niyang sina Dani, Julia, Claudia, at Leon kasama ang mister ni Dani na si Xavi Panlilio at si Gerald.

Caption ni Dani: “Mi Familia [white heart emoji] (insert Millie & Erich here)

“Missing the beach and this perfect week.”

Read: Gerald Anderson now considered part of Julia Barretto’s family

gerald anderson barretto family
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasundan pa ito noong April 4 nang magdiwang ng Easter Sunday si Gerald kasama ang pamilya ni Julia.

Read: Gerald Anderson, Julia Barretto happy together on Easter Sunday

gerald julia easter 2021
Photo/s: Instagram

April 22, sa unang labas ni Julia sa YouTube vlog ni Gerald ay ipinagtapat niyang handa na siyang magkapamilya sa 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangyari ito nang tanungin siya ni Gerald kung ano ang plano ng nobya sa susunod na lima o sampung taon.

Sagot ni Julia, "Family."

Sundot na tanong ni Gerald, "Saan dun? Sa five or sa ten-year [plan]?"

Diretso at nakangiting sagot ni Julia, "Next year."

Read: Julia Barretto tells Gerald Anderson she wants to start a family "next year"

gerald anderson julia barretto vlog
Photo/s: YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gerald proudly declares Julia is "the one"

Dahil nabuksan na ni Julia ang tungkol sa kagustuhan niyang bumuo ng sariling pamilya, nahingan din si Gerald ng reaksiyon nang makapanayam siya ni Boy Abunda sa Init Conversations noong August 21.

Tinanong ni Boy si Gerald kung si Julia na ba ang pakakasalan ng ABS-CBN actor.

Siguradong sagot ni Gerald: "She's the one."

Subalit alam daw niyang bata pa sila ni Julia at pareho pa silang maraming hindi nagagawa para sa kanilang career.

Sabi noon ni Gerald: “Gusto ko sagutin yan talaga. Siguro alam niyo kung ano ang isasagot ko diyan.

"Dahil siguro she’s still very young, and ang dami pa niyang mao-offer sa industriya natin, and ang dami niya pang ipapakita sa inyo, sa audience natin, yung talent niya, ayokong maging hadlang doon."

Pero kung si Gerald lang daw ang masusunod, gugustuhin niyang pakasalan na si Julia.

Read: Gerald Anderson on girlfriend Julia Barretto: "She's the one."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MAY 2022: JULIA MEETS GERALD'S MOTHER

Dahil sa magandang samahan noon ng dalawa ay hindi na rin nagsayang ng panahon si Gerald na ipakilala si Julia sa kanyang ina.

Noong May 7, 2022, kumalat sa social media ang litrato nina Julia at Gerald na kasama ang ina ng aktor na si Evangeline sa isang restaurant.

Sa picture, makikitang yakap ni Gerald ang dalawang babaeng mahalaga sa buhay niya.

Read: Gerald Anderson on girlfriend Julia Barretto meeting his mother

julia gerald mother
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SEPTEMBER 2022: JULIA DENIES BREAKUP RUMORS WITH GERALD

Pagtungtong ng September 2022, panibagong tsismis ang kinaharap nina Gerald at Julia nang mabalitang hiwalay na sila dahil nabuntis diumano ng aktor ang Kapuso actress na si Kylie Padilla.

Si Kylie ay nakapareha ni Gerald sa pelikulang Unravel: A Swiss Side Love Story.

Read: Kylie Padilla quashes rumor she's pregnant with Gerald Anderson's child

Pinabulaanan ito ni Julia sa isang panayam.

Aniya: "Sa news, every month, that’s the situation. But no, we haven’t broken up.

“I think that’s a sign na, you know, we are really able to protect our relationship and keep it private.”

Read: Julia Barretto breaks silence on alleged breakup with Gerald Anderson

Bilang patunay, noong October 4 ay nag-post si Julia sa Instagram ng litrato nila ni Gerald, kunsaan makikita ang sweetness nila ng nobyo habang sila ay nasa bakasyon sa Singapore.

Agaw-pansin sa mga ini-upload ni Julia ang litrato nila ni Gerald na magkayakap habang naghahalikan sa Marina Bay Sands, isa sa sikat na tourist spots sa Singapore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Julia Barreto posts kissing photo with Gerald Anderson in Singapore

julia gerald singapore
Photo/s: Instagram

MARCH 2023: GERALD SAYS Julia will be his last

March 19, 2023, sa isang panibagong panayam ni Gerald ay isinapubliko niya ang tapat at nag-uumapaw na pagmamahal kay Julia nang sabihin nitong ang aktres na ang babaeng huli niyang mamahalin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong noon sa aktor, “Kailan ka ikakasal? Ikakasal ka na ba?... So, it’s gonna be Julia, you think?"

Nakangiting sagot niya: “Di naman, di naman po. You know, everything na ginagawa ko ngayon is because alam ko naman na malapit na yun, e.

“Hindi naman ako, kumbaga, yung 25-year-old na, ‘Di, trabaho muna ako, career muna ako.’

“You know, honestly, generally lahat ng ginagawa ko sa career ko, sa show business, sa pagiging businessman, is leading up to that point.

"Pero, yeah, siya [na] talaga.”

Read: Gerald Anderson says Julia Barretto will be his last

JUNE 2023: Gerald no-show at premiere night of Julia's movie, sparking breakup rumors ANEW

Pagsapit ng June 23, 2023, muling kinuwestiyon ng netizens ang relasyon nina Julia at Gerald nang mapansin nilang hindi sumipot ang aktor sa premiere night ng Will You Be My Ex?—ang pelikulang pinagbibidahan ni Julia katambal si Diego Loyzaga.

Paliwanag naman dito ni Julia na may halong biro sa press, “He’s waiting for me for dinner after, so panoorin na natin para makapag-date na kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Julia Barretto addresses breakup rumors with Gerald Anderson

SEPTEMBER 2023: ALLEGED SECRET WEDDING OF JULIA AND GERALD

Ilang buwan lamang ang lumipas, panibagong isyu na naman ang ibinato sa magkasintahang Julia at Gerald.

Sa pagkakataong ito, sinasabing sina Julia at Gerald ay lihim nang nagpakasal.

Sa panayam ng PEP kay Julia sa Preview Ball noong September 8, 2023, pinabulaanan niyang kasal na sila ni Gerald.

"No, walang ganun, walang ganun. Walang secret-secret! Mahirap magka-secret na ngayon sa mundong mabilis ang balita!" natatawang saad ni Julia.

Read: Julia Barretto addresses "secret wedding" to Gerald Anderson

Ang tanging kinumpirma lang noon ni Julia ay maligaya sila ni Gerald sa takbo ng kanilang relasyon.

Wala raw siyang nakikitang rason para madaliin ang paglagay sa tahimik.

Read: Gerald Anderson on settling down with girlfriend Julia Barretto: "Mas marami pang problema sa mundo ngayon."

March 2024: JULIA AND BEA ALONZO'S RECONCILIATION

Sa kabila ng kaliwa't kanang espekulasyon sa relasyon nina Julia at Gerald, may isa pa ring positibong nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito'y nang magkabati ang dating magkagalit na sina Julia at Bea Alonzo.

Noong March 16, 2024, nagkrus ang landas ng dalawa sa surprise tribute party ng star builder na si Johnny Manahan o Mr. M.

Sina Julia at Bea ay dating mina-manage ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na dating pinamumunuan ni Mr. M.

Sa isang video na kumalat noon sa social media ay nakita ang interaction nina Julia at Bea na nagbeso at masayang nag-uusap sa party.

Read: Julia Barretto on reconciliation with Bea Alonzo

julia barretto bea alonzo reconciliation
Julia Barretto and Bea Alonzo were spotted greeting each other at Mr. M's tribute party.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyon ang unang pagkakataong nakita ang dalawa na may interaksiyon sa isang public event matapos ang kanilang kontrobersiyal na patutsadahan sa social media noong 2019.

Bagay na ikinatuwa naman ni Gerald.

Sa panayam niya sa TV Patrol noong April 13, tinanong ang aktor kung ano ang masasabi niya sa interaksiyon nina Julia at Bea.

"Ganun talaga. You know, time heals, e. Basta moving forward," maiksing sagot ni Gerald.

Read: Gerald Anderson reacts to Julia Barretto, Bea Alonzo reconciliation

MAY 2025: GERALD AND JULIA FACE ANOTHER BREAKUP RUMOR

Tila may kakambal na CCTV (Closed-Circuit Television) camera ang relasyon nina Gerald at Julia nang muling mapabalitang may pinagdaraanan ang kanilang masaya noong relasyon.

May 24, 2025, napansin ng ilang mapanuring netizens ang hindi na paglabas ng dalawa na magkasama.

Nahinto na rin daw ang pag-a-upload nila ng couple pictures sa kani-kanilang Instagram account.

May 23 nang mag-upload ng ilang pictures at videos si Gerald na kuha sa kanyang bakasyon sa isang campsite kasama ang inang si Evangeline at ilang kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikita ang pag-e-enjoy ni Gerald sa kanilang nature trip na bakasyon. May kuha pa itong naliligo sa ilog kasama ang isang aso.

Dahil dito, hindi naiwasan ng netizens na magtanong at mapaisip kung bakit hindi niya kasama si Julia.

Ang huling pagkakataong namataang nagkasama sina Gerald at Julia ay noong March 10, sa pagdiriwang ni Julia ng kanyang 28th birthday.

gerald julia birthday
Julia Barretto and Gerald Anderson were last seen together on her birthday on March 10, 2025.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpadagdag pa sa hinala nila ang biglaang pag-unfollow ni Claudia, kapatid ni Julia, kay Gerald sa Instagram.

Read: Are Gerald Anderson and Julia Barretto still together?

JUNE 2025: GERALD addresses breakup rumor about him and Julia

June 1, 2025, mariing pinabulaanan ni Gerald ang naglalabasang balitang break na sila ni Julia.

“No, we’re okay,” mabilis na sagot ni Gerald sa panayam niya sa Toni Talks.

Pagbabahagi pa ng Kapamilya actor, “Kanina hinatid ko siya sa airport. Pupunta sila sa Dubai, kaya nga napaaga ako.”

Itinanggi rin ni Gerald na nag-delete siya ng mga larawan nila ni Julia sa kanyang Instagram account, na naging basehan ng balitang break na sila.

Nauna nang pinabulaanan ng kampo ni Julia ang breakup rumor sa pamamagitan ng ulat ng Cabinet Files na nailathala sa PEP noong May 27, 2025.

Read: Julia Barretto-Gerald Anderson breakup rumor, fake news?

Ito ang dahilan kung bakit maraming fans ang nagulat sa announcement ng Star Magic at Viva Artists Agency na nagwakas na ang relasyon nina Julia at Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa naglalabas ng direktang pahayag sina Gerald at Julia kung kailan at bakit sila naghiwalay.

Nananatiling tikom din ang bibig ng dalawa sa mga bagong nauugnay sa kanila.

Sa ngayon, ang volleyball player na si Vanie Gandler ang nauugnay kay Gerald. Habang si Julia naman ay inili-link sa negosyanteng si Lucas Lorenzo.

Read: Claudine Barretto backs Julia after breakup with Gerald Anderson

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From their 2019 onscreen team-up to years of public scrutiny, milestones, breakup rumors, marriage buzz, and confirmed breakup, Gerald Anderson and Julia Barretto’s romance remains one of Philippine showbiz’s most talked-about.
PHOTO/S: Gerald Anderson on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results