Pumanaw na ang dating Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Edition 1 housemate at reggae singer na si Errol "Budoy" Marabiles, nitong Huwebes, December 4, 2025.
Siya ay 54.
Ang malungkot na balita sa pagpanaw ni Budoy ay kinumpirma ng kanyang business partner sa Sigbin Haus, isang musicians’ bar sa Santander, Cebu, sa pamamagitan ng post sa Facebook.
Read: Gerald admits shortcomings in past relationship with Julia
"It is with a heavy heart I write this Today at 3pm my partner at Sigbinhaus and best friend for almost 20 year, Errol 'Budoy' Marabiles, suddenly left us.
"I could write a ton about our good memories, but right now, I feel just so empty and lonely," mababasa sa post, kalakip ang mga kuhang litrato ni Budoy.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag ang naulilang pamilya ni Budoy kung ano ang dahilan ng kanyang pagpanaw.
WHO IS BUDOY MARABILES?
Si Budoy ay naging bahagi ng PBB Celebrity Edition 1 noong 2006.
Co-housemates niya noon sina Zanjoe Marudo, Bianca Gonzalez, John Prats, BB Gandanghari, Roxanne Barcelo, Christian Vasquez, Aleck Bovick, at ang Big Winner na si Keanna Reeves.

Read: Pagkalas ng TV5 sa ABS-CBN, paano makakaapekto sa GMA-7?
Bago pumasok sa loob ng Bahay Ni Kuya, kilala na siya bilang vocalist ng Bisaya reggae band na Junior Kilat.
Ilan sa mga kanta nila ay “Kawatan,” “Ako Si M16,” “Buwad Suka Sili,” "Budoy," at “Sigbin Dub."
Bago sumakabilang-buhay, aktibo si Budoy sa pagsama sa mga anti-corruption protests sa Cebu, bagay na ikinatutuwa ng kanyang mga tagahanga.

