Tuwang-tuwa si Ellen Adarna sa natanggap niyang papuri mula sa kapwa aktres na si Angelica Panganiban.
Noong December 11, 2025, sa YouTube vlog ni Karen Davila, nagbigay ng reaksiyon si Angelica sa hiwalayan ng mag-asawang Ellen at Derek Ramsay.
Hindi lingid sa kaalaman ng iba na pagdating sa mga naging karelasyon ni Angelica sa showbiz ay tila nakadikit dito ang pangalan ni Ellen.
Dalawa sa naging nobyo noon ni Angelica ay naging nobyo rin ni Ellen.
Nang matapos ang relasyon nina Angelica at John Lloyd Cruz, ang sumunod na nakarelasyon ni John Lloyd ay si Ellen.
Si Derek, na ex-boyfriend din ni Angelica ay nakarelasyon at pinakasalan si Ellen.
Ngunit makalipas lamang ang apat na taon ay naghiwalay rin sina Derek at Ellen.
Read: Ellen Adarna packs up; ready to leave Derek Ramsay's house
Pagtatapat ni Angelica sa vlog, hindi sila personal na magkakilala ni Ellen pero nagkita na raw sila minsan.
Saad niya, "I met her once. Naka-hangout ko siya. Kami pa ni John Lloyd nun.
"Then, may boyfriend din siya noon, e."
Dahil nabanggit ang nakaraan ni Angelica ay hindi na rin naiwasang hingan siya ng reaksiyon sa masalimuot na pagwawakas ng relasyon nina Derek at Ellen.
Ani Angelica, "Parang, nadismaya in a way na parang, 'O, talaga ba?'
"Noong una, hinahanap ko yung pake ko talaga nung una. 'May pake ba ako?'
"Wala naman akong pake. Pero yan nga, parang may ano lang ako na, 'Talaga ba?'
"Ang alam ko kasi, ten years ang agwat namin, e, nung ex ko, e.
"So parang, 'Talaga?' Parang medyo.... kung 39 ako, so baka almost 50 na siya, so parang, tsk. Nagulat lang ako.
"Baka iyon yung term, nagulat lang ako na, 'Ah, hindi pala kumalma.'"
Read: Angelica Panganiban reacts to Derek Ramsay-Ellen Adarna breakup
Hirit pa ni Angelica, dahil sa paghihiwalay ng dalawa ay maaari na silang maging magkaibigan ni Ellen.
Aniya: "Feeling ko, marami kaming pag-uusapan, e.
"Wag lang niya i-screenshot, ha. Wag lang niya i-record.
"Hindi pa nga ako na-invite doon sa group chat, e."
Ang tinutukoy ni Angelica ay ang pag-i-screenshot ni Ellen ng palitan ng text messages umano ni Derek at ng isang babae, at ang pagre-record nito sa away nila ni Derek.
Read: Ellen Adarna shows convo with Derek Ramsay's ex-girlfriend
Inamin din ni Ellen na may group chat sila ng mga naging ex ni Derek.
Sabi pa ni Angelica tungkol kay Ellen: "Alam mo, I wish her well. Having two kids? Hirap nun.
"And nakikita ko yung ibang stories niya, dadaan sa algorithm ko. Mukha siyang okay na mom, di ba?
"Na parang you wish her well, di ba? 'Go, 'Te, galingan mo na, galingan mo diyan.'"
Read: Ellen Adarna: "Cheating and abuse should never be tolerated."
Sa huli, nagpahayag ng paghanga si Angelica kay Ellen dahil sa pagiging matapang nito na gawin ang mga bagay na hindi raw niya noon nagawa sa relasyon nila ni Derek.
Aniya: "Nakabilib nga, di ba? Sabi ko nga sa iyo kanina, sabi ko, 'Kakabilib nga siya, tapang niya.' Parang, 'Whoa!'
"Ano, e, para niyang nagawa yung mga hindi ko kayang gawin noon.
"Kaya ako talaga, 'Hanep, galing!'
"Napapaganun talaga ako, 'Huh? Galing neto. Ako natagalan, e.'
"Ang galing!"
Read: Ellen Adarna disputes Derek Ramsay’s "never cursed my wife" claim
ELLEN REACTS TO ANGELICA'S STATEMENT ABOUT HER
Mabilis na nakarating kay Ellen ang mga naging pahayag sa kanya ni Angelica.
Read: (Updated) Ellen Adarna's ex-boyfriends and the one she married
Nitong Biyernes, December 12, ay sunud-sunod ang pagpu-post ni Ellen sa kanyang Instagram Stories ng larawan habang pinapanood niya ang naging panayam ni Angelica.
Mababasang caption sa una niyang IG Story (published as is), "Tragissss ahahah @iamangelicap [laughing in tears emoji]."

Sa isa pang IG Story ay tila sinagot ni Ellen ang naging biro sa kanya ni Angelica tungkol sa pagkakaroon niya ng group chat kasama ang mga dating nobya ng kanyang mister.
Sabi ni Ellen, "Promise masaya and nakakatawa [y]ung group chat [laughing in tears emoji], Angelica."

ELLEN AND ANGELICA FOLLOW EACH OTHER ON INSTAGRAM
Maraming netizens ang natuwa sa pagkakaibigang puwedeng mabuo kina Ellen at Angelica.
Lalo pa't napansin ng kanilang tagahanga ang pagpa-follow nila sa isa't isa sa Instagram.


Samantala, masaya na ngayon si Angelica sa kanyang buhay may pamilya.
Kasal siya sa asawang si Gregg Homan at biniyayaan sila ng isang anak na babae, si Amila Sabine Homan.
