PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban reacts to Derek Ramsay-Ellen Adarna breakup

Angelica Panganiban on Ellen Adarna: “Kakabilib nga siya, tapang niya.”
by Arniel C. Serato
Published Dec 12, 2025
Angelica Panganiban reacts to Ellen-Derek's separation
Angelica Panganiban (left) on Ellen Adarna (right) leaving husband Derek Ramsay (not in photo), Angelica's ex-boyfriend: "Nakabilib nga, di ba... 'Kakabilib nga siya, tapang niya para, whoa!' Ano, e, para niyang nagawa yung mga hindi ko kayang gawin noon. Kaya ako talaga, 'Hanep, galing!' Napapaganun talaga ako, 'Huh? Galing neto. Ako natagalan, e.' Ang galing!"
PHOTO/S: Arniel Serato / Instagram

Masaya na si Angelica Panganiban ngayon sa kanyang buhay may pamilya.

Kasal siya sa asawang si Gregg Homan at biniyayaan sila ng isang anak na babae, si Amila Sabine Homan.

Ito raw ang pinangarap ni Angelica noon.

"Gustung-gusto ko ng anak. Gusto ko ng asawa. Gusto ko ng pamilya I can call my own," sabi ni Angelica sa YouTube vlog ng broadcaster na si Karen Davila na lumabas kahapon, December 11, 2025.

Angelica Panganiban during her interview with Karen Davila.
Angelica Panganiban during her interview with Karen Davila.
Photo/s: Courtesy: Karen Davila on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong ni Karen si Angelica kung naramdaman ba niyang hindi hahantong sa kasalan ang mga dating karelasyon.

"No. Bilis ko nasagot, di ba? No," sabi ng aktres.

Ilan sa naging boyfriend ni Angelica mula sa showbiz ay sina Carlo Aquino, John Lloyd Cruz, at Derek Ramsay.

Ano kaya ang dahilan nito?

Pag-aanalisa ni Angelica: "Iba-iba. I think with Derek, kahit na matagal kami, I didn't see him na pupunta talaga doon.

"Na parang may planong mag-settle, wala. Siguro kasi every now and then, may problema.

"Like, 'Ito na naman, may isyu na naman, may away na naman, may ano.'

"With John Lloyd, I think clear sa relationship namin na ayaw niyang magpakasal.

"And then, ako rin naman, pagka nalulungkot ako, hindi naman lagi masaya yung relationship namin.

"Pag nalulungkot ako, parang, 'Ay, ano pang ginagawa ko dito kung hindi naman din pala ako pakakasalan? E, iyon ang gusto ko.'

"May ibang babae kasi na gusto rin yun, di ba, na hindi naman din magpakasal. Ako, gusto ko, e."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ANGELICA PANGANIBAN ON CONNECTION WITH ELLEN ADARNA

Pagdating sa mga naging karelasyon ni Angelica sa showbiz, tila nakadikit dito ang pangalan ni Ellen Adarna.

Nang matapos ang relasyon nina Angelica at John Lloyd, ang sumunod na nakarelasyon ni John Lloyd ay si Ellen.

Si Derek, na ex din ni Angelica, ay nakarelasyon at pinakasalan si Ellen.

Pero makalipas lamang ang apat na taon ay naghiwalay rin sina Derek at Ellen.

Ayon kay Angelica, hindi sila personal na magkakilala ni Ellen pero nagkita na raw sila minsan.

Lahad niya, "I met her once. Naka-hangout ko siya. Kami pa ni John Lloyd nun.

"Then, may boyfriend din siya noon, e."

Read: Dayanara Torres, kinontra ang sagot ni Fatima Bosch sa visa issue

ANGELICA PANGANIBAN ON DEREK-ELLEN BREAKUP

Ano ang reaksiyon ni Angelica sa masalimuot na pagwawakas ng relasyon nina Derek at Ellen?

"Parang, nadismaya in a way na parang, 'O, talaga ba?'" sagot ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nalungkot ba siya?

Saad ni Angelica: "Hinanap ko yung sadness pero parang hindi, e, parang...

"Noong una, hinahanap ko yung pake ko talaga nung una. 'May pake ba ako?'

"Wala naman akong pake. Pero yan nga, parang may ano lang ako na, 'Talaga ba?'

"Ang alam ko kasi, ten years ang agwat namin, e, nung ex ko, e.

"So parang, 'Talaga?' Parang medyo.... kung 39 ako, so baka almost 50 na siya, so parang, tsk. Nagulat lang ako.

"Baka iyon yung term, nagulat lang ako na, 'Ah, hindi pala kumalma.'"

ANGELICA ON BEING FRIENDS WITH ELLEN

Sa tingin ba niya ay pupuwede silang maging magkaibigan ni Ellen?

Sagot ni Angelica na may halong biro: "Feeling ko, marami kaming pag-uusapan, e.

"Wag lang niya i-i-screenshot, ha. Wag lang niya i-record.

"Hindi pa nga ako na-invite doon sa group chat, e."

Ang tinutukoy ni Angelica ay ang pag-i-screenshot ni Ellen ng palitan ng text messages umano ni Derek at ng isang babae, at ang pagre-record nito sa away nila ni Ellen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin din ni Ellen na may group chat sila ng mga naging ex ni Derek.

Sabi pa ni Angelica tungkol kay Ellen: "Alam mo, I wish her well. Having two kids? Hirap nun.

"And nakikita ko yung ibang stories niya, dadaan sa algorithm ko. Mukha siyang okay na mom, di ba?

"Na parang you wish her well, di ba? 'Go, 'Te, galingan mo na, galingan mo diyan.'"

Obserbasyon ni Karen, nasasabi ito ni Angelica dahil masaya ito sa kanyang buhay.

Sundot ng aktres, "Baka iba-iba pa nasabi kung hindi ako masaya ngayon.

"Sabihin ko talaga, 'Ito naman, di pa natuto sa akin.'

"Yun, mabibitawan ko yan noon, noon."

Nagpahayag din ng kanyang paghanga si Angelica kay Ellen.

Aniya: "Nakabilib nga, di ba, sabi ko nga sa iyo kanina, sabi ko, 'Kakabilib nga siya, tapang niya.' Parang, 'Whoa!'

"Ano, e, para niyang nagawa yung mga hindi ko kayang gawin noon.

"Kaya ako talaga, 'Hanep, galing!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Napapaganun talaga ako, 'Huh? Galing neto. Ako natagalan, e.'

"Ang galing!"

Bukod sa masaya ang kanyang buhay may-asawa, maganda rin ang pasok at pagtatapos ng taong 2025 kay Angelica dahil bida siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 entry na UnMarry.

Read: Angelica Panganiban reveals reasons for accepting UnMarry

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban (left) on Ellen Adarna (right) leaving husband Derek Ramsay (not in photo), Angelica's ex-boyfriend: "Nakabilib nga, di ba... 'Kakabilib nga siya, tapang niya para, whoa!' Ano, e, para niyang nagawa yung mga hindi ko kayang gawin noon. Kaya ako talaga, 'Hanep, galing!' Napapaganun talaga ako, 'Huh? Galing neto. Ako natagalan, e.' Ang galing!"
PHOTO/S: Arniel Serato / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results