PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aljur Abrenica relishes worry-free bonding moments with his kids

Aljur Abrenica: “Hindi na kami nangangamba lumabas.”
by Arniel C. Serato
Published Dec 18, 2025
Aljur Abrenica says "nabunutan ng tinik" after AJ Raval's admission
Aljur Abrenica on his children with partner AJ Raval bonding with his children with estranged wife Kylie Padilla (not in photo): "Yun naman po yung pinagpapasalamat ko sa Panginoon, nabigyan ng kalayaan yung mga bata. Kasi yun ang gusto namin, maging masaya sila."
PHOTO/S: Instagram

Masasabing madaming hatid na sorpresa ang taong 2025 para kay Aljur Abrenica at sa kanyang pamilya.

Isa na rito ang pag-amin ng dating sexy star na si AJ Raval noong November 12, 2025 na meron na siyang limang anak.

Ang dalawa ay anak ni AJ sa dating non-showbiz partner nito.

Tatlo naman ang anak nina AJ at Aljur: sina Alkina, Aljur Jr., at Abraham.

May dalawa ring anak si Aljur sa estranged wife na si Kylie Padilla: sina Alas at Axl.

Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica

Kaya malaki ang pasasalamat ni Aljur dahil bukod sa may trabaho siya sa FPJ's Batang Quiapo, maayos na ang kasalukuyang sitwasyon ng kanyang pamilya.

Saad ni Aljur sa panayam ng ABS-CBN News: "Nagpapasalamat ako dahil mula January at December na ngayon, hindi tayo pinabayaan ng Panginoon.

"Binigyan tayo ng mga blessings, through Direk Coco [Martin].

"Tapos higit sa lahat, yung... higit sa lahat, nabunutan tayo ng tinik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung pamilya ko ay, alam mo yun, puwede na kaming... hindi na kami nangangamba lumabas. Hindi na nagtatago."

Ito raw ang dinarasal ni Aljur — na maging malaya sila ng kanyang mga anak na makita sa publiko at hindi na pinagbubulungan.

"Yun naman po yung pinagpapasalamat ko sa Panginoon, nabigyan ng kalayaan yung mga bata.

"Kasi yun ang gusto namin, maging masaya sila," sabi ng aktor.

Read: Aljur Abrenica, di pa kumportable pag-usapan ang mga anak kay AJ

ALJUR ABRENICA ON CHILDREN'S BONDING AT THEIR HOME

Dahil sa pag-amin ni AJ na mayroon na silang mga anak ni Aljur, malaya na sila ngayong nagpu-post ng bonding moments nila sa bahay.

Saad ni Aljur: "Laging ganun sa bahay. Laging ganun sa bahay.

"Yun yung ano namin, routine namin lagi. Naglalaro kasama yung mga bata. At happy ako na, ayun, nasa labas na."

Maituturing ba niyang best Christmas gift ito para sa kanya?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tugon niya, "For me, yes, oo, for me. Oo, yun ang pinakamagandang nairegalo sa akin ng Panginoon."

At noong nakaraang linggo lamang, nag-upload si Aljur ng short Instagram Reel kung saan kasama niya ang kanyang apat na anak.

Aljur with his children

Nauna nang nagpahayag ng kasiyahan si Kylie Padilla dahil sa nakita niyang bonding ng kanyang mga anak at sa anak nina Aljur at AJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Instagram noong November 23, nag-upload si AJ ng Reel kung saan makikitang nagbabasaan sina Alas, Axl, at Alkina.

Halatang enjoy na enjoy ang mga bata sa kanilang ginagawa.

Sabi ni AJ sa caption: "She’s growing up with kuyas who adore her… and that’s a blessing I’ll forever be grateful for."

Komento ni Kylie: "Sarap panoorin [heart emoji]"

Read: Kylie Padilla reacts to her sons bonding with AJ Raval’s daughter

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aljur Abrenica on his children with partner AJ Raval bonding with his children with estranged wife Kylie Padilla (not in photo): "Yun naman po yung pinagpapasalamat ko sa Panginoon, nabigyan ng kalayaan yung mga bata. Kasi yun ang gusto namin, maging masaya sila."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results