PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Sikat na star, dedma sa bayarin?

Ang pobreng negosyante ay hindi makasingil-singil.
Published Dec 23, 2025
Blind item on sikat na star na ayaw magbyad ng utang
Hindi sukat akalain ni negosyante na dededmahin ni Sikat na Star ang milyones na utang nito.
PHOTO/S: Canva

May ilang araw pa bago mag-2026, pero may new year's resolution na ang isang negosyante: Huwag magpautang kahit sa big time.

Ayon sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), alalang-alala ang negosyante dahil kahit anong kulit daw niya sa paniningil ay dinidedma siya!

Noong nakuha raw niya ang isang project sa Sikat na Star, akala niya ay jackpot siya. Kumbaga, tiba-tiba siya.

Galante raw kasi si Sikat na Star at may marami siyang pera.

Ang akala niya, ang seven-digit bayarin ay barya lang kay Sikat na Star.

Blind item on Sikat na Star na ayaw bayaran ang negosyante
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Aktres, humingi ng saklolo dahil sa pananakit ng asawa

Pero anong petsa na? Ilang buwan na raw siyang naniningil pero hindi pa rin bayad!

Si Sikat na Star ba ang dedma mismo? Siya ba mismo ang ayaw magbayad?

Hindi makapaniwala si negosyante.

Hindi man lang ba naisip ni Sikat na Star yung mga workers na nagtrabaho para sa project niya?

Nanlulumo raw si negosyante dahil malaking amount yun para sa kanyang negosyo.

Sana naman ay makasingil siya.

Umaasa pa rin siyempre si negosyante na happy ang ending ng kanyang transaksiyon sa Sikat na Star.

Pero gaya ng nabanggit kanina, lesson learned daw ito sa kanya, hindi na siya basta-basta magpapautang kahit pa sa mga sikat at mapera.

Read: Singer-actor, nagantso ng daan-daang libong piso ng booking agent

NOT THE FIRST "STAR NA HINDI NAGBAYAD" STORY

Hindi ito ang unang kaso ng pagkalimot sa utang.

Nangyari rin ito sa dalawa pang maliliit na negosyante. Ganun din, seven digits ang nalagas dahil hindi nagbayad ang dalawang stars.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Yung isa ay star politician, na noong natalo sa posisyong tinatakbuhan, tuluyang dinedma ang maliit na negosyante.

At ang pangdi-dedma na yun ay nauwi sa pagkalugi ng huli.

Ang saklap, di ba.

Kaya let this be a lesson to all also: Huwag masilaw sa kasikatan. Bago ma-done deal ang anumang project, bayad muna, oy.

Read Next
Read More Stories About
blind item, hot story
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi sukat akalain ni negosyante na dededmahin ni Sikat na Star ang milyones na utang nito.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results