Katulad ng inaasahan ay umani ng samu't saring reaksiyon ang katatapos na 2025 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.
Ginanap ang awarding nitong Sabado ng gabi, December 27, 2025, sa Dusit Thani sa Makati City.
Mixed feelings ang damdamin ng publiko sa naging resulta ng awarding ceremony.
Subalit hindi lang ang mga nanalo at natalo ang nakapukaw sa pansin ng publiko, kundi maging ang Filipino-Canadian actor, model, at host na si Michael Sager.
Si Michael ang nagsilbing isa sa mga host ng MMFF Gabi ng Parangal, kasama sina Enchong Dee at Kaladkaren.
Maraming netizens ang humanga sa husay ng former Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate.

Read: Rey PJ Abellana, hindi raw invited sa kasal ng anak na si Carla
WHAT NETIZENS SAY ABOUT MICHAEL'S HOSTING
Sa social media platform na X ipinarating ng netizens ang kanilang papuri kay Michael.
"Can I just say I really admire @michaelsager_'s hosting skills?? like ang gaan niyang panoorin, super natural, walang pilit, and he really knows how to connect with the audience," komento ng isang netizen.
Sambit ng isa ring nakapanood: "Michael Sager is really setting the bar high when it comes to hosting. There's no dead air, the interview flows naturally w/ conversational approach. It's the kind of performance that makes u recognize a natural talent w/ hard work. Galing!"
"Sulit bayad kay Michael, di nagkamali MMFF team sa pgkuha sa kanya. Sobrang galing maghost!!! Nakaka-proud," bulalas ng isang fan.
May humiling na sana'y magkaroon pa ng maraming hosting oppotunities si Michael.
"Huyyy ang galing ni Michael Sager mag host," pansin ng isa pang nakapanood.
Masaya naman siyempre si Michael sa pagkakataong ibinigay sa kanya.
"Earlier this year I prayed to be a part of the MMFF… God gave me more than I prayed for :) Super grateful to have hosted the premiere nights for all 8 films and Gabi ng Parangal!" sabi ni Michael sa kanyang Instagram post.
And given the chance, nais din niyang muling makalahok sa MMFF bilang isa naman sa mga artista at cast members ng pelikula.

Read: Angelica Panganiban after Best Actress loss: "Naghanda ako ng speech, hindi ko nasabi."