PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval on Aljur Abrenica: “I love him endlessly.”

AJ Raval on Aljur: "Not everything needs explaining. Just appreciation."
by Arniel C. Serato
Published Jan 2, 2026
AJ Raval posts appreciation message for Aljur Abrenica
AJ Raval pens heartwarming message for partner Aljur Abrenica: "I’m a lucky woman & I just gotta tell him that I love him endlessly because love grows where his rosemary goes & nobody knows like me."
PHOTO/S: Instagram

Sinimulan ni AJ Raval ang unang araw ng Bagong Taong 2026 ng isang appreciation post para sa kanyang partner na si Aljur Abrenica.

Sa Instagram, nagbahagi si AJ ng mga larawan at videos ng sweet moments nila ni Aljur noong nakaraang taon.

Nilapatan niya ito ng iba-ibang sweet messages: "Well, I’m a lucky woman," "& I just gotta tell him that I love him endlessly," "because love grows," "where his rosemary goes," "& nobody knows like me."

AJ Raval's post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption ni AJ kalakip ng heart emojis, "Not everything needs explaining. Just appreciation. Thank you Aljur."

View this post on Instagram

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Read: Carla Abellana reacts to Janus del Prado's wedding cake meme

NETIZENS REACT TO AJ RAVAL'S POST

May mga bumati naman kay AJ na inakalang kaarawan niya.

Kaya saad niya, "HINDI KO PO BIRTHDAY."

AJ Raval, Netizens
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ilan namang ipinagtanggol si AJ laban sa mga nagsasabing "kabit" pa rin daw ito dahil kasal pa si Aljur sa misis niyang si Kylie Padilla.

Sabi ng isang netizen, "Masakit lang isipin na iniwan ang dalawang anak para lang din sa iba na may baby na sa una."

Depensa ng isa (published as is), "talagang ganun po ANG buhay pinag tagpo pero HND tinadhana.....

"God have a purpose everything kaya move on nalang po sila ngang involved ay naka move on na masaya SA kanya kanyang buhay."

AJ Raval, Netizens
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinaalala naman ng isang netizen na si Kylie na mismo ang nagsabi na hindi si AJ ang third party sa breakup nila noon ni Aljur.

Suportado rin ni Kylie ang relasyon ng couple.

Lahad ng netizen (published as is): "Nauna pa mka move on si Kylie kesa s mga bashers ni Aj.

"take note si kylie mismo ang nagsabi na hndi si Aj ang third party sa pghihiwalay,basa basa rin ang mga bashers, hndi yung kabilis ninyo mag judge."

AJ Raval, Netizens
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng isa pa: "Puro kayo Aljur is still married. Matagal na nga silang hiwalay bago pa man pumasok si AJ sa buhay ni Aljur.

"Sabi nga ni Kylie, hindi si AJ ang dahilan bat sila naghiwalay.

"Matagal na silang hiwalay at sadjang matagal lang din tlaga ang proseso ng annulment dito sa Pinas uubosin lahat ng pera mo sa case."

AJ Raval, Netizens
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saludo naman ang isang netizen sa hindi mapanghusgang komento ng ilan tungkol kay AJ.

Aniya (published as is): "salute ako sa mga taong nag ccomment dito ng walang pang huhusga at pambabastos, na kung tingin nila hero si Kylie sana don nila sabihin kay kylie, sila ngang tatlo okay na, hindi perfect si kylie at aljur, kaya respeto nalang ibigay nyo sa kanilang tatlo, move on na sila, kaya mag move na kayo!"

AJ Raval, netizen
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

November 12, 2025, sa live interview sa ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si AJ at inaming may lima na siyang anak.

Ang unang dalawang anak ni AJ ay mula sa dati niyang karelasyong walang kinalaman sa showbiz.

Tatlo naman ang anak nina AJ at Aljur: sina Alkina, Aljur Jr., at Abraham.

Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval pens heartwarming message for partner Aljur Abrenica: "I’m a lucky woman & I just gotta tell him that I love him endlessly because love grows where his rosemary goes & nobody knows like me."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results