Hindi napigilan ni Heart Evangelista ang kanyang sariling mag-react sa balita sa telebisyon tungkol sa kanya dahil sa kagat ng garapata.
Sa kanyang Instagram Live recently habang nagmi-makeup, ikinuwento ni Heart na nakagat siya ng garapata mula sa kanyang pusa.
Ang impormasyong ito mula kay Heart ay pinik-ap ng ilang tabloids at naging paksa pa sa primetime news program ng TV5 na Frontline Pilipinas nitong Huwebes ng gabi, January 8, 2026.

Nakarating ito kay Heart,
Sa kanyang Instagram Story, ni-repost ni Heart ang ibinahagi ng isang follower ang screenshot ng Frontline Pilipinas kung saan iniulat ang balitang kinagat ng garapata ang aktres.
Nakalagay sa caption ng netizen: "wala na ba mabalita!!I pati pagkagat ng garapata!! hahahah"
Tinag ng netizen si Heart.
Caption naman dito ni Heart: "What the ... [smiling face with horns, laughing in tears emojis]"

Read: Michael Pacquiao's girlfriend breaks silence on age-gap issue
NETIZENS REACT to news about heart evangelista'S TICK BITE
Sa Facebook page ng isang entertainment page, kinaaliwan ng netizens ang post tungkol sa kagat ng garapata kay Heart.
Sabi ng isa (published as is): "Normal lng yn pg petlover ka kmi nga mnsan pti garapata ktabi na nmin mtulog nkikiunan pa"

"Kawawang garapata trending na," dagdag ng isa pa.

Pero may pet lovers namang kumuwestiyon dahil wala raw garapata ang pusa. Ang normal daw na nagkakaroon daw nito ay mga aso.
Komento ng isang netizen, "Garapata pero pusa? Matagal na akong may alagang pusa pero hindi sila nagkakagarapata. Aso lang."

Saad pa ng isa: "walang garapata ang pusa it is from dogs...OA..tsaka kung maalaga ka sa mga dogs mo maappansin mo kaagad na merob silang garapata"

Sinang-ayunan naman ito ng isa: "Alm ko ang pusa wala garapata. Meron sila tawag dun pulgas. Yung natalon..pwede den nahawa sa aso yung pusa. Oks lng yon. Normal lng yon pag may pet ka."

Noong 2021, napaulat na merong tatlong alagang pusa at limang aso si Heart.
Pero ang pinakapaboritong kasama ni Heart sa kanyang mga lakad at post sa social media ay ang aspin na si Panda.
