Nakiuso si AJ Raval sa 2026 TikTok trend na "I wish I met you earlier."

Ito ay ang pagbabaliktanaw sa kaganapan sa kanilang buhay sa isang partikular na taon.
Sa post ni AJ, bumalik siya sa taong 2007 kunsaan seven years old pa lamang siya, samantalang si Aljur Abrenica ay 17 years old na noon.
Ten years ang age gap nina AJ at Aljur.
Noong panahong iyon, batang-bata pa si AJ, samantalang si Aljur ay bida na sa defunct primetime telefantasya ng GMA-7 na Zaido: Pulis Pangkalawakan.

Caption ni AJ sa post (published as is), "Anong version nyo ng partner nyo? hahaha
"Sorry Aljur hahaha cutie."
Sumunod na sinabi ni AJ ay bahagi lamang ng trend ang nilagay niyang kunwa'y sinabi ni Aljur na "I wish I met you earlier."
Pagklaro pa niya, "Just to clarify Aljur never actually said that it’s only a TikTok trend. Thank you so much for understanding."

Read: Jennylyn Mercado manager quashes rumor about actress and in-laws
AJ RAVAL ANSWERS BASHERS, SUPPORTERS
Sa comments section, may mga naghayag naman ng suporta kay AJ.
Ayon sa isa niyang follower: "As time goes by nakikita na ng mga tao kung bakit sobrang minahal to ni Aljur.
"You give him dignity, you are proud of him, and you appreciate him for who he is. Not against anyone but it looks like he found peace kay AJ.
"Nag-a-unfold na napaka beautiful pala ng soul ni AJ."
Tugon ni AJ, "Thank you so much for saying that. It really means a lot. All I ever want is for him to feel happy, loved, and at peace.
"I’m just grateful we get to support each other every step of the way."

Biro naman ng isa (published as is), "12yrs old pa lang sya ata nyan si aj."
Paglilinaw ni AJ, "17" years old siya sa binahagi niyang litrato.

Pero, may mangilan-ngilan pa ring ayaw tantanan si AJ.
Sabi ng netizen (published as is): "Wag masyado masaya aj. Nakakatakot Yung mararamdaman mong kalungkutan soon"
"Babalik sa yo yan," buwelta naman ni AJ.

Sabi ng isang naysayer (published as is), "Nagpapasin Naman c aljur at AJ mga Laos."
Sarkastikong pagsakay ni AJ, "Grabe no? mga papansin kakainis yag dalawang yan!!!!"

Susog ng isa pang netizen, "Partner ba diay na nimo nga kabet mn ka"
Sagot ni AJ, "Di ka pa nagsasawa, 'te, 4 years mo ng sinasabi yan."

May nagsabi namang masakit ito para kay Kylie Padilla, ang ex-wife ni Aljur.
"Grabe ang sakit nito marinig para kay kylie," tukoy ng netizen sa akala nito'y sinabi ni Aljur kay AJ na "I wish I met you earlier."
Namangha naman si AJ sa reaksiyon ng netizen sa post niya na aniya'y good vibes lang sana.
Ayon kay AJ, "Yung tropa mong ang saya-saya ng moment, tapos gustong mag-drama."

Read: Marian Rivera says “power couple” blind item not her and Dingdong
