Binasag na ni Dennis Trillo ang kanyang katahimikan tungkol sa isyung ibinabato sa asawang si Jennylyn Mercado at sa pribadong buhay ng kanyang mga magulang.
Sa kanyang Facebook ngayong gabi ng Sabado, January 10, 2026, ipinagtanggol ni Dennis ang asawa laban sa mga isyung ipinupukol dito.
Giit ni Dennis, mabuting tao si Jennylyn at mapalad siyang siya ang pinakasalan nito.
Hindi rin daw showbiz ang mga magulang niya kaya huwag na raw kaladkarin ang mga ito sa intriga.
Pahayag ni Dennis: "Sa mga hindi po nakakakilala sa aking asawa, isa siya sa pinakamabuting tao sa buhay ko. Isang pribilehiyo na ako ang pinili niyang makasama habang buhay.
"Ang mga magulang ko naman ay may edad na po. Hindi din sila showbiz at tahimik lang sila na namumuhay... wag naman sana sila bigyan ng isyu."
Dagdag pa ni Dennis, hindi lang nagtutugma ang schedule nilang mag-asawa sa schedule ng kanyang mga magulang.
Buong post ni Dennis (published as is), "Mahal na mahal ko po silang lahat at Maayos ang samahan namin kahit di man kami madalas nagkakasama dahil sadyang busy ang aming mga schedules.
"2026 na po, magfocus nalang tayo sa pagiging mabuting tao. Madaming problema ang ating bansa na mas kailangan nating pagtuunan ng pansin.
"Maiksi lang ang buhay, piliin natin maging masaya at mabuti araw araw."
NETIZENS' REACTIONS
Komento ng isang netizen, "Ndi nman trabaho ng mga celebrity couple ang i-please ang lahat at lalo n dami nila puna, kala mo perfect nman nila. Salute to you Dennis Trillo"
Sinang-ayunan naman ito ng aktor.

Read: Marian Rivera says “power couple” blind item not her and Dingdong
DENNIS TRILLO-JENNYLYN MERCADO ISSUE
Bago pa ito, pinabulaanan na rin kaninang umaga ng manager ni Jennylyn na si Becky Aguila ang isyu.
Sina Jennylyn at Dennis ay parehong nasa pangangalaga ng Aguila Entertainment, ang talent management company na itinatag ni Becky at ngayon ay pinamamahalaan ng anak ni Becky na si Katrina Aguila.
Ayon sa tismis, hindi bet ng mga kapamilya ni Dennis si Jennylyn.
Nauna itong lumabas sa Ogie Diaz Showbiz Update sa YouTube nitong nakaraang January 8, 2026.
May nagparating lamang daw kay Ogie ng tanong kung gaano katotoong hindi okay si Jennylyn sa kanyang in-laws o sa mga magulang ni Dennis.
Sa apat na taon nilang magkasama bilang mag-asawa, hindi raw nagparamdam si Jennylyn sa pamilya ni Dennis.
At kumalat na nga ito sa iba't ibang Facebook pages.
Ayon sa post ni Becky, walang katotohanan ang mga lumalabas na tsismis.
Napakabait at napakamarespetong tao daw ni Jennylyn.
Private daw ang pamilya ni Dennis at huwag na raw sanang idamay pa sa isyu.
Buong pahayag ni Becky: "Not true…
"Jen is the most genuine, sweetest, nicest, most loving, kindest, respectful and generous alaga i have.
"I've personally seen and witnessed how she takes care of everyone.
"It’s 2026. Spread love and joy! Wag ganyan. Dennis’s family is very private. Wag sila idamay."
Read: Jennylyn Mercado manager quashes rumor about actress and in-laws
