Nagbigay nang pahayag ang aktres na si Ria Atayde tungkol sa diumano'y kumprontasyon na naganap nung araw ng kasal niya at ng mister na si Zanjoe Marudo.
Ikinasal sa simbahan ang dalawa nung December 22, 2025, matapos magdaos ng civil wedding nung March 23, 2024.
Ngunit ang masaya sanang okasyon ay nabahiran daw ng gulo matapos nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng aktor na si John Lloyd Cruz at TV host na si Robi Domingo.
Ayon sa kuwento ng veteran showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang vlog, hindi nagustuhan ni John Lloyd ang sinabi ni Robi, na siyang tumayong host nung wedding reception, at nauwi ito sa sagutan na narinig ng mga bisita.
JOHN LLOYD-ROBI RIFT: WHAT ALLEGEDLY HAPPENED
Ikinuwento ni Ogie ang mga pangyayari base sa naikuwento ng kanyang source.
“So habang nagho-host daw itong si Robi, ito’y kuwento lamang sa atin ano, ng isa sa mga nakasaksi ro’n, na habang nagho-host si Robi ay nasambit niya kay Ria na, ‘How does it feel do be Mrs. Marudo?’ and si Zanjoe naman, ‘How does if feel to be Mr. Atayde?’"
Malapit na magkakaibigan sina Ria, Zanjoe, at Robi, kaya wala naman daw problema sa bagong kasal ang biro ni Robi, at nagtawanan pa nga raw maging ang mga bisita.
“So, pagbaba ni Robi ng entablado patungo dun sa may bar, e, biglang um-approach si John Lloyd Cruz na isa rin sa mga bisita at yung tagpo na yun na paglapit ni John Lloyd, e, biglang napalakas yung boses ni John Lloyd kaya nakapukaw ng atensyon ng ibang bisita," patuloy ni Ogie.
“Sabi raw ni John Lloyd [kay Robi], 'Mali yung sinabi mo, in-appropriate yung sinabi mo. Okay ba yung sinabi mo na tawagin mong Mr. Atayde [si Zanjoe]?
“Sabi ni Robi raw, 'May isyu ba tayo?'"
Sa puntong ito ay pasugod daw na balik-sagot ni John Lloyd, "Bakit ano gusto mo mangyari?"
Sinasabing may mga nag-mediate na para hindi na mag-escalate pa ang komosyon sa wedding reception.
RIA GAVE HER THOUGHTS
Sa panayam kamakailan ni MJ Felipe ng ABS-CBN News kay Ria ay tinanong nito ang aktres tungkol sa lumabas na isyu.
"If something happened between them, they kept it away from me. It wasn't something that disrupted the event or anything. It went very smoothly. It was a beautiful night," saad ni Ria.
Nangyari ang panayam sa special screening ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na I'mPerfect.
Nagpasalamat si Ria sa mga bisita at dumalo sa kanyang kasal dahil naging mahinahon ang mga ito para hindi na lumaki ang insidente.
"That was what we wanted from the start. It was non-negotiable to have a party like that," dugtong ng aktres.
Idiniin ni Ria na naging cooperative ang guests pagdating sa pagrespeto sa kagustuhan nila ni Zanjoe na maging pribado ang kanilang kasal.
"Sometimes you watch same-day edit videos, and everybody's phones are up. Iba kasi yung feeling na you're all there, enjoying the moment.
"We're so grateful that they all showed up for us," she said.
"It was just a nice celebration of our love and of everyone who has been a part of our story as a couple."
Sa kasalukuyan ay wala pang pahayag sina John Lloyd at Robi para bigyang linaw ang nasabing gulo.