Kung titingnan mo ang social-media feed ni STAR, iisipin mong perfect ang kanyang life.
Tila kontento siya sa anumang meron ang career niya.
Tila masaya rin ang kanyang buhay pamilya.
Pero alam kaya niya ang mga aktibidades ng kanyang GOOD-LOOKING HUSBAND?
Read: BLIND ITEM: Sikat na star, dedma sa bayarin?
GOOD-LOOKING HUSBAND'S AFFAIR
Ayon sa nasagap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang source, may OTHER WOMAN daw ito.
Very discreet daw sila.
Ang sabi pa nga, "three years" na ang kanilang affair at nagde-date sila out of the country.
At galante raw si GOOD-LOOKING HUSBAND kay OTHER WOMAN dahil diumano'y binigyan siya ng kotse.
Well, yun ang narinig ni source sa isang taong malapit kay OTHER WOMAN.
Alam kaya ni STAR ito?
Saan kaya galing ang funds ni GOOD-LOOKING HUSBAND?
Kung titingnan mo ang past interviews ni GOOD-LOOKING HUSBAND, mukhang love na love niya si STAR.
Yun nga lang, kung totoo ang nasagap ni source, bakit siya may OTHER WOMAN, na halos kaparehas ng figure ni STAR?
And not just one but two!
Isa pang source ang nagsabi na meron pang isang constant date si GOOD-LOOKING HUSBAND. Hindi nga lang sure kung fling lang ito o serious.
In short, babaero raw si GOOD-LOOKING HUSBAND.
Read: Aktres, humingi ng saklolo dahil sa pananakit ng asawa
Alam kaya ni STAR?
Mukhang alam daw. May nakapagsabi na malapit na siyang sumabog.
Pero, siguro tatahimik muna si STAR para sa kanyang image; kakayanin ang panloloko ng GOOD-LOOKING HUSBAND para sa anak.
So, suma tutal, what you see is not always what you get.
So wag basta-basta magpapapaniwala sa nakikita sa social-media.
Wag basta-basta magpapadala sa hitsura. Hindi porke't mukhang good, e, good talaga.