PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nadine Lustre calls Christophe Bariou her “prince charming”

Nadine: "...sobrang okay na siya and perfect na siya for me."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 12, 2026
Nadine Lustre calls Christophe Bariou her “prince charming”
Nadine Lustre on her relationship with boyfriend Christophe Bariou: "Feeling ko kasi sobrang okay na siya, para sa akin. Hindi man siya perfect pero, para sa akin, sobrang okay na siya and perfect na siya for me...Alam mo lang na ito na iyon and ayun yung na-feel ko sa kanya. Kaya sabi ko, ‘Kapag nag-break pa tayo, hindi na ako magdyo-dyowa kasi ayaw ko na.’"
PHOTO/S: Christophe Bariou on Instagram

Masayang-masaya ang aktres na si Nadine Lustre sa kasalukuyang estado ng kanyang puso, kapiling ang nobyong si Christophe Bariou.

Sa YouTube vlog ni Vice Ganda noong January 7, 2026, nakapanayam ng It’s Showtime host ang kanyang Call Me Mother co-star na si Nadine habang sila ay nasa Disneyland.

Kabilang sa napag-usapan ng dalawa ang buhay pag-ibig ngayon ni Nadine.

Nadine Lustre calls Christophe Bariou her “prince charming”
Photo/s: Screengrab Vice Ganda on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nadine Lustre claps back at netizen's comment about boyfriend

Tanong sa kanya ni Vice, "Feeling mo ba na-meet mo na ang Prince Charming mo?"

Mabilis at nakangiting sagot ng aktres "Feeling ko naman. Sana."

Sundot na tanog ni Vice, "So, ganun ka ka-in love ngayon sa boyfriend mo?"

Tugon ni Nadine, "Oo. Sabi ko nga sa kanya, 'Kapag nag-break pa tayo, hindi na ako magdyo-dyowa.’"

Read: James Reid dashes hopes of reunion project with Nadine Lustre

Pakiramdam daw ni Nadine ay ibang-iba si Christophe kumpara sa lahat ng kanyang mga nakilala noon.

Paliwanag niya: "Feeling ko kasi sobrang okay na siya, para sa akin. Hindi man siya perfect pero, para sa akin, sobrang okay na siya and perfect na siya for me.

"For some reason, alam mo lang na ito na iyon and ayun yung na-feel ko sa kanya. Kaya sabi ko, ‘Kapag nag-break pa tayo, hindi na ako magdyo-dyowa kasi ayaw ko na.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"For me, ang hirap makahanap ng katulad niya."

Bagamat aminado si Nadine na hindi pa siya handang lumagay sa tahimik o mag-asawa sa ngayon, hindi raw niya isinasara ang posibilidad na magkapamilya sila ni Christophe sa tamang panahon.

Nadine Lustre calls Christophe Bariou her “prince charming”
Photo/s: Nadine Lustre on Instagram

"Parang ibang responsibility [yung pagiging wife]. Pero kung mangyayari, e, di go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"[Pero I think hindi pa ngayon]. Kasi feeling ko, kung ano yung nangyayari at ginagawa namin sa amin ngayon, I think ganun na siya.

"Kami kasi, we are both focused on working on ourselves din. Meaning na naggo-grow pa kami separately and we are growing together. Kasi may businesses kami together and marami pa kaming gustong marating.

"Yung ganoong klaseng relationship, ayun talaga yung magwu-work kasi kunyari kapag lalabas ako or lalabas siya, mamaya may ano," saad ni Nadine.

Read: Nadine Lustre, 31, admits she’s not yet ready for motherhood

Sundot na tanong sa kanya ni Vice, "Praning ka bang girlfriend?"

Pahayag ng award-winning actress: "Before, pero ngayon sobrang iba.

"Hindi ko alam pero napi-feel ko lang na secure ako sa kanya.

"Depende talaga sa situation. Like ngayon, may mga times na napa-paranoid pa rin ako but not because of the relationship."

Is Nadine open to the idea of marriage?

Pag-amin pa ni Nadine, sa kasalukuyan niyang estdao ay hindi siya bukas sa ideya ng engrandeng pagpapakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sapat na raw sa kanya ang isang simple at intimate na selebrasyon kasama ang kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Pahayag ni Nadine: "Ako, gusto ko naman ng celebration. Pero not necessarily as wedding, parang gusto ko lang ng celebration with family, ganyan.

"Not necessarily malaking celebrations, like sa church, [hindi Disney wedding].

"Parang gusto ko lang by the lake, by the ocean with close friends, tapos after noon party lang kayo.

"Ganoon lang kasimple. Hindi ako nag-dream talaga ng malaking wedding."

Read: REVIEW: Call Me Mother is Vice Ganda at his best

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre on her relationship with boyfriend Christophe Bariou: "Feeling ko kasi sobrang okay na siya, para sa akin. Hindi man siya perfect pero, para sa akin, sobrang okay na siya and perfect na siya for me...Alam mo lang na ito na iyon and ayun yung na-feel ko sa kanya. Kaya sabi ko, ‘Kapag nag-break pa tayo, hindi na ako magdyo-dyowa kasi ayaw ko na.’"
PHOTO/S: Christophe Bariou on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results