Diretsahang inamin ng singer-actror na si James Reid na hindi na siya tatanggap ng proyekto kasama ang ex-girlfriend at dating ka-loveteam na si Nadine Lustre.
Ito'y bilang respeto na rin daw sa kasalukuyan niyang girlfriend na si Issa Pressman.
Sa panayam ni James sa vlog sa YouTube ni Ogie Diaz noong Martes, September 17, 2024, natanong siya tungkol sa plano niyang pagbabalik sa pag-arte makaraan niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang singing career.
Pagbabahagi ni James, nasa plano na niya noon pa mang bumalik sa paggawa ng pelikula at teleserye.
Mas inuna lang daw niya talaga ang hilig sa music kaya ilang taon siyang namahinga sa paggawa ng acting projects.
Aniya, "It was always my plan to go back to acting. I just wanted to do music first.
"At the time, I felt, like, being in a loveteam, I felt like I was losing my identity.
"I think it's something that everyone goes through at some point in their lives.
"You need a drastic change in your life and I feel ike switching from acting into music was the kind of change I needed."
Read: Nine things you don't know about James Reid
JADINE COMEBACK?
Kaakibat ng kanyang pagbabalik sa pag-arte ay ang kaliwa't kanang tanong kung may tsansa ring magbalik ang tambalan nila ng dating nobya na si Nadine, ang JaDine.
Ayon kay James, hanggang ngayon ay ramdam na ramdam niya ang suporta at pagmamahal ng fans nila ni Nadine.
Ngunit sa kasalukuyan niyang estado ay hindi na raw niya nakikita ang pagkakaroon nila ng reunion project ng dating kasintahan.
Maging ang pagkakaroon niya ng loveteam ay hindi na rin daw interesado si James.
Read: James Reid going back to acting, but "no love team"
Saad ng aktor: "I don’t think that’s happening.
"There’s still that undying support that I’m always grateful for, even as I transition to music, nandoon pa rin sila [fans] to promote my music and support.
"But out of respect for my girlfriend, Issa, I don’t think I’ll ever do another loveteam.
"I think a lot of audiences can tell reality from showbiz when it comes to loveteam. So, you know, respect for her [Issa].
"I don't think I'd ever do that again. But acting, definitely."

JAMES RECOUNTS INTENSE BASHING THEY RECEIVED
Alam daw ni James na hindi lahat ay matatanggap ang kanyang desisyong hindi na bumalik sa pagkakaroon ng loveteam.
Mayroon at mayroon daw pupuna sa kanya, kaya naman pakiusap ni James na bigyan sila ng pagkakataong sundin din ang mga nais nilang gawin sa kani-kanilang buhay.
Sobra-sobra na raw ang pinagdaanan nilang bashing noong naghiwalay sila ni Nadine kaya kung maaari ay mag-move on na rin daw ang mga taong umaasa pang magkakabalikan sila.
Saad ni James: "It’s been a very difficult year for me, also for Issa, and I’m sure for Nadine also, with all the noise, all of the bashing, sana people can move on from all of that.
"I have to say, like, to be very honest, for me witnessing all of the bashing, nakaka-depress siya, to be honest.
"I hope people can move on and please give us peace of mind."
JAMES DEFENDS ISSA
Kung tutuusin, maayos daw ngayon ang relasyon nila ni Nadine bilang magkaibigan kaya hindi raw alam ni James kung bakit nadadawit si Issa sa kanilang nakaraan.
Paglilinaw ni James, walang kinalaman si Issa sa paghihiwalay nila ni Nadine kaya hindi niya maatim ang pamba-bash ng netizens at fans sa kasintahan.
Diin ni James: "I have no problem [with Nadine]
"It’s just the fans have a way of creating rumors and all of this stuff saying that inagaw or whatever, which just makes no sense because I dated someone after Nadine.
"But, you know, people will always make up their own stories and I just try my best to live a life that I’m proud of so that I can sleep at night and just focus on my life."
Dagdag pa niya, "Hopefully, people will just move on because they can see happy naman kami, happy naman sila. [Kaya] tama na!"

JAMES-NADINE BREAKUP
Noong January 1, 2020, inulat ng PEP.ph ang breakup nina James at Nadine.
Read: James Reid at Nadine Lustre, break na
Kinumpirma ng dalawa ang paghihiwalay nila sa pamamagitan ng kanilang joint statement noong January 20, 2020.
Sa ulat ng PEP.ph noong January 22, 2020, itinuro ng netizens si Issa na diumano'y third party sa hiwalayang JaDine.
Read: Issa Pressman, pinagbibintangang third party sa James Reid-Nadine Lustre breakup
Pero noong January 23, 2020, humupa rin ang isyu matapos humingi ng dispensa ni James sa magkapatid na Issa at Yassi Pressman sa pagkakadawit ng mga ito sa isyu.
Read: James Reid, nag-apologize kina Yassi at Issa Pressman
Mariin ding pinabulaanan noon ni Issa ang bintang na siya ang dahilan ng breakup nina James at Nadine.
Read: Issa Pressman breaks silence on third-party allegation in James Reid-Nadine Lustre breakup
Hanggang noong March 17, 2023, tuluyan nang inamin nina James at Issa ang kanilang espesyal na relasyon.
September 8, 2023, ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa nang magkasama rin silang dumalo sa #PreviewBall2023 na ginanap sa Manila Marriott Hotel, sa Pasay City.
Dito ay inihayag ni James ang lubos niyang kasiyahan na sa wakas ay hindi na nila kailangang itago ng nobyang si Issa ang kanilang relasyon.
Pagtatapat noon nina James at Issa, masaya at in love sila sa isa't isa.
Ani James, “There’s no better way to say it. I’m very in love. I’m very happy."
Read: James Reid ready to settle down with Issa Pressman "soon"
Para naman kay Issa, ang pagiging supportive nila sa bawat isa ni James ang isa sa magandang parte ng kanilang relasyon.
Saad ng kapatid ni Yassi Pressman, "The best thing, like, the love that we have is we really support each other.
"I have my strengths, he has his, so we just help each other."
Hindi rin daw sila nahirapang gustuhin at mahalin ang isa't isa dahil nakikita raw nila ang kanilang mga sarili sa katauhan ng bawat isa, na siya ring dahilan kung bakit nag-click sila.
"Definitely, I think I feel like he's like the male counterpart of me," pagmamalaki ni Issa.
Agad naman itong sinang-ayunan ni James.
Saad niya, "I said that in an interview earlier and was, like, 'Is that weird to say?'
"But, yeah, I feel, like, it's like she's the female counterpart of me.
"Yeah, but six months ago, we just really clicked and, you know, we've very happy.
"It's been a crazy six months, roller coaster but super happy."
Read: James Reid on relationship with Issa Pressman: "I’m very in love. I’m very happy."
Sa kabila ng matatag na relasyon nina James at Issa, si Nadine ay masaya na rin ngayon sa piling ng nobyo niyang French businessman na si Christophe Bariou.
Read: Is Nadine Lustre ready to settle down with boyfriend Christophe Bariou?
