Kung updated si ACTRESS sa nangyayari sa kanyang EX-BOYFRIEND, ang masasabi niya siguro, "Good riddance."
Lumitaw kasi kamakailan ang mga stories of infidelity ng kanyang EX-BOYFRIEND.
At ilan sa kanila ay nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Si ex-boyfriend ay nagkaroon ng EXTRA—not just one but many—nung sila pa ni ACTRESS.
Dalawa sa mga EXTRA ay galing sa parehong school at pareho silang maganda at sexy.
Ang isa sa kanila ay naging EXTRA ni EX-BOYFRIEND sa matagal na panahon. Ang term ni PEP source, "on call" si EXTRA whenever EX-BOYFRIEND needs her.
Baka nga up to now ay may namamagitan pa sa dalawa from time to time.
Ang EXTRA na ito, ayon sa PEP source, ay "well-connected" at mayroong business.
Constant daw ito sa buhay ni EX-BOYFRIEND, at nakakapag-stay pa sa family property ni EX-BOYFRIEND whenever she likes. As in ganoon sila ka-close.
Read: BLIND ITEM: Good-looking husband ni Star, may other woman
Napapailing na lang si PEP source kasi, may ganung guy pala, hindi nakokontento at tila hobby ang panloloko, at may mga girls na papatol sa guy kahit taken na.
Mabuti na lang nakawala si ACTRESS sa relasyon nila.
Hindi kaya dahil sa infidelity kaya sila naghiwalay?
Ano kaya ang feeling ni ACTRESS kapag naririnig ang mga balita about EX-BOYFRIEND?
Ang sabi ng isa pang PEP source, dedma raw ito. Happy na kasi sa buhay niya ngayon.
At hindi raw "good riddance" ang nasambit niya nung narinig ang mga stories of infidelity but something along the lines of, "Wa na ko care."
Jurassic topic na raw kasi.
Ang lesson learned dito: Kapag nag-break kayo ng jowa, huwag OA sa iyak, huwag loka-loka. Years later when you meet your true love, matatawa ka sa sarili mo at magiging grateful ka dahil the breakup was actually a blessing in disguise.
CLUES ABOUT ACTRESS, EX-BOYFRIEND, AND EXTRA
Si ACTRESS ay active pa rin sa showbiz hanggang ngayon.
Si EX-BOYFRIEND ay popular.
Si EXTRA ay non-showbiz.
Yun na!
Read: Bidang aktres, nag-abono sa reshoot ng eksena sa teleserye