PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Toni Gonzaga shuts down "power couple" blind item

Marian Rivera and Dingdong Dantes already denied that it was them.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 14, 2026
Toni Gonzaga reacts to "power couple" marital issue
Toni Gonzaga (right) responds to online speculation linking her and husband Paul Soriano (left) to a controversial “power couple” blind item, addressing netizen comments during a TikTok live selling session.
PHOTO/S: Toni Gonzaga on Instagram

Hindi inurungan ng TV host-actress na si Toni Gonzaga ang netizens na nag-uugnay sa kanya sa isang blind item tungkol sa umano’y gusot sa relasyon nila ng asawang si Paul Soriano.

Ilang araw nang usap-usapan online ang isang blind item tungkol sa isang “power couple” na may mala-fairytale marriage ang public image sa showbiz, ngunit diumano’y may itinatagong problema sa kanilang pagsasama.

Read: Toni Gonzaga: unbothered by controversies, uncowed by critics

Ayon sa blind item, ilang beses umanong nambabae ang mister, na naging dahilan para mapaiyak ang misis sa harap ng kanyang mga kaibigan matapos niya umanong mahuli ang asawa.

Sa kabila ng umano’y third-party issue, handa raw magtiis at magpatawad ang misis.

Dahil dito, kanya-kanyang hula ang mga netizen kung sino ang tinutukoy na “power couple” sa blind item.

Ilang celebrity couples ang nadawit sa usapin, kabilang na sina Toni at Paul.

TONI REACTS TO “POWER COUPLE” BLIND ITEM

Nitong Martes, January 13, 2026, habang nagla-live selling ng antioxidant products si Toni, inulan ng mga komentong may kaugnayan sa nasabing blind item ang kanyang live.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Toni Gonzaga reacts to
Photo/s: Screengrab on Reddit

Marami sa mga manonood ang nagtanong sa comments section kung may katotohanan ang haka-hakang sina Toni at Paul ang tinutukoy sa blind item.

Sa halip na direktang sagutin ang isyu, ginamit ni Toni ang pagkakataon upang iugnay ang kanyang sagot sa produktong kanyang ibinebenta.

Pahayag ni Toni: “Do not waste time sa mga nonsense, okay? It’s a waste.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang mga waste dapat pina-flush sa CR, okay?

"Katulad nito, umiinom ako ng antioxidant, so lahat ng waste in my body, ipa-flush natin yan sa CR."

Toni Gonzaga reacts to
Celebrity couple Toni Gonzaga and Paul Soriano.
Photo/s: Toni Gonzaga on Instagram

Tinawag din ni Toni na “walang silbi” ang mga tanong sa comments section na may kaugnayan sa umano’y gusot nilang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Just like yung ibang katanungan ng mga tao rito na wala namang silbi [at] pupuntahan ng mga ganyang questions.”

A COUPLE OF DENIALS

Samantala, bukod kay Toni, ilang celebrity couples na rin ang nagbigay ng reaksiyon at itinanggi na sila ang tinutukoy sa blind item.

Kabilang dito ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Read: Luis Manzano reacts to power-couple blind item

Maging sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay mariin ding itinanggi na sila ang “power couple” na binabanggit.

Read: Marian Rivera says “power couple” blind item not her and Dingdong

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Toni Gonzaga (right) responds to online speculation linking her and husband Paul Soriano (left) to a controversial “power couple” blind item, addressing netizen comments during a TikTok live selling session.
PHOTO/S: Toni Gonzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results